Nag-anda ng krus si Djora. Para na siyang masusuka sa mga pagkaing iyon kahit na hindi pa nga nakalapit sa bibig niya. Pero para ito sa kaibigan niya kaya naman ay kailangan niyang maging matapang at matatag. Sa loob. Pinaikot na niya ang roleta habang nakamasid sa kanila ang mga locals nang may interes at tuwa sa kanilang mukha. Nakatayo ang isang babaeng medyo may edad na at siyang nagbabantay sa roleta, nakangiti nang nakakaloka. Tumigil ang roleta at doon sa stir-fried s**o grubs nakaturo ang arrow. Alanganin siyang dumampot ng maliit na baso na puno ng laman. Inagaw ni Cavell iyon mula sa kanyang kamay at agad na kinain na parang balewala lang. Para lang yata itong kumakain ng pasas. ‘Jusko. Wala ba siyang arte sa katawan?’ Umasim ang mukha niya dahil sa ginawa nito. Kahit paano