Five

1997 Words
Kanina todo alalay sa akin si Karik. Pero pagtapak namin sa plaza ay agad nitong binitiwan ang kamay ko. Para s'yang napapaso at takot na may makakita. Sumunod na lang ako rito, habang nakabuntot ang mga bodyguard ko. "Pwede mong papwestuhin ang mga bantay mo sa likod natin. Pupwesto tayo roon." Itinuro nito ang mahabang table kung saan may kulay pink na cover. May vase rin sa gitna na palamuti. Naroon na sina Gov. at agad kong nakilala ang babaeng nakaupo sa tabi nito. Nag-uusap ang dalawa na waring sweet na sweet pa sa isa't isa. Nang makalapit kami ay agad na tumayo ang ilang opisyal na nakilala ko na kaninang umaga sa kapitolyo. Agad na naglahad ang mga ito ng kamay. Mahinhing iniabot ko naman ang palad para tanggapin ang pakikipagkamay ng mga ito. Mahinhin ang kilos, bawat pitik ng daliri'y punong-puno ng pagkaelegante. Isa sa naging training ko habang inihahanda ko ang aking sarili. Hindi ko paborito ang high heels pero heto ako ngayon, matatag ang pagkakatayo na suot iyon. Pagkatapos makipagkamay sa kanila ay marahan kong iginala ang tingin ko. Nagtama ang tingin namin ni Coleen, tiyak namang hindi ako nito makikilala. Bata pa kami noong huli kaming nagkita, malaki na ang pinagbago ko. Mas mature na ang ayos ko, ang buhok na sanay itong makitang kulot ay unat na unat ngayon, kung noon ay itim na itim, ngayon ay may blonde highlights na. Mas maputi na ako rito, siguro'y dahil laki ito sa hacienda kaya bahagyang naging morena. Maganda pa rin ang pinsan ko, iyong ganda na hindi makabasag pinggan. "Miss Riverra?" ani ni Alejandro na tumayo at naglahad ng kamay sa akin. Pormal ang pakikitungo nito, kaya pormal ko rin itong tinignan. "Mr. Governor, good evening!" ani ko na tinanggap ang nakalahad nitong kamay. Bahagya kong pinisil iyon at unang bumitaw sa pagkakahawak. Nang ibaling ko ang tingin ko kay Coleen ay bahagya akong ngumiti rito. "I'm Luci Riverra." Hindi pa rin ako nito na recognize kahit pa sobrang lapit na ng pangalan ko sa binangit kong pangalan. "Nice meeting you, Luci! I'm Coleen Dela Berga." Hindi ko alam, kahit mahinhin ang pagkakabigkas nito ay pakiramdam ko'y tunog territorial pa rin. Nagkamay kaming dalawa. Saka ito nagsalitang muli."Have a seat?" tanong nito sa akin. "Thanks," slang na pagkakabigkas ko. Iginiya naman ako ni Karik sa bakanteng pwesto sa tabi ni Coleen. Uupo sana ito sa mismong tabi ni Coleen pero nag-insist si Coleen na ako na lang ang maupo sa bakanteng silya. Honestly, ang pinaka-boring na speech na ayaw kong pakinggan ay sa ilang pulitiko na puro mabulaklak lang na salita ang alam. Habang nakikinig sa mayor ay damang-dama ko agad ang pagkabagot. Pero umarte pa rin akong interesado sa sinasabi ng alkalde. Habang si Coleen na nasa tabi ko ay nakikipagbulungan kay Gov. Nang si Gov. na ang magsasalita, halatang lahat ng tao sa plaza ay nakuha nito ang atensyon. Mga halatang nais marinig ang tinig ng lalaki na kung pagmamasdan ay parang modelo na nakatayo na ngayon sa itaas ng stage. "Nasabi ng husband ko nadamay ka sa gulo kanina sa parada?" napalingon ako kay Coleen na may concern na tinig nang sabihin iyon. "Yes, parang masyadong traumatic iyon sa akin. But I'm fine now, mabuti na lang friendly itong si Karik. Tinulungan n'ya ako kanina at inihatid pa sa bahay ko." "R-eally?" biglang sumeryoso ang tinig ni Coleen, pero ngumiti rin naman."That's so nice, Karik." Napakamot naman si Karik sa ulo na waring biglang nahiya saka tumango na lang. Nang ibaling ko kay Gov. Alejandro ang tingin ko'y tamang-tama na nagpasalamat ito sa akin, sa aking ama at sa proyekto na gagawin dito. Tumayo pa ako at bahagyang yumukod sa mga tao. Nagpalakpakan naman ang mga ito at sabay-sabay na nagpasalamat. Nang tignan ko si Alejandro ay ngumiti ako rito. Saka muling bumalik sa upuan ko. "May salo-salo mamaya sa bahay ni Mayor, gusto mo bang sumama?" pagkausap sa akin ni Coleen. Isa siguro sa trabaho nito bilang asawa ni Alejandro ay ang kausapin ang mga taong may malaking maitutulong sa kanyang asawa. I like that. Hindi na ako mahihirapan na ilapit ang sarili ko sa pinsan ko. Dahil ito na ang kusang naglalapit sa kanyang sarili. "Sure! Wala pa naman akong gagawin." Sagot ko rito saka sinulyapan ito. "You're so pretty!" malambing na puri ko rito. Parang nahiya tuloy ito na naging kimi ang ngiti. "Thank you." "Sa ganda ng figure mo, may baby ka na na?" gusto ko lang namang malaman ang reaction nito. "Wala pa sa plan namin ng asawa ko. Busy pa kasi s'ya at hindi pa rin naman ako ready." "Wow! Tama rin iyan, mas maganda iyong pareho na kayong may oras at ready." Sang-ayon ko rito. "Single or married?" mukhang magaan na itong makipag-usap. "Single." Sagot ko na bahagyang napabungisngis. "Alam mo bang si Alejandro ang unang lalaki sa buhay ko?" "Wow! Really?" "Yes. First boyfriend, then naging husband." Kinikilig na kwento nito. Parang nakalimutan tuloy naming nagsasalita pa ang asawa nito. Saka lang kami natigil sa pakikipagkwentuhan sa isa't isa nang bumalik si Gov. sa pwesto namin. Inakbayan agad nito si Coleen na malambing namang sumandal dito. Nawala saglit sa mga target ang atensyon ko nang magsimula ang palabas. Hindi ko mapigil ang tawa ko sa mga comedy lalo na ng kwelang host. Nang kalagitnaan ng presentation ay niyaya na kaming umalis. Kasama namin ang mayor na nag-imbita sa bahay nito. Si Coleen ang kasabay ko sa paglalakad. Habang nakasunod si Alejandro at Karik. Pasimpleng umiindayog ang balakang habang naglalakad. Mas matangkad ako kay Coleen, mas tumangkad pa dahil sa heels na suot. Kinailangan naming sumakay sa sasakyan ni Gov. Si Coleen pa rin ang katabi ko. Habang bumabyahe ay nagkwekwentuhan kami nito. Alam kong isa sa pangarap ni Coleen ay maging designer, pero dahil may hadlang tiyak na business ang kinuha nitong kurso. Kaya naman ang mga kwento ko rito ay ang mga interesanteng bagay para mas ma-amaze ito sa akin. "Mayor Doming!" tawag ni Karik sa lalaki na agad lumapit sa amin nang makababa kami ng sasakyan. Si Alejandro pa ang umalalay sa akin dahil si Coleen ang unang bumaba at si Karik ang umalalay rito. Hindi ko alam kung bakit nang hawak ko kanina ang kamay nito ay bahagya kong pinisil iyon, saka ito nginitian. Alam kong nakatitig ito sa akin nang tumabi ako kay Coleen. Pero ang buong atensyon ko ay nasa pinsan ko na nakikipagbiruan dito. "What is this?" curious na tanong ko. Ang set up sa bakuran nila Mayor ay hindi tulad sa mga nakikita kong pyesta sa siyudad. Mukhang simple lang ang ayos dito pero maraming pagkain, pangnayon talaga ang aura. Nagkakasiyahan, nagkakantahan. Habang kami ay nakapwesto sa mesa kung saan hindi mamahaling mga alak ang nakalagay. "Lambanog iyan, Miss Riverr." Mabilis na sagot ni Mayor Doming."Dala ng isa sa kapatid ko, tikman mo tiyak kong magugustuhan mo." Magiliw na ani ni Mayor. Tumingin pa ako sa mga kasama ko sa table. "Try it!" udyok ni Karik. Kaya naman tinanggap ko ang shot na inabot ni Mayor sa akin. Sinamyo ko muna ang amoy no'n bago ko ininom. Mariin akong pumikit nang gumuhit sa lalamunan ko ang init. "Perfect!" ani ko pagkatapos ilapag ang alak. Nang alukin ko si Coleen ay tumangi ito. "Hindi s'ya umiinom." Seryosong saway ni gov. "Really? Oh, sorry!" ani ko kaya naman kay Karik ko iniabot ang sunod na shot. "Oh, naiwan ko sa car iyong phone ko." Dinig kong ani ni Coleen. Mag-o-offer sana ako na samahan ito pero nagsalita na si Gov. "Karik, samahan mo si Coleen sa sasakyan." Utos ni Gov. Agad namang tumayo si Karik para sundin ang utos ng pinsan nito. Nang makaalis ang dalawa ay muling umikot ang baso. "Mukhang makakarami ka?" puna ni Gov. Ngumiti lang ako rito nang pagkatamis-tamis saka nakipagtitigan dito sabay inom muli ng alak. Wala namang tama sa akin, parang tubig lang iyon sa sistema ko. Samantalang iyong iba naming kasama ay namumutla na. Pero naging touchy ako. Lumipat pa nga ako sa upuan ni Coleen at kunwari'y inaabot ang pulutan. Mabilis namang umalalay si Gov. dahil sa pag-aakalang matutumba ako. "Miss Riverra, I think dito ka na lang matulog. Mapaparami pa ata tayo ng inom." Hindi ko kilala ang opisyal na nagbiro no'n. Bumungisngis lang ako para naman hindi ito mapahiya. Ang tagal namang bumalik ni Coleen, sa tagal n'yang bumalik ay hindi s'ya alam na nakalapat na sa hita ng asawa n'ya ang palad ko. Balewala naman iyon sa lalaking nakikipag-usap sa kapartido nito. Nang marahan kong igalaw ang kamay ko pahaplos dito ay pasimpleng inawat n'ya ako. "Naiihi ako!" anunsyo ko na biglang tumayo. "Samahan na kita." Napatingin ang lahat sa lalaking opisyal na nagprisinta. "Excuse me!" ani ko saka umalis na. Hindi naman sumunod ang lalaking nagprisinta. Nahiya siguro sa sinabi n'ya. Nagtanong lang ako sa ginang na nakasalubong ko kung saan ang banyo. Saktong nakasalubong ko si Coleen at Karik. Muntik pa akong matisod pero nasalo naman ako ng dalawa. "You're drunk?" takang ani ni Karik. Worried naman itong si Coleen na hindi binitiwan ang braso ko at nanatiling nakaalalay. "Nope, of course not! Iihi lang ako." Nakangiting ani ko. "Bumalik ka na sa asawa mo, Coleen. Sasamahan ko lang si Luci." Utos ni Karik saka ako muling inalalayan. Napilitan namang bitiwan ni Luci ang braso ko saka tumalikod. Isinama ako ni Karik sa banyo. Nanatili lang ito sa labas habang umiihi ako. "Ouch!" reklamo ko. Makaayos na ako. Pero joke lang naman iyon, pero biglang pumasok si Karik na waring nag-alala. Hindi ko naman kasi ini-lock ang pinto. "Why?" takang ani ni Karik na inalalayan ako. Bumungisngis na yumakap ako rito saka hinalikan ang leeg nito. "Luci!" saway nito."Lasing ka na 'no?" "Hindi 'no!" ani ko sabay dakma sa kanyang p*********i. "Karik!" dinig kong tawag ni Alejandro. Nakatayo ito sa labas ng pinto. Agad namang lumayo si Karik sa akin at napakamot sa ulo. Saka ito lumabas. "She's a guest!" mahina pero seryosong ani ni gov. Masyado naman itong seryoso sa buhay. Napabungisngis akong lumabas. Sinadyang matisod at sa dibdib nito nag-land. Mabilis naman itong umalalay. "I think I need to go na. Lasing na nga yata talaga ako." Nakabungisngis na ani ko. Saka bahagyang idinaan ang palad sa umbok nito. Agad itong lumayo sa akin kaya si Karik ang mabilis na umalalay. Tiyak namang hindi nakita ni Karik ang ginawa kong kapangahasan sa gobernador ng bayan ng Sindang. Damn! He's big, I'm so sure of it! "Let's go!" alalay ni Karik sa akin. Nakuha ko pang kindatan si Alejandro. Saka ako iginiya paalis ni Karik. Sinalubong kami ng mga bantay ko at agad akong kinuha kay Karik. Hindi na kailangan pang magpaalam lalo't alam nilang lasing na nga ako. Eh 'di bukas may reason na akong pumunta ng office ni gov. para humingi ng pasensya sa inasal ko. Napabungisngis ako nang makaupo sa backseat. Crazy Luci! Natatawang ani ko sa aking sarili. "STOP FLIRTING WITH Anthony Riverra's daughter!" naiwan kami ni Governor Alejandro habang tinatanaw si Luci Riverra na inaalalayan ng mga bantay nito. "I'm not flirting with her." Tangi ko rito pero may ngisi sa labi. "Yes, you are!" giit nito. "Tsk, chance ko na sana iyon kanina!" sabay reklamo ko. Ngunit mas lalong hindi natuwa ang governor sa biro ko. "Uuwi na kami ni Coleen." Paalam nito. Hindi naman talaga nag-e-enjoy sa ganito ang gobernador ngunit kailangan pa rin naman nitong makisama sa mga opisyales nito. Sumunod na lang ako rito. Nang magpaalam sila sa mga kaalyado ay nakabuntot pa rin ako sa kanila. "Ihahatid lang natin si Coleen, babalik ako sa opisina." "Pinsan, gabi na. Bigyan mo naman ng quality time si Misis." Nakangising ani ko. Namula ang pisngi ni Coleen at napayuko. "Stop." Saway agad ni Alejandro sa akin. Nailing na lang ako, masyadong matigas ang puso ng lalaking ito. Sinasayang nito iyong effort ng asawa nito. Nang magtama ang tingin namin ni Coleen ay nginitian ko ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD