Kabanata 6

2665 Words
    Nakatulala pa rin akong umuwi sa mansyon. Ang puso ko ay muntik nang lumabas sa dibdib ko kanina sa pagsigaw ni Jamin. Hindi ko alam na magagalit siya over that. Nakanguso ako habang nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame.     Bakit kasi ganoon na lang siya magreact? Pinrovoke niya ako tapos noong gagawin ko na nga ay bigla na lang niya akong sisigawan at susuntukin iyong pader? Jamin's confusing to be honest. Kahit na palabiro siya ay hindi ko pa rin makuha ang kanyang ugali.     May kumatok sa pintuan kaya napalingon ako roon.         "Hey, I'm sorry kung hindi na ako nakasabay magdinner." ani Mayor at umupo sa dulo ng kama ko.     Bumangon ako para makita ang mukha niya.         "No, it's alright. Sumabay naman ako kina Arnie." ngumiti ako.     Mukhang pagod si Andrei. Maluwag ang tie niya at hindi na nakatuck-in ang kanyang pantaas.         "Kumain ka na?" tanong ko.     Umiling siya at hinimas iyong relo niya. It's eight thirty in the evening. Ganoon na ba talaga kahectic ang agenda sa kapitolyo at ganito na lamang siya kamukhang stressed?         "Hindi pa. Nagpahanda na ako kay Arnie. I'll be going down kapag nakapagbihis ako."     Tumango ako. Should I send him away? Pero magiging rude naman ata ako kapag ganoon? Hindi kasi ako kumportable sa presensya niya lalo na't dahil sa tanong niya kanina.     He wants to know me more? Para saan? Interesado rin ba siya sa akin? At gaano kainteresado? That's the questions running on my mind plus Jamin's actions.         "Sige na. Magpalit ka na at kumain."     Iyon lamang ang lumabas sa bibig ko sa 'di malamang kadahilanan. Siya naman ang tumango at tumayo na. Akala ko ay aalis na siya pero nilapitan niya ako para halikan sa pisngi.     I was shocked. And I found that unnecessary. Sinarado niya ang pintuan.     Hindi ko naman inakala na magkakaganito ako rito. I thought that I would find the solitude I need. Pero mukhang mas nabulabog ako nang aking isip because I'm currently involved with two unpredictable man.     Kaya bago pa ako malunod sa mga iniisip ay kumuha ako ng papel na binili ko sa bayan at mga coloring materials para sa gagawin kong drawing. Inubos ko ang buong gabi sa pag-iisip ng babagay sa bawat isa. Gusto ko ay lahat sila ay aangat. Ayoko nang may isang magmumukhang kung ano. I want the girls to feel beautiful while wearing my creations.     Nakatulog ako sa table at nagising lang nang tamaan nang liwanag ang mukha ko. Naiirita kong tinakluban ang aking mukha ng aking palad pero sadyang maliwanag na sa labas.         "Damn." mura ko.     Bumangon na ako at hinayaang mag-adjust ang aking mata sa liwanag na nagmumula sa bintana at sumasakop sa buong kwarto. Pumasok ako sa banyo para maligo at magtoothbrush. Matapos iyon ay bumaba ako sa kitchen. Nadatnan ko si Linda na nagpupunas ng mga plato. Nginitian niya ako.         "Breakfast, Ma'am?" tanong niya.     Tumango ako at umupo sa isa sa mga matataas na stool.         "Yes, please." sagot ko.     Umalis siya para siguro ay ipaghanda ako. Hindi rin nagtagal ay nilapag niya sa harapan ko ang mga lagi nilang hinahain kapag breakfast. Pinagsalin niya pa ako ng juice. Ngumiti ako sa kanya at bumalik siya sa ginagawa.         "Linda, nasaan si Arnie?" tanong ko.     Nakakapagtaka na hindi siya ngayon ang nasa sa kusina.         "Isinama po kasi ni Mayor. Hindi ko lamang po alam kung saan." sabi niya.     At saan naman sila pupunta ni Andrei? Maaga pa at hindi ako sanay na marinig na sinasama ni Andrei si Arnie.         "Saan raw?" tanong ko at kumagat sa loaf bread.         "Hindi rin po sinabi eh. Ang alam ko lang ay pinagluto pa si Arnie ng dadalahin nila." Nagkibit balikat si Linda.     Nagluto pa? Hindi kaya nagdedate sila? Picnic ganoon? Si Arnie kaya ang ex ni Andrei?         "Linda.." tawag ko.     Nag-angat ng tingin sa akin ito.         "Kilala mo ba ang ex ni Andrei? Si Arnie ba?"     Binaba ni Linda ang mga plato at mabilis na umiling. Nakatitig lamang ako sa kanya.         "Naku, Ma'am. Hindi po si Ate Arnie ang dating nobya ni Mayor. Hindi ko na ho kasi naabutan kasi hiwalay na po sila bago ako namasukan pero sigurado ako na hindi si Ate Arnie iyon."     Tumango ako. Hindi ko alam kung bakit napaparanoid ako. Hindi ko naman masyadong gusto ni Andrei. I like him but not to the extent na magpapakastalker ako. I'm just curious... Para kasing may kakaiba sa kanya.     Matapos niyang ilagay sa cabinet ang mga plato ay nagpaalam siya. Tinapos ko ang pagkain at dinala ang mga pinagkainan sa dirty kitchen. Nakipagdiskusyon pa si Ramona dahil nagpumilit ako na maghugas ng pinggan. Sa huli ay pumayag din naman siya.         "May bilihan ba ng tela rito?" tanong ko kay Ramona habang pinupunasan ang kamay ko.         "Sa bayan po. Sa pwesto ng mga Serrano. Bakit po?"         "Magtitingin ako para sa gagamitin ko sa gowns ng kasali sa parada."     Nanlaki ang mga mata ni Ramona. Sinabi pa niya na sasamahan niya ako para mas makapili at mas makatawad sa tela. Masyado siyang namangha nang malaman na marunong akong magtahi. Pangarap rin daw niya ito. Pinakita ko pa ang mga disenyo ng mga ilang naiguhit ko na. Nasa kitchen kami at doon ko tinuloy ang pagdidisenyo.         "Ang ganda naman po ng detalye. Ang galing." puri nila ni Linda nang pagpyestahan ng dalawa ang mga drawings.     Natigil lamang kami nang nagmamadaling pumasok sa kusina si Arnie. May dala itong basket.         "Magandang umaga..." bati niya at sinilip rin ang pinagtitinginan ni Ramona at Linda.     Natigil ako sa pagdrawing at pinanonood si Arnie. Nakapang-alis ito at nakabag. Saan kaya sila galing? Sa likuran niya ay pumasok si Andrei na nakaboard shorts at polo shirt. Mabilis na umalis si Ramona at Linda nang makita ang pagsulyap ni Andrei sa kanila.         "How are you?" tanong niya sa akin at lumapit.     Nag-iwas ako ng tingin at diniretso ang pagguhit. Kinuha niya ang isa sa mga papel.         "Wow, this is amazing." puri niya at tiningnan muli ako. Nag-angat ako ng tingin sa kanya dahil panay ang puri niya sa akin.         "Salamat. May mga makinang pangtahi ba kayo?" tanong ko. Nilingon niya ako at binaba niya ang mga papel na tinitingnan.         "Oo. Ipapahanda ko kay Ramona para magamit mo." sagot niya. Tumango ako. Tinuloy ko ang pagguhit kahit na nawawala na ako sa konsentrasyon.         "Magpapasama na rin nga pala ako kay Ramona sa bayan. Titingin kami ng tela mamayang hapon." pagpapaalam ko.     Nagkatitigan kami. Hindi ko mabasa ang kanyang mata. Tipid siyang tumango.         "Bring the car and the driver para hindi kayo mahirapan." sagot niya.     Tumango ako kahit na gusto kong umayaw doon ay mas pinili kong huwag na makipagtalo. Baka bumili na rin kami ng ilang yarda ay hindi na kami mahirapan pa.         "Saan kayo galing? Walang work sa munisipyo?" tanong ko.     Mas lalong naging seryoso ang kanyang mukha. Tumayo siya ng maayos at medyo lumayo sa aking tabi         "Bumisita lang sa dating kaibigan namin. Aalis rin ako after lunch. May kakausapin akong abogado sa munisipyo." aniya.     Nang pagkatapos nga ng lunch ay nag-ayos na siya at umalis rin agad. Nagpalipas lamang kami ng init at napagkasunduan na rin namin ni Ramona na umalis na. Nasa front seat si Ramona katabi ng driver para sa direksyon. Nang maihatid kami sa tindahan ng tela ay bumaba na kami. Pinagtitinginan pa rin kami ng mga tao dahil sa pamilyar na kotse ni Andrei.     Hinawakan ko sa braso si Ramona. Naglakad siya papasok sa paa warehouse na tindahan at kinausap ang bantay kung maari bang magtingin kami. Habang namimili ay hindi nakalampas sa tingin ko si Jamin na pumasok rin sa warehouse. Binati siya nang mga trabahador doon.         "Ramona," bulong ko sa kasama. "Bakit naririto si Jamin?"     Tiningnan ni Ramona si Jamin at nakibit balikat. Nawala na ako sa konsentrasyon dahil panay ang titig ko kay Jamin na nagkakarga ng tela sa isang pick-up. Nakatopless na rin siya at tanging ang maong pants na lang ang suot. Ang bawat hiwa sa kanyang katawan ay talagang batak. Does he go to gym?         "Kuya.." tawag ko roon sa lalaking nag-aassist. "Kilala niyo ba si Jamin?"     Tumango ang lalaki at binalik ang mga telang hindi ko napili.         “Nagtatrabaho 'yan dito. May kapatid kasi iyang sinusuportahan sa pagpapagamot." sagot nito.     So, he has two jobs? Secretary and a factory worker? He's hardworking to support his family. Akala ko ba ay anak siya ng foreigner? Hindi kaya siya sinuportahan? Siguro ay second family siya or illegitimate child.         "Ito na ba lahat, Ma'am?" tanong ni Ramona.     Tumango ako. Kinuwenta na ni Kuya ang mga tela at mamaya ay sinipulan si Jamin para tawagin. Nagkatitigan kaming dalawa. Lumunok ako dahil hindi maganda ang huli naming pag-uusap.         "Pakikarga sa sasakyan ni Mayor." ani noong lalaki.     Madilim na tumango si Jamin at binitbit iyon ng walang kahirap hirap. Hinintay ko ang sukli. Pumunta ka agad ako sa sasakyan. Buti na lang at itong Hilux ang dala namin. Malayang naiikarga ni Jamin ang mga telang nakarolyo. It's sunny kaya hindi na iyon nilagyan ng takip. Bumaba si Jamin sa likuran ng Hilux at pinunansan ang kanyang noo na may buti buti na pawis.     Sumulyap siya ng isang beses sa akin bago tiningnan ang lalaki.         "Iyon lang ba?" tanong niya.     Nag-iwas ako ng tingin.         "Oo iyon lang. Sige na, marami ka pang idedeliver sa kabilang bayan. Nasa likuran na ang truck at hinihintay ka."     Nilingon ako ni Jamin. Tinanguan niya ako at si Ramona na nasa sa aking tabi. Inistart na ng driver ang sasakyan at binuksan na ni Ramona ang pintuan para sa akin.         "Ang gwapo talaga ni Jamin." humagikhik si Ramona sa aking tabi habang pinagmamasdan si Jamin na nagpupunas ng pawis.     Ang pantalon niya ay nakasabit na sa kanyang baywang. Mukha siyang model sa isang men's magazine lalo na't tumutulo ang pawis sa kanyang medyo mabuhok na dibdib.     Umiling ako. Alright! Tama na iyan, Thyrese.     Habang papauwi sa mansyon ay napaidlip ako. Nagising lamang ako nang patayin na ng driver ang makina. Binuhat ng ilang guard ang mga tela papunta sa aking kwarto. Naroon na rin ang dalawang makina na gagamitin ko.         "Ramona, naipagpaalam na kita kay Andrei... Tutulungan mo ako, okay?" tanong ko.     Tumango si Ramona at inayos ang mga panahi. Mukhang mas excited pa siya. Me too. This is my first gig and probably my last. Pagbalik ko sa Maynila ay hindi na ganito ang gagawin ko. I'll be facing the company and hotels. Iniwan niya ako dahil gusto kong magdisenyo nang mag-isa. Inubos ko ang buong hapon at maggagabi na ata ng lumabas ako.     Pababa na ako sa hagdan ng marinig ang mga makina na pumasok sa gate. Nakaramdam ako ng kaonting tuwa. Finally, ngayong araw ay sabay kami ni Andrei. Tama ang hinala ko nang pumasok sa pintuan ang seryosong si Andrei. Nang makita niya ako sa hagdanan ay unti-unti siyang ngumiti.         "Kumusta?" bati ko.     Lumapit siya sa hagdanan ngunit nanatili sa baba nito. Bumaba na ako ng sa ganoon ay magtapat kaming dalawa.         "Ayos naman. Ikaw? Did you bought what you need?" tanong niya at hinapit ang aking baywang.      Ngumiti ako at hinayaan siyang hawakan ako habang naglalakad. Ginigiya niya ako papunta sa kitchen.         "Yup. Bukas ay pupunta ako sa munsipyo para imeet ulit sila para sa sukat at nang mapag-usapan na rin namin ang mga gagawin."     Nakikinig siya sa akin at iniupo ako sa silya. Umikot siya para makaupo sa aking tapat.        "Then, I saw Jamin there. He's working din pala doon? May kapatid pala siya? They said that he's supporting his sibling's medicine?" tanong ko.     Nag-angat siya ng tingin sa akin. Nakuha nang sinabi ko ang atensyon niya. He didn't know?         "Uh, yeah." sagot niya nang matahimik ako.     Lumabas na si Arnie dala ang mga pagkain. Nilapag niya iyon sa harapan namin. May adobo doon. Nilagay ko iyon sa plato ko at tinikman. It's fine but my mom's adobo is the best. Nginuya ko iyon.         “Do you think I should help Jamin? He's my friend too and I was touched that he's working to support a sibling."     Tiningnan ni Andrei ang baso sa kanyang harapan at uminom doon. Nag-angat siya ng tingin at mariin ang panga niya.         "No, you don't need to." bulalas niya.     Nagulat ako dahil galit ang tono ng pananalita niya. Nahimasmasan siya at marahang umiling bago tumikhim.         "I mean... I'm helping him so you don't need to worry about it." sabi niya.     Nawiwirduhan ako sa kanya. Bakit pag laging tungkol kay Jamin ay ayaw niyang pag-usapan? He's not even jealous. Parang may ayaw lang talaga siyang matumbok ko. Kumain na lamang ako ng tahimik. Nang matapos na ay sabay kaming pumanhik sa taas. Hinatid niya ako sa kwarto ko.         "I'm really sorry about that.." umpisa niya. "Hindi ko sinasadya. I just don't want you to worry."     Tumango ako. I can see that he's sincere now. Naguguluhan ako doon. I don't know!         "Sure. No problem."     Sinara niya na ang pintuan matapos niyang halikan ako sa pisngi. Nakahiga na ako sa kama at hindi pa rin dinadalaw ng antok. Tinawagan ko si Marge. Sinagot niya iyon at batid ko ang ingay ng background niya. Tiningnan ko ang phone ko. It's nine in the evening. Huwag mong sabihing nagbabar na siya ng ganitong oras?         "Hello?" pasigaw niya iyong sinagot.                 "Are you on your night life mode?" tanong ko.     I kinda miss Manila. Kapag ganitong hindi ako makatulog ay nagbabar kami. I miss my family, my friends and Marge.         "I can't hear you clearly! Oh my god! Allan! Stop that!" sigaw niya sa kabilang linya nang magsigawan ang mga tao na nasa background.     Napabangon ako. What the heck? Kasama niya si Allan? Ang boyfriend ni Thyrene?         "Kasama mo siya Marge? Did you lose your sanity? Malalagot ka kay Rene kapag nalaman niya ito!" pananaway ko.     Tumawa lang siya sa background. May mga nagsisigawan sa likuran na 'strip!'. Kilala niya ang kakambal ko. Black belter iyon at walang kinatatakutan. Kapag nalaman niyang magkasama si Marge at si Allan ngayon sa bar ay hindi niya sasantuhin ang kaibigan ko. Ngayon pang hindi niya talaga gusto si Marge umpisa pa lang.         "Chill, kiddo! Hindi mo pa nga pala alam. Your sister dumped him na! And I accidentally saw him on this bar doing naughty things! So I kinda felt responsible kasi ako lang ang kakilala niya and my eyes can't take this anymore. It's like I'm watching a live porn." paliwanag niya.         "Oh my gosh. Stop that you Allan f*****g Arellano!" sigaw niya muli at namatay na ang linya.     I am so tempted to text Thyrene about what happened to her and Allan. But I stopped myself. Isang text lang at malalaman at malalaman nila kung nasa saan ako. Pinilit ko na lang makatulog. Niyakap ko ang unan at nagbilang ng tupa pero hindi pa rin ako inaantok. Bumaba ako para uminom ng gatas nang marinig ko na naman ang boses ni Andrei sa may balkonahe.         "No! I f*****g told you... Hindi mo alam kung gaano ko kayang sirain ang pangalan mo. Do everything you can about that case! I can't lose..." dahan dahan kong sinilip ang kanyang likuran.     Nakatalikod siya at nakaharap sa labas. Halos hindi na ata ako makahinga dahil ayokong malaman niya na naririto ako.         "Damn! That case will ruin me next election.... Do what you need to do. Bribe them or whatever! Make sure they will shut up... f*****g damn it. Sige magkita na lang tayo bukas sa munisipyo."     Umatras ako para magmukhang ngangayon lang ako dadaan. Nang makasalubong niya ako ay kinalma na niya ang sarili.         "Hindi ka makatulog?" he asked.     Tumango ako.         "Kukuha lamang sana ako ng gatas sa baba." sagot ko.     Sinikap kong ngumiti nang hindi niya mahalata na narinig ko ang lahat. Sinamahan niya ako pababa. Hinintay rin niyang maubos ko ang gatas. Lumapit siya sa akin at pinunasan ang bakas ng gatas gamit ang kanyang hinlalaki.         "Go to sleep now, Thyrese." utos niya.     Umakyat na ako sa hagdan dahil nagpaiwan siya. Nang maisara ko ang pintuan ay hindi ko maiwasang mag-isip.     What is he hiding? Should I trust him?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD