Pinasalamatan ng dalawang dalaga ang driver ng bus nang dumating sila sa Thaton mga bandang alas kuwatro. Napasulyap sila sa kanilang relo at napakislot ng mukha. “Tingin mo makakaabot pa tayo sa Win Sein Taw Ya bago gumabi?” “Baka hindi na, eh,” tugon ni Djora. “Hahanap pa tayo ng masasakyan, ‘di ba?” Pumara na naman sila ng kahit na anong sasakyan basta lang papayag ang driver na ihatid sila sa kanilang destinasyon. Pinara rin nila kahit fire truck at nagkatawanan pa sila. “Hindi naman pupunta sa nasusunugan ‘yon kasi hindi naka-on ‘yong sirena, ‘di ba? So, beke nemen!” anang Tavi na nakangisi. “Nilampasan lang ang beauty natin,” ang aniya naman na nakangisi rin. “Hay naku! Kanina pa tayo rito. Nadaanan na tayo nina Cavell at Vicky, eh!” Ngumuso pa siya. “May immunity nga tayo, so