Ilang araw ang lumipas, nasa Thailand na sila. Nalagas din ang Team 9 bago pa sila dumating dito at ngayon ay may labanan ang Team 3 at Team 5 na puro lalaki sa sinong makapagpaubos ng isang basket na pagkain ng mga elepante. Puno yaon ng hiniwang melon, tubo at saging. Tense na nanonood sina Tavi at Djora para kina Zef at Cavell. Bago pakainin ang elepante ay dadaan pa sa hurdles ang mga kalahok. Aakyat at bababa sa isang makeshift na tulay na lubid ang mga ito bago tumawid sa isang maputik at madulas na daan hanggang sa makalapit sa dalawang elepante na naghihintay na pakainin. Tig-dadalawang elepante sa bawat team. Salitan ang dalawang miyembro sa bawat team. Napansin nilang mapaglaro ang isa sa dalawang elepanteng pinapakain nina Cavell. Nahampas ng trunk nito ang binata at natumba s