Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Samuel at agad kaming nagtrabaho sa mga gawain dito. Ako na nagsibak ng kahoy habang siya ay nagpunta sa bukid para mag-ani ng mga mais. Medyo nahihirapan pa rin ako sa pagsisibak ng kahoy pero paunti-unti ay nasasanay na rin ang katawan ko. Natapos akong magsibak ng kahoy na mga alas dyes ng umaga. Nagpahinga ako dito sa papag sa lilim ng mangga at pinanood ang mga taong nag-aani ng mga mais sa palayan. Kitang kita ko sa mukha ng mga magsasaka ang kanilang ginagawa. Kahit na mainit ang panahon, hindi nila ito iniinda at nagpatuloy sa kanilang ginagawa. Kitang kita ko rin ang ngiti sa kanilang mukha na para bang masaya sila habang nakikipag kwentohan sa mga kasama nilang nag-aani. Ilang saglit pa, dumating si Nana Manda na may dalang meryenda,