Chapter 16

1375 Words

Sinimangutan ni Djora ang kaibigan. “Hoy, ‘yang bibig mo, ha?” Bumaling siya sa cameraman. “I-e-edit n’yo ‘to, ha? Nakakahiya! Buong bansa mamaya makakarinig at mag-a-assume, eh! Sobra na talaga. Dati pa kayo sa Myanmar, ah!” Napatawa nang mahina ang cameraman samantalang ngumisi si Tavi na nag-peace sign sa kanya. Parang gusto niyang kurutin ang nguso ng kaibigan. Tumawag nga ang receptionist sa kaibigan nito at nagsalita nang mabilis sa sarili nitong wika at nakangiti saka napatango-tango rin habang pasulyap-sulyap kay Djora. Napasapo naman ang dalaga sa kanyang pisngi. Hindi niya alam kung paano na mag-re-react mamaya kapag darating nga ang kaibigan nito. ‘Ano ba ‘tong napasukan namin ni Tavi?’ Hindi niya inasahang may admirer pala siyang Malaysian. Tuloy ay napatingin siya sa kany

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD