Chapter 10

2427 Words

" Ano ba, Samuel, ibaba mo na ako! " sabi ko sa kanya habang buhat-buhat niya ako na para bang bagong kasal. " Bakit? Hindi ka ba komprtable, Jemuel? " nakangisi niyang tanong sa akin. Ngumiti ako sa kanya, " Hindi naman sa ganoon pero parang hindi maganda tignan, eh! " sagot ko sa kanya. " Anong hindi maganda tignan? Habang pinagmamasdan ko ang mukha mo, para akong nakakakita ng anghel, " sabi niya sa akin. Uminit ang aking mukha. Alam ko sa sarili ko nakinikilig ako. Hindi ko maiwasan ito kasi ngayon lang ako nakaranas ng ganito. " Alam mo ba, Jemuel na noong dinala ka ng ama mo dito ay hindi ako makapaniwala na makakasa kita ulit? Matagal na kitang hinihintay dahil matagal na akong may nararamdaman sa iyo, " napalaki ako ng aking mga mata dahil sa mga narinig kong sinabi niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD