“Nakita na namin siya!” balita ng isa sa mangingisda na umahon para huminga rin bago sumisid na muli. Parang mabunutan ng tinik si Tavi nang marinig iyon at nakitang pinagtutulungang iahon sa tubig ang walang malay na si Djora. Isinakay ito sa motorboat na kinaroroonan niya. “Djora!” sambit ng babae sa kaibigan. “B-bakit ‘di siya gumagalaw?” tarantang tanong niya habang pinaaandar ang motorboat para agad na bumalik sa pampang. Hindi na nga nito magawang magpasalamat sa mga tumulong sa dalaga dahil sa sobrang pag-aalala. Nasa kaibigan lang ang pokus ng utak. Binuksan ng isang crew ang airway ni Djora sa pamamagitan ng bahagyang pag-angat ng baba ng nakahigang dalaga. Ginamit ng isa pang Hungarian crew ang isang CPR mask mula sa isang first aid kit para siyang bibigay ng hangin sa dalaga.