" Ang sarap ng hangin, no, Jemuel? " napatingin ako kay Samuel nang magsalita siya. Nakahiga siya sa papag na kawayan at nakapikit ang kanyang mga mata. Ginawa niyang unan ang kanyang dalawang kamay. Lihim akong napangiti dahil sa nakikita kong payapa niyang mukha. Kung titignan, hindi siya mukhang twenty-eight years old, parang mas matanda lang siya sa akin ng dalawang taon. Napahugot ako ng malalim na hininga at tumingin sa malawak na bukirin. Tama siya, masarap ang hangin, malamig ang haplos nito sa aking balat. Hindi ito gaya ng hangin sa syudad na bukod sa may halo itong polusyon, medyo mainit at mahapdi rin kapag natatamaan ang aking balat. Ganito lang siguro kapag malayo ka sa syidad, presko ang hangin, masarap huminga at nakakawala ng stress. " Ayaw mo ba dito? Wala ka ng