Nagkatinginan muna sina Djora at Tavi bago siya nagsalita.
“At least… third or fourth?” hula ni Djora.
Ngumiti si Yara nang misteryoso. Marahan nitong binuksan ang logbook at nakitang isa pa lang ang team na nakapirma roon—sina Samuela at Vicky.
Nag-high five silang magkaibigan dahil sa tuwa. At least, safe sila sa ngayon.
Pagkatapos ng Myanmar ay pupunta ang mga matitirang kalahok sa Thailand, tapos Malaysia bago ang Singapore, ang huling destinasyon ng show. Ultimately, may dalawang teams na lang ang matitira sa huling dalawang araw na challenges doon. Sana ay makakaabot pa sila roon para sa tsansang manalo ng isang milyon.
Ilang minuto pa ay nagtungo ang first two teams sa Four Seated Buddha shrine (sa Kyaik Pun Pagoda). Sa loob ng sampung minuto ay ipinahula sa kanila kung alin sa apat ang nasira at inayos. Dapat na kumuha sila ng picture sa aling Buddha yaon.
“Alam ko ‘to, eh. May nabasa ako tungkol sa hint. Iba ‘yong kulay ng lipstick,” bulong ni Tavi kay Djora.
Napangisi siya sa kaibigan habang paikot-ikot sina Samuela at Vicky na parang mga timang. Mahirap kasi hulaan kapag walang ideya ang nakatingin sa apat na Buddha na bahagyang may iba’t ibang anyo.
Nag-pose na si Tavi sa harap ng Buddha na siyang sagot nila. Kinunan na niya ito ng picture at ipinasa kay Yara, samantalang hindi pa rin tapos sina Samuela at sa wakas ay nag-pose ito sa Buddha na nasa kaliwa ng kanilang kinunan ng larawan. Talaga nga namang a shot in the dark ang ginawa ng mga ito.
Pagkatapos ay tinanong ni Yara ang isang lokal na Burmese na isa sa mga tourist guides doon kung alin ang nasira at inayos na muli. Napa-high five ang magkaibigan nang makuha nila ang tamang sagot. Dahil dito ay may immunity sila sa susunod na challenge. Kahit mahuli sila, hindi sila matatanggal sa show.
Nang dumating na ang ibang mga teams ay binigyan sila ng medalya ng host. Nagsipalakpakan ang mga ibang kalahok na nakahilera sa kaliwang bahagi ng podium ni Yara. Silang dalawa naman ni Tavi ay nasa kanan.
Tinawag ng host ang unang team para bawiin ang isang kahon na may lamang lawin. Sa dalawang huling teams ay may pagpipilian ang nanalo sa kasalukuyang challenge kung alin sa mga ito ang iboboto na iuwi at ang makaligtas ay ang laman ng kahon. Kung kulay-dilaw yaon ay magpapatuloy ang naturang team sa paligsahan. Pero kung kulay-itim naman, ibig sabihin ay uuwi na. Sa Pilipinas.
Nag-usap-usap sina Tavi at Djora kung aling team ang pauuwin nila kung saka-sakali. Team 3 o Team 7.
“So, which team do you choose to go if in case we have the black eagle?” tanong ni Yara sa kanila.
“Team 3,” paglalahad nilang dalawa nang sabay.
Nagsalita sina Zef at Cavell. “Well, no hard feelings.” Napailing naman ng ulo ang dalawang lalaki na nakangiti.
Napatawa ang ibang kalahok samantalang hindi makatingin sina Djora at Tavi sa dalawang lalaki. Ang hirap naman kasi pero kompetisyon ito at kailangan nilang manalo. Dapat tanggalin nila ang pinaka-competitive dahil nais nilang manalo.
Nang dahan-dahang binuksan na ni Yara ang kahon nang may pa-dramatic effect ay napatikom ng bibig si Djora na nakapikit ang mga mata. Pagkabukas ni Yara ay kulay-dilaw yaon. Ewan ba niya. Para naman siyang nabunutan ng tinik sa tagiliran. Why did she care whether they were still on the show or not anyway?
Her eyes settled on Cavell. Noon pa niya napagtantong nakatitig pala ito sa kanya. It sent her heart hammering hard against her chest. Parang may maton doon sa loob na binubugbog siya.
‘Oh, please stop! Bakit ba kasi?’
Pinilit niyang inihiwalay ang mga mata mula sa lalaki. His dark eyes were like pulling her to him, which was really weird.
“Congratulations! You’re safe, Cavell, Zef,” bati ni Yara nang nakangiti sa mga ito.
‘Good luck to us, Tavi,’ sa isip na lang ni Djora. She slightly chewed her inner cheek.
***
Kinabukasan ay binigyan sila ng susunod nilang challenge. Binasa ito ni Tavi habang naglalakad sila sa umagang iyon at pinapakinggan lang ito ni Djora at nakasunod sa kanila ang cameraman.
“Pumunta sa Kandawgyi Lake, sa Yangon. Maghanap ng tatlong babaeng lokal na may suot na mahabang palda at kumbinsihin ang mga itong bilhan kayo ng pagkain para pakainin n’yo ang resident catfish sa lawa. Pagkatapos ay kuhanan ng larawan ang kumakaing catfish at ang Karaweik Palace. Kailangang kitang-kita sa larawan ang Karaweik, ang mythical Burmese bird, na nasa harap nito.”
Biglang napahinto si Djora sa paglalakad sa gilid ng kalsada kaya napatigil din si Tavi. Tiningnan siya nito nang may pag-aalala sa mga mata.
“A lake? I hate lakes! I don’t want to go to that lake, Tavi!” ungot ng dalaga sa kaibigan. Nakasimangot ang kanyang mukha. Wala siyang pakialam kung nakuhanan man iyon ng cameraman.
Napangiwi si Tavi at napansin nito sina Cavell at Zef na pumapara ng masasakyan pero dinaanan lang ng mga kotse at pampublikong transportasyon. Ilang metro lang ang pagitan ng mga ito sa kanila. Malamang ay nakitulog ang mga ito sa isang bahay malapit sa tinulugan din nila.
“Eh, kailangan nga nating pumunta roon, friend! Alangan namang lumaktaw tayo, ‘di ba?” Nag-puppy eyes si Tavi sa kanya. “Bakit ayaw mo sa lake? Dahil ba sa nangyari noong may photo shoot ka roon kasama ‘yong mga mangingisda?”
Hindi siya umimik at napalunok.
“Friend, alam kong hate mo ang fish at hindi ka kumakain no’n pero hindi naman natin kakainin ‘yong catfish! Pakakainin natin sila,” dagdag ni Tavi.
Hindi pa rin umimik si Djora at lalo lang siyang na-te-tense sa bawat lumilipas na sandali. Ayaw niyang isipin ‘yong nangyari noon. Inaamin niya sa sariling natatakot nga siya sa lawa. The notion of going to one made her heart tremble. Para na nga siyang magkakaroon ng panic attack ngayon at nagsimula nang manginig ang kamay niya. Walang may alam na takot talaga siya sa lawa dahil ang sinabi niya kay Tavi ay hindi niya lang ito gusto. May pinagkakaiba.
Muli siyang napalunok habang nakatutok na pala sa kanya ang camera.
“Nakasakay na ‘yong iba papunta roon,” untag ni Tavi sa kanya.
Hindi na rin niya nakita sina Cavell at Zef.
“Okay lang namang mahuli tayo, hindi tayo matatanggal dahil may immunity tayo. Pero, friend… kailangan pa rin nating pumunta roon!” pagpatuloy ng kaibigan niya.
Napakagat sa kanyang kuko si Djora. “A-ayoko.”
Maang si Tavi. “Ako na lang ang magpapakain sa catfish ‘pag nandoon na tayo, ha?” Hinimas-himas nito ang kanyang braso para pakalmahin siya kahit paano. “Kahit na hindi ka lalapit sa lawa, baka naman okay lang ‘yon.”
Hindi man siya tumango ay hinawakan na nito ang kanyang kamay at saka sumenyas nang mang-hitch sa paparating na kotse. Sinuwerte silang tumigil ito at pinakiusapan ito ni Tavi na dalhin sila sa Kandawgyi Lake. Hindi na nga rumehistro sa kanya ang pagpayag ng driver kahit na malayo iyon sa kinaroroonan nila ngayon. Marahan na siyang itinulak ng kaibigan papasok sa kotse, sa may backseat, pagkalagay nito ng bag nila sa trunk.
Habang nasa biyahe sila ay palinga-linga sa kanilang daanan at sa kanya ang kaibigan niya habang siya naman ay parang walang nakikita. Hindi na niya napansin ang mga tao sa lansangan, ang mga bahay o mga gusaling dinaanan. She was agitated. She didn’t know if she could manage this.
Natigil siya sa pagngatngat sa kanyang kuko nang hinila na ni Tavi ang kaniyang kamay. “Djora, magiging okay ka lang. Hindi ka naman lulusong sa tubig, eh. Nasa lupa lang ang mga paa mo at hindi ka lalapit sa lawa. Pero… hindi ba dapat na hindi ka matatakot sa lawa?”
Napatitig siya sa kaibigan, hindi makapagsalita. ‘Paano niya nalaman na takot ako? Lagi ko na lang dini-dismiss noon kapag nababanggit niya na maganda raw ang mga kuha ko sa Laguna de Bay noon at lalo na ‘yong muntikan ko nang ikamatay roon. Hindi ako nagpahalata. O nahalata nga ba niya?’
Napabuga ng hangin si Tavi. “Ano? Ayaw mong aminin na takot ka sa lawa, ‘no?” May pag-aalalang bumahid sa mga mata nito pero may pang-uunawa rin. “Huwag ka na ngang mag-deny, friend. Kilala kita at alam na alam ko ‘yong pinagdaanan mo, ‘no? Kaya nga ayaw mong pag-usapan natin ‘yon. Pero… sa tingin ko ay dapat mo nang lampasan ‘yang takot mo. At sa tingin ko rin na ito na ang pagkakataon para magiging okay ka na, Djora. Just trust me, okay?”
“How can I trust you on this, Tavi? Hindi mo nga ako natulungan noon.”