Kasalukuyang nakasuot ang mga kalahok ng traditional Indian costume na Salwar Kameez para sa mga babae habang Kurta at Pajama naman para sa mga kalalakihan. In fairness, gusto ni Djora ang suot nila ngayon. Para silang nasa isang Indian series. “What? Paiinumin tayo ng ihi ng baka?” anang dalaga na nanlaki ang mga mata. Napahumindig si Djora sa kanyang nabasang instruction ni Yara. Nanlaki rin ang mga mata ng kanyang kaibigan nang napatingin siya kay Tavi. Pagkatapos ay napatingin siya sa manilaw-nilaw na likidong nasa loob ng boteng mas malaki pa yata nang kaunti kaysa Red Bull. May sticker yaon na puti kung saan may naka-print na “Cow Urine” at mukha ng baka. “May health benefits kasi. Iyan ang paniniwala rito sa India,” tugon ng kaibigan niya pero nakasimangot din ito. “Alternative m