Chapter 4

1410 Words
“Mom, I really don’t have time for any of it!” Nakatiim-bagang si Cavell na kausap ang kanyang ina sa cell phone habang inaayos ang kurbata na medyo niluwagan. Mga bandang alas kuwatro na iyon ng hapon at nasa opisina siya. Mainit pa ang ulo niya dahil natalo sila sa bidding sa nais niyang ma-acquire na gusali at ngayon ay heto kinukulit siya dahil kailangan niyang sumipot sa isang blind date na ito mismo ang nag-set up. Lately, halos kada linggo na ito nag-se-set up ng blind dates para sa kanya. Ewan na lang niya kung saan-saan ito nakakapulot ng mga babae. Baka may agency pa itong kinonsulta para talaga rito. Gustong-gusto na talaga nitong mag-asawa na siya. “Alam ko kung bakit mainit ‘yang ulo mo. Sinabi na sa ‘kin ng dad mong natalo ang kumpanya natin sa bidding. Malay mo, ito na ang babaeng magugustuhan mo? You won’t know if you don’t take a good look at her, Cavell,” punto ng ina. Nakikinita na lang ng binata na nasa hardin ito ngayon. Malamang nito inaalagaan ang mga mamahalin nitong orchids na nasa kanang banda ng hardin nila. Umaga at hapon ay binibisita nito ang mga yaon at kinakausap pa. He sighed. “You should know better, Mom. I don’t want to be forced into marriage! Eh, kayo nga ni Dad ay matagal nag-asawa, ‘di ba?” “Oo nga kaya matatanda na kami. Isang rason na dapat hindi ka nag-aasawa nang matagal dahil baka hindi mo makikita ang magiging apo. At isipin mo na lang na ‘yan ang pakiramdam namin ng ama mo. Ayaw pa naming pumanaw na hindi ka nakikitang nakapag-settle down na sa isang mabuting babae na aalagaan at mamahalin ka.” Naririndi na siya sa mga salita nito. Pabalik-balik na lang kasi. “Still, you can’t force me to marry when I don’t want to, Mom! And these fruitless blind dates, what can I do to make you stop it?” “Of course, kapag may girlfriend ka na at sure kang iyon na ang mapapangasawa mo.” Napailing-iling siya. “Can’t I marry at my own pace and time, Mom? Ayoko lang na lagi n’yo akong tinutulak para makipag-date na lang sa kung sinu-sino.” “Son, those women I chose, I chose them all with care. I considered everything from their family background, their education, their occupation, their desire to make a man happy, especially you—” Napatawa siya kahit paano kaya natigil ang ina. “Mom…” Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. “Okay, I’ll stop if you have someone in mind. But you have to go later at dinner and on time at the restaurant I told you about. Huwag mo akong ipahiya dahil ako pa ang nakiusap sa batang ‘yon. I assure you she’s beautiful and quite a successful model. You do like models, don’t you?” Ewan niya pero nang sinabi ng ina niyang titigil na ito basta’t may nagugustuhan na siya ay naalala niya ang babaeng nabangga sa kanya sa bar mga tatlong gabi na ang nakalipas. “It doesn’t matter what I like, Mom. Basta promise n’yo na ito na ang huli.” Napasinghap ang ina niya. “Son? Do you have someone in mind? Girlfriend mo na ba nang hindi namin alam ng daddy mo? Sino? Kilala ba natin ang pamilya niya?” Nagpang-abot ang dalawang kilay ng binata sa sunud-sunod na tanong nito. “I do have someone in mind but I’m not sure, honestly. So… just leave me be, okay?” Nakikinita niyang nakangiti nang maluwag ang ina niya. At siguro ay hindi na ito makapaghintay na sabihin iyon sa ama niya. “Sige, sige. Basta sisiputin mo ‘yong kinausap ko, ha?” Napabuga siya ng hininga. “Yes, Mom. I’ll go. Basta last na ‘to!” Napatingin siya sa kisame. Sa isip ay napausal siya ng pasasalamat at mukhang titigilan na siya ng ina niya dahil sa sinabi. Pagkatapos ng tawag ay napailing siya at initsa ang cell phone sa kanyang desk na medyo makalat. Napakamot siya sa kanyang kilay. “f**k! I’m in deep s**t!” Humugot siya ng malalim na hininga at saka tinawag ang sekretarya. Naghabilin siya ng mga gagawin nito para sa susunod na araw. *** Naglalakad si Cavell at hinanap ang kanyang ka-blind date. Sabi ng ina niya ay makikilala niya ito kaagad dahil nakakatawag daw ng pansin ang babae kahit saan. Pero kung hindi raw niya agad makita, hanapin na lang daw niya ang babaeng nakasuot ng berdeng damit. Pinasadahan niya ng tingin ang buong lugar. Hindi masyadong matao. May mangilan-ngilang nagsosolo lang sa isang mesa, may tigda-dalawa. Sa isip niya ay espesyal ang pagkapili ng lugar ng kanyang ina kung saan may modernong disenyo, malinis ang lugar, maayos ang pagkahilera ng mga mesa na may cream-colored table cloth at mahina lang ang tipong morning coffee music sa background. ‘White… red… blue… Okay, there she is,’ anang isip niya nang makita ang babaeng naka-sundress ng berde. Plain iyon at sexy ang cut, kita ang mala-porselanang kutis mula leeg hanggang dibdib at mga braso. Nakaupo ito sa isang corner at agad itong nakangiti nang makita siyang palapit. “Hi, Cavell!” ang bati nito nang kaswal na animo’y magkakilala na sila. Tumayo ito at nag-extend ng kamay. Tinanggap niya ito at naramdaman ang malambot nitong kamay. “Hi. You’re Jessa, right?” Napatawa ito nang mahinhin at sabay silang umupo sa magkatapat na silya at nakapagitan sa kanila ang bilog na mesa. “Yes. Your mom and my mom were high school friends, I’m told.” “Oh, I see,” sabi niyang napatango. Maganda naman ang modelong ito. Matangkad ito na hanggang ilong niya ang taas, diamond-shaped face, manipis lang ang gamit na makeup ‘di tulad ng mga naka-blind date na niya noon, maikli ang buhok na hanggang balikat, maganda ang medyo bilugang mga maiitim na mata at kulay-rosas ang lipstick na gamit. He thought she looked attractive but not as attractive as that drunk woman who’s been running around in his head for a few days and nights now. Iyon ang tipo ng babaeng gusto niyang makasama, napagtanto niya ngayon pa lang. Hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang lambot ng katawan nito at tila naaamoy niya pa ang nakahahalina nitong bango. His brain couldn’t seem to shelf that exquisite woman into his subconscious. Instead, he was too aware of her existence despite seeing her just once. Bumaling siya ng tingin sa waiter na lumapit at nag-order para sa sarili. Gano’n na rin ang ginawa ng babae. “Were you waiting for a while?” ang tanong niya sa babae nang makaalis ang waiter. “No. Just a few minutes ago. And don’t worry. You were on time,” salo nito nang marahan. Pansin ni Cavell na mahinhin ito, hindi katulad ng ibang modelong nakilala na niya. “That’s good to hear. I don’t want a woman to wait,” sabi pa niya. Napatawa ito nang mahina. “Honestly, pinagbigyan ko lang si Tita Vernice na makipag-date sa ‘yo.” He pulled his mouth down and nodded. “Me, too.” Napatawa na naman ang babae. “I guess this doesn’t work between us, right?” “Nope,” sang-ayon niyang umiling. “I have someone—” “Oh! And your mom doesn’t know. I get it.” Ngumiti lang siya nang kaunti at kinuha ang baso ng tubig para inumin. “Why are you really here, Jessa?” tanong niya sa babae. “Naisip kong gagamitin kita. I hope you don’t mind my being a bitch.” Sumulyap ito sa kanang bahagi niya at pasimple siyang napatingin doon. “Well, if I have a purpose at the moment, I don’t mind at all and I guess your time and plan are not wasted. He sure looks jealous and I don’t want to get into any trouble.” Umiling ang babae. “Don’t worry. Binibigyan ko lang siya ng leksyon. Hindi lang ang mga lalaking puwedeng makipag-date sa iba habang may karelasyon, ‘di ba?” He snorted and laughed at that. “Are you two in an open relationship?” “No, but our relationship is quite strained after I learned that he dated someone. Gusto raw kasi iyon ng dad niya, so pinagbigyan niya. I was pissed, of course! And so, now I’m getting back at him.” Napakiling ng ulo si Cavell. “He should’ve said no to his dad,” aniya. “Exactly!” “But does his dad have an idea about you two or not?” Umiling ang babae. “Sadly, no. That’s why he was forced to meet the girl. Still, I’m his girlfriend, right? So, he shouldn’t have gone and met her!” “I think I must leave now and you two work it out instead of making this whole thing blow up.” Tumayo na siya. “Nice meeting you and I hope we’ll not meet again,” sabi niyang nakangiti. Napatawa ang babae. “Good luck getting your girl if you haven’t yet.” Napangiti na lang si Cavell na umalis doon at tinawagan si Zef. “Hey! What’s up, dude?” bungad nito sa kanya nang nasa loob na siya ng kotse. “Have you changed your mind at last?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD