Hindi nakaimik si Tavi sa sinabi ni Djora. Napailing na lang ang dalaga nang guilty tingnan si Tavi. “Alam ko pero—” Biglang nanunubig ang mga mata ni Tavi na nakatingin pa rin sa kanya. “Oo, alam ko. Hindi mo ‘ko kayang tulungan no’n. I’m sorry for what I said.” Napabuntong-hininga siyang pinahid ang luha ng kaibigan at saka napatingin sa labas ng bintana habang ang may-ari ng kotse na isang may edad na babae ay napasulyap sa kanila. Kahit hindi nito naintindihan ang pinag-usapan nila ay mukhang nakuha nito iyon. “Are you two okay?” tanong nito nang marahan. “Yes, we’re fine. Thank you!” maagap na tugon ni Djora habang napasinok si Tavi at napaiwas ng tingin. “Sorry rin, Djora. Hindi kasi ako marunong lumangoy kaya hindi kita natulungan no’n,” hinging despensa ng kaibigan niya sa ma