Episode 5

1090 Words
Nakasuot ng pormal na damit ang lahat ng mga contestants na sampung pares, pati na ang casting director na siya ring main host ng Southeast Asia Express. Kasalukuyan silang nasa isang Burmese hotel na malapit sa Yangon airport kung saan sila lumapag kagabi bago nag-check in dito. Napatitig si Djora sa magandang host na si Yara Cruz ng programang sinasalihan. Kasama rin nila ang staff and crew ng show sa may malaking convention hall ng hotel. Umaga iyon at katatapos lang nilang mag-umagahan. May mga plato sa kani-kanilang harap. Ang iba ay may naiwang pagkain, samantalang ang iba ay simot na simot. May mga baso at kubyertos na itinabi sa ibabaw ng mantelpiece na pula. Habang nakaupo sa mahabang mesa ang lahat ng mga kalahok katabi ang kani-kanyang partner ay nanonood sila ng isang Burmese folk dance ng mga lokal na kababaihan at kalalakihan bilang official opening ng reality TV show. Nakasuot ng costume na kulay-ginto ang mga ito at pinaresan ng headdress. Pagkatapos ay isa-isa silang ipinakilala ng host na may blond na kulay na maikling buhok. Bagay rito ang simpleng hairdo. Perpekto ang makeup ng babae at para itong nasa isang beauty pageant sa suot na evening dress na kulay-bughaw at may mahabang slits na nagpapakita sa dalawang mapuputing hita. Pinaresan naman nito ang damit ng puting cigarette heels. Si Djora ay nakasuot ng halter cocktail dress na hanggang kalahati ng hita ang haba. Kulay-rosas na pastel ang kulay, samantalang empire waist dress na kulay-berde ang suot ng kanyang kaibigang si Tavi. Kapwa rin sila naka-high heels na dalawa at pang-walong team silang magkaibigan. “Oy, kasali pala kayo?” ani kaibigan sa isang lalaki. Napatingin siya sa kausap nitong nasa tapat nila. Noon pa niya napansing kanina pa pala ito nakatingin sa kanya habang nagpapatuloy sa pagsasalita ang host. “Psst! Tumahimik ka nga. Baka naka-on na ‘yang mic mong nakadikit diyan sa damit mo,” mahinang saway ni Djora sa kaibigan. Sinulyapan sila ng host na patuloy na nakangiti habang nagsasalita para ipaalam sa mga viewers kung ano ang aasahan ng mga ito sa paligsahan. Binigyan na sila ng orientation tungkol sa show kagabi pero hindi niya napansin ang ibang mga kalahok dahil nasa may likuran sila at nasa host lang ang konsentrasyon niya. After all, she wanted to win this game for her friend. Nandito na lang din sila. Ngumiti sa kanya ang lalaking may guwapong mukha. Maikli ang buhok nitong medyo kulot, clean-shaven face, maganda ang hindi masyadong kakapalang kilay, matangos ang ilong, at magandang tingnan ang mga labing light pink ang kulay. Light brown ang balat nito at mukhang sporty, judging by his looks. Kahit sa suot nitong three-piece suit ay halatang maskulado ang katawan nito. Halatang matangkad din ito, katulad ng ka-partner. Mas tisoy rito ang kasamang may katamtamang kapal na balbas pero mas nakakakuha ng pansin ang medyo morenong lalaki. O, opinyon niya lang iyon? Nagbawi na siya ng paningin nang hindi ngumiti sa lalaking nakatitig sa kanya. Isa-isa na silang tumayo nang tinawag ang kanilang mga pangalan. Ika-tatlong team ang lalaking iyon na nagngangalang Cavell Fernandez at ang kasama nitong si Zef Billiones. “Our eighth contenders, Djora Benedicto and Tavi Crisanto!” tawag ni Yara sa kanila. Tumayo na sila nang sabay ng kaibigan at tumayo sa harap ng host. Nang matawag na nito ang lahat na contestants ay nagsalita na si Yara. “Bibigyan lang kayo ng apat na dolyar kada isa sa bawat araw. Kayo na ang bahala kung paano ninyo titipirin o gagastusin ang pera ninyo. So, ngayon. Ibigay n’yo sa ating staff ang inyong pitaka, gadgets—be it a tablet, laptop, or smartphone. Hindi kayo puwedeng tumawag sa kahit kanino. At kayo na ang bahalang dumiskarte kung paano ninyo matupad at malampasan ang bawat challenge na ibibigay namin sa inyo. Handa na ba kayong lahat?” “Handa na!” “Magsisimula na ang Southeast Asia Express!” ani Yara na humarap sa camera. Pagkatapos makolekta ang lahat ng kanilang aparato ay binigyan sila ng staff ng kani-kanyang backpack. Nakalagay roon ang kanilang kasuotang pampalit na ibinigay nila sa staff kagabi na pinamilian nila, maliit na first aid kit, ilang personal na gamit, at passport. Pagkatapos ay binigyan sila ng isang plastic envelope na may lamang mapa, pera, at instruction. “Ready. Set. Go!” sabi ni Yara. Agad na nagsitakbuhan ang mga kalahok palabas ng hotel. Ang mga kababaihan ay nahirapang makatakbo dahil sa kanilang high heels at mabigat na backpack. Kaya naman ay hinubad nina Djora at Tavi ang kanilang sapatos. Muntik nang matapilok ang dalaga sa may hagdanan kung hindi siya naagapan ni Cavell. Napalingon siya sa lalaki at magkalapit ang kanilang mukha. Pakiramdam niya ay biglang huminto sa pag-inog ang mundo at tanging naririnig niya ay ang kanyang mabilis na paghinga at ang malakas pagdagudog ng kanyang puso. “Thanks,” nasabi niya na lang sa lalaki nang makabawi sa tila pagkahipnotismo sa kanyang pakiwari. Tumayo na siya nang maayos at tuluyan nang inalis ang sapatos. Ngumiti sa kanya ang guwapong morenong lalaki. Naamoy pa niya ang pabango nitong mixed spices and musk. Gusto niya ito. Ang sarap langhapin. Nakaka-turn on. ‘Wait, what?’ Parang gusto niyang mapahumindig sa sarili. ‘Paano nangyari ‘yon? Agad-agad? No! No shitty way!’ “Dude! Halika na!” ungot ni Zef sa lalaking sumagip sa dalaga. Mabilis nitong hinubad ang jacket na suot at saka ipinasok sa loob ng backpack para ang white shirt na lang ang naiwan. Nagpalit naman si Djora ng isang flat shoes, pati na si Tavi. Pagkatapos ay binasa na nito ang instruction na nasa envelope habang mabilis silang naglalakad. “Dahil kailangan n’yo ng longyi, isang lokal na kasuotan, sa susunod na challenge, kailangan n’yong pumunta sa Bogyoke Aung San Market. Makipag-usap sa isang Burmese at magpabili ng longyi. Hanapin ang logo ng Southeast Asia Express para doon makabili. Good luck! Yara.” “Okay. So, kailangan nating magtanong kung saan ang market,” sabi ni Djora. Nagtanong sila sa kanilang nakasalubong na lalaki. “You speak English?” Umiling ito at umalis din kaagad. “God! Tavi. Una pa lang, ang hirap naman nito! Tatagal pa ba tayo nito?” Kahit na gusto niyang manalo para sa kaibigan ay hindi naman madali ito. Iyon ang napagtanto niya. Sumusunod sa kanila ang kanilang cameraman na siguro ay nasa thirties nito. Bawat duo ay may cameraman na kasama. “You speak English?” ani Tavi sa isa pang nakasalubong nilang babae na nasa twenties. “Yes.” “Where is the Bogyoke Aung San Market? We don’t have money. We are on a TV show. It’s a contest!” ani Tavi. “Oh!” anitong napasulyap sa cameraman at napatawa nang marahan. “Okay. I will take you there,” sabi ng babae. “Oh, thank you! Thank you!” sabay nilang sabi na magkaibigan at dali-dali na silang sumunod sa babae. “We have to go fast, fast, fast!” dagdag ni Tavi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD