bc

Paraiso Ligaya

book_age18+
1.2K
FOLLOW
4.1K
READ
family
playboy
badboy
drama
sweet
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
bxb
bisexual
mystery
mxm
like
intro-logo
Blurb

Si Jemuel, labing walong taong gulang ay maituturing na patapon sa lipunan dahil sa kanyang mga gawaing hindi kanais-kais.

Basag-ulo.

Sugarol.

Mababang mga grado dahil hindi sineseryoso ang pag-aaral.

Gabi-gabi sa bahay-aliwan na sa huli ay nang-uuwi ng kung sino-sinong matipuan.

Dahil sa mga gawain n'yang nagpapasakit ng ulo ng kanyang ama, palihim siyang ipinatapon sa isang lugar na sa tanang buhay niya ay hindi niya maiisip na mapupuntahan niya.

Ano kaya ang mangyayari sa kanya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Hindi ko alam kung bakit ko nararanasan ang lahat ng ito. Ito ba ang ganti ng tadhana sa mga masasamang ginawa ko? Tinuruan niya akong magmahal para ano? Para masaktan? Tinuruan niya akong makita ang ganda ng buhay para ano? Ipalasap kung gaano ito kalupit? Napatigil ako sa paglalakad. Napatingin ako sa kalangitan. Napangiti na lamang ako ng mapait nang makita kong nagbabadya ang isang malakas na ulan. Sana hindi na lang ako pinadala dito kung ganito rin pala ang kahihinatnan ko. Sana ay hindi ko na lang nakilala ang taong bumuo ng buhay ko na siyang nangwasak din niyo. Sana ay hindi ko na lang nakilala ang nag-iisang taong nagbigay kulay sa aking mundo na siya ding dahilan kung bakit nasa kadiliman ako. ......... Chapter 1 Hindi ko alintana ang ingay ng lugar kung nasaan ako. Maraming kabataang nag-eenjoy. Naiinuman, nagtatawanan at nagsasayawan. "Hey,Jemuel! Do you want some fun?" napalingon ako sa nagsalita. Napangisi na lang ako nang makita ko ang isang babae. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Masasabi kong isa siyang magandang dilag. Mahaba ang kanyang buhok, matangos ang ilong, mapula ang labi, makinis ang kanyang balat at ang pinakagusto ko ay ang kanyang ngiting mapaglaro. Mukhang jackpot ako ngayong gabi! "Sure! Lets dance?" nakangisi kong sagot sa kanya. Kinuha ko ang kanyang kamay at nagtungo sa mga taong kanina pa nagsasayawan. Sa bawat indayog ng tugtog ay sinasabayan namin ng babaeng kasama ko. Wala akong pakilaam kung ano ang sasabihin ng iba basta ang alam ko, maeenjoy ko ang gabing ito. Habang nagsasayaw kami, pasimple kong hinahawakan ang kanyang, binaharap hanggang sa kanyang pwet. Wala naman siyang naging reaksyon kaya pinatalikod ko siya at hinawakan ang kanyang sexyng katawan. Kanina pa nagagalit ang aking alaga dahil sa kanya. Sa una ay pasimple ko lang dinidiinan ang aking alaga sa kanyang likod at kalaunan ay siya na mismo ang nagdidiin sa kanyang likuran. Nagkakatinginan kaming dalawa at sa bawat tinginan namin ay ramdam ko na ang kanyang pagnanasa. Hindi rin namang maikakailang may maipagmamalaki ako pagdating sa pisikal na kaanyuan. Sabi ng mga kaibigan ko, medyo kahawig ko raw ang isang miyembro ng grupong hashtag na si Macoy. Hindi ko siya kilala kaya kapag sinasabi nila sa akin 'yun ay napapangiti na lamang ako. Ilang saglit pa, napaatras ako ng kaunti dahil sa biglaang pagdakma ng babae sa aking naninigas na alaga. Nakatingin siya sa akin na nakangiti at alam ko na kung ano ang gusto niya. Sinenyasan ko siyang lumabas ng bahay-aliwan na siyang nagpalaki ng kanyang ngiti kaya kinuha ko ang kanyang kamay at hinila ito. Nagpunta na muna kami sa aking mga kasama para magpaalam sa kanila at nang matapos na ay patakbo kaming pumunta sa aking sasakyan. Nagpunta kami sa malapit na Motel. Pagpasok pa lang namin sa kwarto ay agad na akong nagtrabaho para sa ikakaunlad ng bansa! Sinunggaban ko siya ng mapusok na halik habang naglalakad kami papunta sa kama. Nang maihiga ko siya ay isa-isa kong tinanggal ang kanyang damit na hindi nahihiwalay ang aming mga labi. Nang matanggal ko ito, doon ko nakita ang malulusog niyang hinaharap, ang napakakinis niyang balat at ang nagnanasa niyang katawan. Hindi ko na pinatagal pa ang kanyang paghihintay. Mas mabilis pa sa kidlat ang ginawa kong pagtanggal sa aking mga damit. Nagsuot ng proteksyon at sinimulan na ang maalab na labanan! Mahigit tatlong oras din kami sa loob ng kwarto. Hindi lang isang beses kami naglaban kundi umabot pa ito ng tatlong beses. Bilib din ako sa endurance ng babaeng 'yun. Hindi ko akalain na hihingi pa siya ng dalawang beses pagkatapos ng isa. Dahil ipinanganak akong mapagbigay, hindi ako nakatanggi sa kanya. Ala-una na ng madaling araw nang makapasok ako sa aming bahay. Deretso ako sa aking kwarto at ibinagsak ang aking katawan sa malambot kong kama. Dito ay nakangiti akong pumikit at natulog. Kinabukasan, alas-onse na nang bumababa ako at nagpunta sa kusina. Pagpasok ko ay nakita ko ang isa naming katulong na abala sa pag-aayos ng kanyang pinamiling mga suply. "Magandang umaga,sir," pagbati niya sa akin. "Nasaan si tanda?" tanong ko sa kanya. "Maaga po siyang umalis kanina sir at pinapasabi pala ni sir na maaga siyang uuwi dahil may pag-uusapan raw kayong importante," sagot niya sa akin na pinagtaka ko. Maaga siyang uuwi? May pag-uusapan kaming importante? Napailing na lang ako dahil parang alam ko na kung ano ang pag-uusapan namin. "Pupunta ako sa garden. Paghanda niyo ako ng makakain doon," utos ko sa kanya. "Sige po,sir," sagot naman niya. Naglakad na akong pumunta sa garden. Hinintay ko na lang ang aking pagkain at hindi nagtagal ay sumunod din ito sa akin. Habang nasa ganoong pagkain ako, biglang tumunog ang aking cellphone kaya sinagot ko. "Hindi ka ba pupunta dito sa Tagpuan ni Judas?" bungad niyang tanong sa akin. "Bakit? Anong meron?" balik kong tanong sa kanya. "Tangna,'pre! Mukhang araw ko ngayon kaya kung gusto mong maambunan ng biyaya ay bilisan mong pumunta dito!" sabi niya sa akin kaya napatayo ako kaagad. "Sige, hintayin mo ako at magbibihis lang ako!" sabi ko naman sa kanya. Hindi ko na natapos ang pagkain dahil dali dali akong bumalik sa aking kwarto para maligo at makapagpalit. Wala pang kalahating oras ay lumabas na ako ng bahay gamit ang aking sasakyan papunta sa Tagpuan ni Judas! Mabilis kong narating ang lugar at agad naman nila akong pinapasok sa loob dahil kilala na nila ako dito. Hinanap ko ang aking kaibigan na tumawag sa akin kanina at nakita ko siyang nakangisi habang hinahakot ang mga perang napanalunan niya. Nilapitan ko siya at tinapik ang kanyang balikat. "Ang tagal mo 'pre! Kanina pa ako naghahakot dito!" nakangisi niyang sambit sa akin. "Bigyan mo ako ng panimula ko at sabay tayong maghahakot ngayon!!" sabi ko sa kanya na agad naman siyang nagbigay. Nagsimula ang pakikipaglaro ko. Napapangiti na lang ako dahil mukhang araw ko rin ngayon. Sunod-sunod ang aking pagkapanalo kaya linalakihan ko ang aking taya. Sa kalaunan, medyo tumatagilid na pero ganito talaga ang buhay dito kaya hindi ako nagpatinag. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakaupo kaharap ang tatlong matandang lalaki. Hindi gaya kaninang nagsimula ako na puro panalo, ngayon ay palitan. Nananalo naman ako pero karamihan ay natatalo. "Ano ba 'yan,boy? Mukhang ubos na ang swerte mo,ah!" nakangising sambit ng matanda sa akin. "Huwag kang mag-alala,tanda kasi nagsisimula pa lang tayo!" nakangisi ko ring sambit sa kanya. Nagpatuloy ang laro namin at parang tagilid na ako dito. Naubos na ang ibinigay ng kaibigan ko kanina at paubos na rin ang cash sa wallet ko. Nang maubos ang cash ko, tinawag ko ang isang babae na nagtratrabaho dito at inutusan siyang hihiram ako ng 50 thousands. Madali naman nila akong binigyan dahil parokyano ako dito. Halos araw-araw akong namamalagi dito kahit pa noong may pasok pa. Dumaan ang mga oras, alam kong malaki na naman ang nahihiram ko sa boss nila pero hindi ako pwedeng umuwi na hindi nakakabawi! Langya! Ang swerte ko kanina noong una pero ngayon ay ako na ang namumulubi!? Alam kong iikot din ang kapalaran kaya hindi ako titigil! "Sir, hindi ka na raw pwedeng pahiramin ni boss dahil naka 200 thousands kana ngayong araw at tsaka, may hindi ka pa raw nababawarang 300 thousands," sambit ng babae sa akin nang muli ko siyang inutusan para humiram sa kanilang boss. Ang Tagpuan ni Judas ay isang pasugalan. Hindi man ito kasinglaki ng mga casino, kung sweswertehin ka ay malaki-laki rin ang mapapanalo mo pero 'pag malas, malas talaga! "Bakit hindi mo ipusta ang sasakyan mo?" sambit ng matanda na nasa aking harapan mismo. "Kung mananalo ka, babayaran ko ang utang mong 500 thousands kay bos2ss pero kapag talo ka, akin na sasakyan mo pero kung mababayaran mo ang 500 thousands ay ibabalik ko rin naman sa'yo. Ano? Deal?" nakangisi niyang paliwanag sa akin. Napaisip ako sa kanyang alok. Kung mananalo ako, wala na akong proproblemahin pa at kung matatalo ako, mawawala ang sasakyan ko. "Deal!!" sagot ko sa kanya fahil naniniwala akong wala kang mapapala kung hindi ka lalaban. Ganito naman talaga ang buhay, kung 'di ka lalaban, palagi ka na lang matatalo pero kung haharapin mo ito may malaking tsansa na ikaw ay mananalo. Tumayo ang dalawang matanda na kasama namin kanina. Sinimulan nang balasahin ang baraha at ilang saglit pa ay nagsimula na ang laban. Limang baraha ang hawak ko at napangisi na lang ako nang makita kong maganda ito. Napatingin ako sa kaharap ko at parang hindi maganda ang napunta sa kanya. Naglatag ng limang baraha ang tagabalasa. Tinanggal ko ang dalawa sa aking baraha dahil mas pinalakas pa nito ang aking deck. Napapakamot ang matanda sa kanyang ulo. Mukhang akin ito ngayon! Ilang saglit pa, napansin ko ang kamay ng matanda na ibinaba niya ito habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kanyang mga baraha. Hindi ko tinanggal ang aking paningin sa kanyang kamay na may hawak na baraha. Hindi nagtagal ay tiniklop ng matanda ang lahat ng kanyang hawak at mabilis na binalasa niya ito at nang may mapansin ako ay bigla akong napatayo na padabog. "Bakit? May problema ba?" tanong ng tagabalasa sa akin. "Hindi mo ba nakita na pinalitan niya ang isang niyang baraha!!? Kitang kita kong may dinukot siya sa baba at ipinalit ito at pagkatapos ay mabilis siyang nagtanggal ng isa pang baraha!!" sabi ko dito. "Sinasabi mo bang nangdadaya ako,bata? Hindi naman yata tama 'yang akusasyon mo!!" pagtanggol ng matanda sa kanyang sarili. "Anong hindi!" sambit ko sabay lapit sa kanya. Napatayo siya sa kanyang kinauupuan kaya hinawakan ko ang kanyang damit. "ilabas mo ang isa pang baraha kung ayaw mong manghiram ng mukha sa sahig,tanda!!" banta ko sa kanya. "Wala. Wala akong hawak na isa pang baraha kaya ano ang sinasabi mo!?" pagmamatigas niya. Dahil sa kanyang sinabi ay nag-init ang aking ulo. Sinuntok ko siya nang malakas na nagdahilan para mapahiga siya sa sahig. Dinaganan ko siya at kinapa lahat ng kanyang bulsa,sa loob ng kanyang damit at bub7ksan ko na sana ang kanyang pantalon nang may sumigaw. "Anong kaguluhang ito!?" Napatingin ako sa sumigaw at nakita ko ang boss na nakatayo sa aming harapan. Napatayo ako sa pagkakadagan sa matanda. "Itong matandang ito!! Nandadaya!!" dagot ko sa boss. Tinulingan naman ng dalawang lalaki ang matanda para makatayo. "Hindi ako nangdadaya! Sadyang malas ka lang talaga!" dahil sa sinagot ng matanda ay muli ko siyang sinugod at sinuntok. May humihila sa aking mga braso pero hindi ako nagpatigil. "Huwag mo akong lokohin tanda! Mali ka nang binabangga mo!!" sabi ko sa kanya at patuloy ko siyang sinusuntok. Hindi nagtagal, may humila sa akin at inilayo sa matanda. Habang nilalayo nila ako sa kanya ay sinisigawan ko siya ng mga salitang kahit aso ay hindi kakainin. "Langya ka! Sinungaling na nga,mandaraya pa! Hintayin mong sunduin ka ni Judas,tanda!!" pulit-ulit kong sigaw habang papalayo ako sa kanya. Pinalabas nila ako. Napatayo ako sa harapan ng maliit na pasugalan at nagsisigaw. Ilang saglit pa, biglang may lumabas na tatlong kalalakihang malalaki ang katawan. Napaatras ako nang mapansin kong papalapit sila sa akin. Mukhang hindi maganda ang nararamdaman ko! "Bakit? Ano ang kailangan niyo!!?" matapang kong tanong sa kanila pero 'di nila ako sinagot. Napapaatras na ako. Alam kong may balak sila sa akin kaya mabilis akong tumakbo papunta sa aking sasakyan. Alam kong sumusunod sila sa akin kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang makarating ako sa aking sasakyan ay agad akong pumasok at pinaandar ang aking sasakyan. Mabilis ko itong pinatakbo para matakasan ko sila. Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas ako sa bakuran ng sugalan. Dahil sa inis na nararamdaman ko, mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo kahit na nasa National Highway na ako. Nasa ganoong pagpapatakbo ako nang makarinig ako ng mga sirena. Napatingin ako sa salamin at nakita kong may sumusunod sa aking mga Highway Patrol!! Kung sineswerte ka nga naman! Imbes na tumigil ako,mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo. Mahirap na kapag nahuli ako. Baka ticketan nila ako,eh wala na akong pera ngayon! Hindi naman sila sumuko sa pagsunod sa akin hanggang sa mapatigil ako dahil sa pagharang ng mga pulis dahil sa aksidente! Ilang saglit pa ay may ku.atok sa bintana ng aking sasakyan at nakita ko ang isang Highway Patrol. Sinenyasan niya akong itabi ang sasakyan ko kaya sumunod na lang ako. "Lisensya mo,sir?" paunang tanong niya sa akin. Kinuha ko naman ang aking lisensya sa aking wallet at ibinigay sa kanya. Nang makita niya ito, hiningi pa niya ang rehistro ng aking sasakyan at kung ano ano pa! "May violation ka sir. Expired na po ang rehistro ng iyong sasakyan at higit sa lahat ay Over Speeding po kayo," sabi niya sa akin na nagdahilan para mapahawak ako sa aking nuo! Langyang buhay 'to oh!! Kung nasimulan na ang kamalasan, tuloy tuloy na ito hanggang matapos ang araw! "Titicketan ka po namin sir at pumunta lang po kayo sa LTO para magbayad, sir," sabi niya sa akin. "Paano po 'yan sir eh wala akong dalang pera?" tanong ko sa kanya. "Kung ganoon po, tatawagin po namin ang inyong mga magulang para tubusin po kayo. Hindi naman po lingid sa inyong kaalaman kung ano ang ordinansa ng ating lalawigan,hindi po ba? Magpasalamt ka na lang at labing walong taong gulang na po kayo kung hindi ay ang mga magulang mo ang kawawa," paliwanag niya sa akin kaya sa huli, tinawagan nila si Tanda! Alas syete na nang gabi nang dumating si Tanda. Tinignan pa niya ako bago kausapin ang kawani ng Highway Patrol. Ilang saglit pa ay nagbayad na si Tanda at kalaunan ay lumapit siya sa akin. "Akin ang susi ng sasakyan mo!" maawtoridad niyang utos sa akin. "Bakit? Anong gagawin mo?" tanong ko naman sa kanya. "Ipapadrive ko kay Alfredo ito pauwi sa mansyon at sa akin ka sasakay!" sagot naman niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at ibinigay ang susi sa kanya. Ibinigay niya ito sa driver niyang si Alfredo at pagkatapos ay sumakay na kami sa kanyang sasakyan. Habang nasa byahe kami ay walang nagsasalita hanggang sa tumigil kami sa isang restaurant. Bumaba kaming dalawa at pumasok dito. Wala pa ring imikan, usapan. Nag-order lang siya at nang dumating ang aming pagkain ay kumain na kami. "Sabi ni manang kaninang umaga ay may sasabihin ka sa akin?" ako na ang nagsimula ng usapan. Tumigil siya sa pagkain at tinignan ako." Sa bahay na lang natin pag-usapan. Kumain ka na lang muna," sagot niya sa akin kaya wala na akong nagawa pa. Pagkatapos naming kumain, bumalik kami sa sasakyan niya at nagsimula na naman kaming magbyahe. Habang nasa byahe kami ay bigla akong inantok. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatakip siya ng ilong at bibig!! Anong ibig sabihin nito!! "A-anong binabalak mo,Tan.." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang tuluyan na akong nakatulog! Pagdilat ng aking mga mata ay agad akong napatayo dahil sa hindi ko alam ang lugar kung nasaan ako. Napahawak naman ako sa aking likod dahil medyo kumirot ito at doon ko napansin na humiga ako sa isang kama na gawa sa kawayan! Walang foam!! Napalibot ako sa aking kinalalagyan. Nasaan ako!? Anong klaseng bahay ito!!? "Mabuti at gising na po kayo,sir. Nakahanda na po ang agahan kung nagugutom ka," napatingin ako sa may pinto na natatakpan ng ng manipis na tela. "Sino kayo!!? Nasaan ako!? Nasaan si Tanda!!? Anong ginagawa ko dito!!?" sunod-sunod kong pasigaw na tanong sa matandang babaeng nakangiti. "Labas na lang po kayo at ipapaliwanag ko po kung nasaan tayo," nakangiti niyang sambit sa akin sabay alis sa may pintuan. Wala akong nagawa kundi ang sundang ang matangdang babae hanggang sa makarating ako sa..hapagkainan ba ito? "Upo na muna kayo at hintayin pa po natin ang aking anak," sabi niya sa akin pero hindi ko siya sinunod. "Hoy tandang babae! Sagutin mo ang tanong ko kanina kung nasaan ako! Nasaan si tanda at kung anong ginagawa ko dito!!" "Nandito tayo sa Purok Paraiso Ligaya!" Napalingon ako sa nagsalita at dito nakita ko ang isang lalaking nakatayo!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Stubborn Love

read
100.2K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
92.6K
bc

Love Donor

read
87.6K
bc

NINONG II

read
631.7K
bc

NINONG III

read
386.1K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
35.5K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
418.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook