Habang naglalakad sila sa sidewalk pagkababa malapit sa malaking reclining Buddha na siyang pinakamalaki raw sa buong mundo ay nakita nila ang mga nakapilang statues ng mga monks. Halos pare-pareho ang mukha ng mga ito, nakasuot ng kayumangging roba habang may hawak na alms bowl ang kamay at nasa harap ng mga ito. Nakita na nila ang banner ng show at hinawakan nila ito bago sila nagpatuloy sa paglalakad habang nagpatuloy sa pag-usad ang kotseng kinasasakyan nila papasok at kumaway sila sa butihing mag-asawa. Ang nakahigang Buddha sa Mudon ay may trenta metrong taas mula sa lupa at isandaan at walumpu’t metro mula ulo hanggang paa nito, naka-bun sa tuktok ang buhok, may gold na tila tiara sa noo at pula ang suot. Nakahiga ito sa templo o monasteryo na may nangibabaw na parang pastel green