Dahil sa medyo marami ang kanilang pinamili sa souvenir shop ay bumalik muna sila sa hotel para iiwan ang mga ito roon. Nag-late lunch sila sa isang malapit na restoran bago namasyal sa National Orchid Garden at S.E.A. Aquarium. Natutuwa talaga si Tavi sa pinuntahan nila. Sobrang dami na ng pictures na kuha nito kaya ay in-upload muna nito sa cloud ang iba para magkaroon ng space para sa iba pa. Ginabi sila at nag-river cruise bago dumating sa nais puntahan ni Tavi, sa Clarke Quay. Muntik nang mahulog si Djora nang humakbang siya sa platform mula sa cruise boat. Mabuti na lang at nasalo siya ni Cavell na tila ayaw nang humiwalay sa kanya. Pinangko siya nito bago pinatayo nang mag-isa. Hindi na lang niya pinansin ang pagtama ng mga mata nila at ang pakiramdam niya nang nasa mga bisig si