Huminto na ang kotseng sinasakyan nina Djora at Tavi, sa may parking lot mismo ng Kandawgyi Lake. May mga kotse roong nakaparada at iba pang sasakyan tulad ng motorsiklo at bisikleta. Medyo maraming tao sa mga sandaling ito dahil may pictorial ng bagong kasal at may mga batang naglalaro at naghahabulan. Meron ding tindahan sa hindi kalayuan. Kitang-kita ang luntiang tubig ng malaking lawa, pati na ang nakapalibot na boardwalk nito na gawa sa kahoy at pininturahan ng kayumangging kulay. May safety rails ang boardwalk na may mahigit dalawang metro ang lapad. Napalibutan naman ng malalaking kahoy ang parke at may iilang benches para sa mga namamasyal. Ang bandang iyon ang lupa lang na may d**o at halatang inalagaan at malinis ang paligid. Mula sa kinaroroonan nila ay nakikita na nila ang k