" Halika na dito, siguradong giginhawa ang pakiramdam mo! " pagtawag sa akin ni Samuel. Nasa kama na siya ngayon at nakaupo. May hawak siyang langis sa kanyang kamay. Napalunok pa ako ng aking laway nang makita kong wala siyang suot na pang-itaas at tanging short na puti lang ang kanyang suot. " Hindi, ok lang talaga ako, Samuel. Hindi mo na kailangan pang masahein ang katawan ko, " pagtanggi ko sa kanyang alok. Napasimangot siya at tiningna ako ng masama. Tumayo soya mula sa pagkakaupo at naglakad aiyang palapit sa akin. Nang magkaharap kami, hinawakan niya ang aking kamay at hinila papunta sa kama. " Sinabi ko na ngang hindi na kailangan, Samuel! Makulit ka rin, no! " sabi ko sa kanya. Pinilit kong kumawala sa pagkakahawak niya ng aking kamay pero sadyang mahigpit ito kaya hind