Bago pa man makatanggi o sumang-ayon si Djora ay naramdaman na lang niya ang mainit na labi ng binata na dumampi sa labi niya. Nanlaki ang mga mata niya noong una pero dahan-dahan din siyang napapikit nang marahang gumalaw ang mga labi nito. Nalasahan pa niya ang tila mint at unique na lasa ng binata. Wala siyang nagawa kundi ang kumapit sa balikat ng binata at napatugon sa matamis at mainit nitong halik. Napakabanayad niyon na parang nagpablangko sa utak niya. Walang ibang rumehistro ngayon sa isip niya kundi ang halik nito. Ang unang halik niya. Para siyang matutunaw sa bawat saglit na lumilipas. Lalo lang nanghihina ang kanyang mga tuhod kaya ay mas lalo pa siyang napakapit sa binata habang sinusuklian ang bawat galaw ng labi nito. Narinig niya pa ang mahina nitong ungol at lalong h