Chapter 6

1121 Words
“Okay,” sabi ng babaeng napangiti na lang. Sumakay na sila sa backseat ng katamtamang laking kotse nitong asul at sumunod ang kanilang cameraman sa front seat. Nagpatuloy ang lalaki sa trabaho nito. “We have to get a longyi,” sabi ni Tavi. “I see,” anang babaeng nagmamaneho. “Can you buy us a longyi, please?” anang Djora na nakikiusap ang tono. Piping dasal niya na sana pumayag ito. Nakita nilang nag-alangan ito pero sumang-ayon din at pinasalamatan nila ulit ang babaeng morena na may hanggang balikat na buhok at average looks. Pagdating nila ng market ay nakitakbo na rin ito. Hinanap nila kaagad ang stall na may logo ng show. Isa yaong dilaw na flag na may pulang bituin na nakapatong sa isang crescent moon. Nakasabay naman nila sina Zef at Cavell doon na may kasamang lokal na lalaki. Pagkatapos ng challenge na iyon ay may ibinigay sa kanilang plastic envelope na naman na may card na may logo ng show at nakapaloob ang susunod nilang gagawin pati ang isang tablet. “Suot ang longyi, kumuha ng tatlong pictures na nasa background ang nakahigang Budhha sa Chaukhtatgyi. Sa unang litrato, kailangang isang Burmese ang kumuha ng inyong litratong mag-partner. Sa pangalawang litrato, kailangang may kasama kayong dalawang turista. At sa pangatlo, kailangang may kasama kayong tatlong Burmese. Pagkatapos ng challenge ay dumerecho na kayo sa Bago town. See you there. Good luck! Yara.” Nagmamadali na silang nagtungo sa labas para mang-hitchhike. Pero matagal-tagal din silang nakasakay dahil walang gustong humatid sa kanila nang libre. Isang pick-up truck ang huminto. Morenong may edad na lalaki ang may-ari. “How far is it?” tanong ni Djora sa nagmamaneho, nasa tabi nito ang cameraman. “It’s just around fifteen minutes away, depends on the street to take,” sagot nito. “Oh, okay.” Bumaling siya sa kaibigan. “Ano ba ‘yan? Ang lapit-lapit lang pala. Ayaw pa tayong pasakayin ng mga iyon. Nai-stress ako, Tavi, ah!” “Friend, you have to stop living in a small local place. It’s really time for you to embrace global culture! Enebey!” anang kaibigan niyang inikot ang mga mata. Inismiran niya ito. Isinuot na nila ang longyi bago sila bumaba at pinasalamatan ang may edad na lalaki. Binigyan pa ito ng halik ni Tavi bilang pasalamat. “Hoy! Huwag ka ngang humalik sa kahit kani-kanino na lang. Baka maka-offend ka or something,” saway niya sa kaibigan habang papasok sila sa templo. “Okay lang naman sa kanya, ah. ‘Tsaka, walang malisya ‘yon kasi grateful lang ako sa kanya!” katuwiran naman ni Tavi na ngumuso. Pagkatapos nilang magawa ang lahat ng sinabi sa instruction tungkol sa pictures ay bumalik na sila sa may highway. Doon ay nakasalubong na naman nila sina Zef at Cavell. Napangiti siya nang matipid nang makita ang hitsura ng mga ito sa suot na panlalaking longyi. In fairness, bagay sa mga ito. Parang modelo sa national costume. Kung sa Pilipinas pa ito, baka sasabihin nang “It’s more fun in the Philippines!” Ilang saglit pa ay nakita rin nila ang ibang mga teams na dumating. May nauna na sa kanilang nakasakay at mas sinuwerte kaysa sa kanila. Kumakaway pa ang mga ito sa kanila na parang tinutuya sila. Lumiko ang nguso ni Tavi habang napabuga ng hangin si Djora. Kung hindi siya nagkakamali ay ang pang-limang team yaon na sina Samuela at Vicky. Magpinsan ang mga ito. Hindi naman sa judgmental siya or may something against cosmetic surgery pero nahalata niya lang na may fake lips si Samuela at fake na balakang si Vicky. Sobrang pout lang kasi ang labi ni Samuela na para nang pato at si Vicky naman ay sobrang malaki ang balakang na hindi proporsyonal sa katawan nito. Ang nagagawa nga naman ng teknolohiya sa panahong ito. Wala na siyang iba pang masabi. Mga tatlong oras din ang biyahe ng bus na nasakyan nila papuntang Bago. Nagugutom na silang dalawa ni Tavi pero wala silang pagkain kundi tubig lang. ‘Punyeta talagang buhay, oo! Pinapahirapan kami ng isang milyon lang!’ sa isip ng dalaga. Hindi na niya iyon sinabi sa kaibigan dahil alam niyang importante ito para kay Tavi. Ayaw na niyang ungkatin ulit ang tungkol sa napag-usapan na nila dati. Napaisip tuloy siya kina Zef at Cavell. ‘Mukha namang hindi kailangan ng mga iyon ng pera. Bakit kaya sumali ang mga iyon, eh mukhang competitive pa? Sa halip na mapunta ang premyo sa mas nangangailangan, baka mapunta pa sa mga iyon ang pera.’ O baka naman ay presumptuous lang siya? ‘Baka naman lahat silang naririto ay may pangangailangan talaga, katulad ni Tavi.’ Napabuga na lang siya ng hangin. Kinuha niya ang bote ng tubig sa bag at ininom. Kalahati lang. Tinipid niya. “Bilisan mo, Tavi!” yamot na aniya sa kaibigan na ilang metro ang layo mula sa kanya. Hinihingal ito at mukhang nahihirapan sa nakasukbit sa likod na malaking backpack. “Friend, wait lang. Pahinga muna tayo sandali!” pakiusap nitong lumalaki ang butas ng ilong. Huminto nga siya para hintayin ang kaibigan. Napailing siya rito. “You seriously have to do some cardio, Tavi,” ani Djora. Ngumisi at nag-peace sign sa kanya ang kaibigan. Inirapan niya ito. “Pinlano mo nang sumali rito pero hindi ka naghanda nang maayos? Aba! Kung uuwi tayo nang maaga, okay lang sa ‘kin. Pero ikaw, kailangang ma-mo-motivate ka, ano? Pero… may motivation ka na nga in the first place kaya ‘wag kang magpahinga!” Lumabi ang kaibigang sinermunan. “Hindi ko kasi alam na ganito pala kahirap, eh!” Para itong maiiyak. Hinawakan niya ito sa kamay at hinila na. Sumunod na naman sa kanila ang cameraman na naka-assign sa kanila. Ilang minuto pa ay nakita na nila ang flag na may logo ng show at inabot nila iyon bilang tanda na dumating na sila sa kanilang destinasyon. Nakatayo si Yara sa may tila isang podium na may logbook sa ibabaw. Nakangiti itong nakatingin sa kanila na sabay lumundag sa logo na nasa lupa at sa mismong tapat ng podium. “Kumusta ang unang dalawang challenges natin?” tanong ni Yara nang nakangiti nang matipid. “Mahirap talaga ang walang pera!” turan ni Tavi. Nagkatawanan sila. Totoo nga naman iyon. Mangilan-ngilan lang din ang mga taong may kusang tumulong sa kapwa sa panahong ito lalo na’t taghirap talaga. “Kailangang magtrabaho para kumita,” dagdag ng kaibigan niya. Napangiti na lang siya rito bilang pagsang-ayon. “Hindi lahat ng pakikiusapan mong mga tao ay makakatulong sa ‘yo. It all depends on how generous and big hearted a person is. Kahit nga ‘yong mga walang-wala ay tumutulong pa rin sa kanilang kapwa, sa abot ng makakaya nila,” dagdag na turan ni Djora. “Yes, this reality TV show will make the audience realize that there are indeed different faces of the people, how these people can help others and how they treat others. By the end of the day, we can show the audience that there are still those who care about the others who are in dire need and that there are people who have big hearts,” saad ni Yara na tumango. “So, pang-ilan kayo sa tingin n’yo?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD