“Djora!” sigaw ni Tavi nang makita siyang bumagsak sa maruming tubig. “Tavi!” hiyaw niya at napainom ng tubig habang kumakawag-kawag ang mga paa at kamay sa tubig at nasundot pa siya ng mga catfish habang nakapahiga ang porma ng katawan. Hindi na rumehistro sa isip niyang mababaw lang ang kinaroroonan niya na nasa mga dalawa o tatlong talampakan lang. Lalong nanlaki ang mga mata niya sa pagpa-panic nang maisip na baka kakagatin siya o kaya ay pagpipiyestahan ng mga malalaking isda. Nalulunod na siya nang bahagya lang niyang napansing sumunod sa kanya si Cavell. Pinangko siya nito at mabilis na dinala sa may gilid hanggang sa inihiga siya nito sa damuhan. “Ayos ka lang ba?” tanong ni Cavell na nakatunghay sa kanya. Nakatukod ang mga kamay at tuhod nito sa lupa, sa tabi niya. Parang hin