bc

LUCILLE : THE MISTRESS

book_age18+
10.7K
FOLLOW
99.5K
READ
manipulative
powerful
mistress
bxg
betrayal
cheating
disappearance
secrets
affair
punishment
like
intro-logo
Blurb

Isang mapait na nakaraan sa kamay ng angkan ng ama ni Lucille ang dahilan kung bakit nagpakalayo-layo s'ya.

Misyon n'yang balikan ang mga ito at pagbayarin silang lahat sa kasalanan nila sa kanya.

Bukod doon, target din n'yang wasakin ang pinakaiingat-ingatan nilang babae sa pamilya. Si Coleen, ang pinsan n'yang pinakamamahal ng lahat. Magagawa lang n'ya iyon kapag nakuha na n'ya ang asawa nito.

Sa kanyang pagbabalik, handa s'yang maging kabit para lang maisakatuparan ang kanyang plano.

Lucille

The Mistress

mis_annie

chap-preview
Free preview
One
Kasambahay ang aking ina sa mansion ng mga Soloren. Anak si Mama ng dati ring kasambahay roon. Kasambahay s'ya, habang ako'y tinatawag na seniorita sa mansion. Bata pa ako, hindi ko naiintindihan kung bakit gano'n ang sitwasyon nito at set up naming dalawa. Anak n'ya ako, pero pinagsisilbihan n'ya ako tulad ng mga kasambahay sa mansion ng mga Soloren. Hindi ito nakakalapit sa akin na tulad sa normal na set up ng mag-ina. Nakabantay ang mga Yaya ko sa bawat kilos ko. Kung may pagkakataon man na makapag-usap kami ay iyong mga times lang na nakakapuslit ako o kaya s'ya kapag busy ang lahat sa kanya-kanyang buhay nila. Umagang-umaga, excited na bumangon ako. Darating si Daddy ngayon at tiyak na may pasalubong ako na dala nito. Ang aking ama ay ang bunsong anak ng mga Soloren. S'ya si Melchor Soloren na nakabase sa siyudad ang trabaho. Tuwing sabado ito umuuwi at lingo naman ng gabi ang alis. Nang makitang gising na ako, ang dalawang Yaya ko ay agad na kumilos para ihanda ako sa aking pagbaba. Sampung taong gulang na ako, pero may mga Yaya pa ring nakasunod at nakabantay sa bawat kilos ko. Nasanay na lang din ako dahil noon pa man ay ganito na ang buhay ko. "Ipaaalala ko lang sa 'yo na nasa mansion din ngayon ang iyong Lolo Eulo at Lola Hilda." Kumabog nang mabilis ang dibdib ko. Ibig sabihin lang nito'y mas kailangan kong ayusin ang kilos ko. "Magtatagal po ba sila?" tanong ko, habang maingat na sinusuklayan ang buhok kong alon-alon. Namana ko iyon sa aking ina. Hindi ko na kailangan pang kulutin dahil natural na iyon. Nilagyan ng butterfly barrettes ni Yaya Raiza ang aking buhok. Napangiti ako sa naging resulta ng ayos ng aking buhok. "Napakagandang bata." Puri ni Yaya sa akin. "Mana po ako kay Mama." Masayang sagot ko rito. Pero parehong napangiwi ang mga ito sa sinabi ko. Humarap ako kay Yaya Mercy. "Hindi po kayo naniniwala?" takang tanong ko rito. Pero dapat hindi ko na lang tinanong. Alam ko rin naman ang sagot sa tanong ko eh. Hindi, lalo't iba ang nakikita ng mga ito sa aking ina. Naniniwala akong kamukha ko si Mama. Kung hindi lang natapunan ng asido ang kanyang mukha ay hindi sana magiging gano'n iyon. Nasabi lang naman sa akin ni Mama iyon nang tanungin ko s'ya kung napaano ang kalahati ng kanyang mukha. Pero ang tanong ko na kung sino ang may gawa ay hindi n'ya sinasagot. Hanggang sa sumuko na lang ako sa pagtatanong dito. "Maganda po ang aking ina. Tignan n'yo ang aking mukha, hindi ko kamukha si Daddy kaya naniniwala akong si Mama ang kamukha ko." "Oh s'ya, isuot mo na ito. Kahit ano pang sabihin mo ay hirap kaming paniwalaan," iminuwestra ni Yaya Raiza ang doll shoes ko na kulay silver. Maingat nitong isinuot iyon sa aking paa. Nang matiyak ng mga ito na maayos na ang aking itsura ay lumabas na kami. Nauuna ako sa aking paglalakad. Habang nakasunod lang ang mga ito. Tiyak na pupunain na naman ang paglalakad ko ng matandang Soloren kapag hindi ko inayos. Nang makababa sa hagdan ay humakbang ako palapit sa sala kung saan nakaupo ang mga ito kasama ng aking ama. Hindi ko muna tinapunan ng tingin si Daddy. Bahagya akong yumuko para magbigay galang sa dalawang matanda na ngayon ay nakatingin sa akin. "Magandang umaga, Lolo at lola." Magalang na ani ko sa mga ito. Saka lang naman pumapayag ang mga ito na tawaging lola at Lolo kapag may ibang tao. "Maupo ka sa tabi ng iyong ama." Iyon ang hudyat na hinihintay ko. Malawak ang ngiti na humakbang ako sa aking ama at yumakap dito. "Kumusta ang prinsesa ko?" malambing na tanong nito sa akin. Ngiting-ngiti nitong hinaplos ang aking pisngi, saka pinatakan ng halik ang aking noo. "Miss na miss kita, Daddy." Totoo iyon, nangungulila ako rito kahit pa every weekend naman ito narito sa mansion. "Napakaganda mo naman!" napangiti ako sa tinuran nito. Hindi ito napapagod na purihin ako sa tuwing nakikita ako nito. Gano'n din kaya nito purihin ang aking ina noon? Hindi naman kasi in born ang pilat sa mukha ni Mama. Nakuha ang atensyon naming lahat nang marinig namin ang yabag ni Coleen na pababa ng hagdan. Agad na gumuhit ang ngiti sa labi ko nang makita ang pinsan ko. Sa buong angkan ng Soloren, kami lang ni Coleen ang babae. Kaya nga rito kami sa old mansion ng mga Soloren nakatira. Nakabuntot din dito ang kanyang mga Yaya na tulad ng mga Yaya ko, ang trabaho lang ng mga ito ay asikasuhin si Coleen. Kung paano ko binati sina Lolo at Lola ay gano'n din binati ni Coleen ang mga ito. "Maupo ka rito." Tinap ni Lola ang bakanteng pwesto sa tabi n'ya. Ngiting-ngiti pa ito sa pinsan ko na agad umupo at yumakap sa bewang n'ya. "Lola, nasaan po si Daddy?" tanong ni Coleen sa matandang babae. Ang daddy nito ay si Uncle Jericho. Pangalawang anak ni Lolo and Lola. Si Auntie Imelda ang panganay, tapos si Uncle Manny ang pangatlo. Si Daddy naman ang bunso. "Parating na ang daddy mo, Coleen. Tiyak kong may pasalubong iyon sa 'yo." Sagot nito na hinaplos pa ang pisngi ng pinsan ko. Iyon ang pagkakaiba namin ni Coleen, cold ang grandparents ko sa akin, at maswerte si Coleen kasi maayos ang pakikitungo ng dalawang matanda sa kanya. "While waiting, pwede po ba muna kaming maglaro ni Lucille sa labas?" tiyak na 'oo' ang sagot ng mga ito. Hindi naman nila tinatangihan ang pinsan kong ito. "Of course! Mag-ingat lang sa paglalaro. Yaya, bantayan n'yo ang mga bata." Agad naman akong tumayo. Malawak ang ngiti na nagpaalam sa daddy ko na agad namang pumayag. Magkahawak-kamay kaming lumabas ni Coleen. Huminto na ang mga Yaya sa pagsunod nang magpasya kaming sa gilid ng fountain maglaro. Pinapanood lang kami ng mga ito. "Ang sarap sigurong maglaro sa labas ng tarangkahan, 'no?" napatingin ako kay Coleen. Naririnig namin ang masayang tawanan sa labas. Pero alam naming kahit masaya ay hindi namin mararanasan. Hindi naman kasi kami papayagang lumabas. May isang silid nga rito sa mansion na puno ng laruan naming dalawa, doon lang kami pwedeng maglaro at sa bakuran ng Soloren Mansion. Tiyak na kapag lumagpas kami sa tarangkahang bakal ay may matandang magagalit sa amin. "Oo nga eh, iyong mga pinsan nating lalaki sabi nila naranasan na raw nilang maglaro na katulad sa mga bata." Humakbang kami nito na magkahawak-kamay patungo sa bakod para silipin ang mga bata. Alam naman naming hindi kami pwedeng lumabas. Saka nakasunod ang mga Yaya. "Siguro masaya talaga, 'di ba iyong mga pinsan mo sa mother side ay malapit lang ang house rito?" "Oo, sabi ni Mama sampung bahay mula sa kaliwa." "Hindi mo pa sila nakikilala?" tumango naman ako. "Sa kwento lang ni Mama ko naririnig iyong tungkol sa mga relatives namin sa mother side." Sinilip namin ang mga batang masayang naglalaro sa labas. "Papuntahin mo kaya sila rito?" "Gusto mo bang magalit sila Lola?" "Ay, oo nga pala." Mabilis nitong bawi."Ang saya sana kung makalaro rin tayo ng tulad sa kanila. Pinanood namin kung paano nilalaro ng mga ito ang masayang laro na iyon. "Tumbang preso ang tawag d'yan." Dinig kong ani ni Yaya Mila. Yaya ito ni Coleen. "Yaya, nasaan po ang preso?" takang ani ni Coleen saka lumingon sa babae. "Babatuhin ng mga players ang lata, tapos kapag natumba kailangan nilang makuha ang tsinelas nila at makabalik sa base. Kapag naman naitayo ng taya ang lata at nahabol ka ay magiging taya ka." "Gano'n po pala iyon. Napakasaya naman! Tara, Lucille! Gayahin natin iyong laro nila. Yaya, kuha ka ng lata saka tsinelas." Excited na ani ni Coleen. Napangiti na rin ako at sumang-ayon sa sinabi nito. Wala kaming ibang batang kalaro, kaya naman dalawa lang kami ni Coleen ang nagsimulang maglaro. "Ikaw ang Taya, Lucille. Tapos babatuhin ko ang lata." "Sige!" masayang ani ko rito. Nakakuha naman na ng lata at tsinelas ang Yaya namin kaya may gagamitin na kaming dalawa. Kanina ay saglit na nagpaalam si Daddy, babalik din daw ito kaagad. Nang magsimula ang laro ay malakas ang tawa naming pareho. Pareho kaming nag-e-enjoy ni Coleen. Natamaan nito ang lata. Agad kong iniayos iyon saka ito hinabol para tayain. Ngunit nagkamali ito ng takbo. Malakas ang pagkakabagsak nito kasunod ang paghiyaw nito. "Coleen!" ako ang unang nakalapit. Nagsimula itong umiyak habang hawak ang tuhod na nasaktan. Alalang-alala ako rito. Mabilis akong inilayo ni Yaya Raiza at Yaya Mercy kay Coleen lalo't nakalapit na ang dalawang Yaya nito. "Dugo!" takang na ani ko nang makita ang tuhod nito. Mas lalo tuloy itong umatungal ng iyak. Binuhat ni Yaya Mila si Coleen at itinakbo patungo sa mansion. Napasunod din kami. Pero nakaalalay ang dalawa kong Yaya sa takot na ako naman ang madapa. "...hinabol po ni Seniorita Lucille si Seniorita Coleen kaya s'ya nadapa." Iyon ang narinig namin kay Yaya Analyn nang makahabol kami sa mga ito. Ang lakas ng iyak ni Coleen. Naiiyak na rin ako para rito. Tiyak na masakit iyon. "Lucille!" halos mapalundang ako sa gulat sa malakas na pagtawag ni Lola sa akin. Napatingin ako rito. "Lola, it's not Lucille's fault. Nadapa po ako, accident po." Mabilis na ani nang umiyak kong pinsan. "Hinabol ka n'ya, nadapa ka, period." Galit si Lola. Sa akin? I think oo, kaya naman takot na napakapit ako sa kamay ni Yaya Mercy. "Ipasok sa library si Lucille. Ipatawag n'yo rin ang nurse." Galit na utos ni Lola. Habang kalmado lang na nakaupo si Lolo sa kabilang upuan. "Lola, walang kasalanan si Lucille." Umiiyak na ani ni Coleen habang buhat-buhat ito at iniaakyat na sa hagdan. Ako naman ay iginigiya na ng mga Yaya ko patungo sa library. Tumayo si Lolo, naghawak-kamay sila ni Lola at sa akin naman sumunod. Binabalot ng takot ang puso ko. Pagpasok sa library ay agad ding lumabas sina Yaya. "L-ola?" kabadong ani ko sa matanda. "Seniora!" galit na sigaw ni Lola. "S-eniora, p-atawad po. Aksidente po ang nangyari." Itinulak ni Lolo ang shelf na patungo sa sekretong silid na karugtong ng library. Alam ko na ang ibig sabihin no'n. Kailangan kong pumasok doon, kailangan kong kusang humiga at tanggapin ang haplit ng latigo na paboritong gamitin ni Lola. "Ikaw ang may kasalanan. Hinabol mo ang pinsan mo." Hinabol ko nga, hindi ko naman itinulak. Gusto ko sanang sabihin iyon pero galit si Lola. Tiyak na mas magagalit ito kung muli kong dedepensahan ang sarili ko. Iniabot ni Lolo ang latigo kay Lola. Humakbang si Lola patungo sa pwesto kung saan wala na akong choice kung 'di dumapa. "Pigilin mong mag-ingay. Ang bawat kasalanan at pagkakamali ay may consequences talagang makukuha." Takot man, tumango na lang ako. Nang magsimulang humaplit sa likod ko ang latigo ay mariin na lang akong pumikit. Ilang ulit na rin naman itong nangyari. Limang hataw lang, tiyak kong titigil na ito. Unang at ikalawang hataw lang ang masakit, kasunod no'n ay manhid na ang likod ko. Pagkatapos ng limang gigil na gigil na hataw ay binitiwan na ni Lola ang latigo. Saka ito lumabas ng secret room. Lumapit naman si Lolo sa akin at inalalayan akong tumayo. Pinunasan nito ang pawis ko at ang luha ko. Pumasok si Yaya Raiza at Yaya Mercy. "Kayo na ang bahala sa kanya." Bilin ni Lolo. Nang makalabas kami sa secret room ay isinara na rin nito iyon. "Opo." Saka sila lumabas ng library. Mabilis akong inalalayan nila Yaya nang manlambot ang tuhod ko. "Halika sa kwarto mo. Kailangan nating gamutin agad iyan, pabalik na ang Daddy mo." Nakita ko pa si Mama nang lumabas kami ng library. Nagpupunas ito ng malaking vase. Nang tumingin ito sa akin ay kita kong gustong-gusto nitong lumapit sa akin. Pero ngumiti lang ako rito. Ayos lang naman ako. Kayang-kaya ko ito. Siguro kung hindi ko hinabol si Coleen ay baka hindi siguro s'ya nadapa. Kasalanan ko nga rin talaga... siguro. Pagdating sa silid ay agad akong pinagtulungan nila Yaya na hubaran. Alam na nila ang gagawin. Alam na nila kung paano gamutin ang sugat ko. Sanay na rin naman ang mga ito. Kung si Coleen, nagkukumahog ang dalawang nurse na stay in dito sa mansion para gamutin sya, pati na ang dalawang Yaya, isama mo pa siguro si Lola. Sa akin naman, sila Yaya lang. Pinalitan na rin nila ang suot ko. "Magpapahinga muna po ako, labas muna po kayo." Nanghihina ang tinig na ani ko sa dalawa. Bumuntonghininga ang mga ito saka maingat na umalis sa magkabilang gilid ng kama. Nang makaalis ang mga ito, narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto. Ilang minuto ang lumipas ay narinig ko rin ang muling pagbukas-sara no'n. Tiyak kong si Mama ang pumasok sa silid ko. Iyong pamilyar nitong presensya na sa kanya ko lang nararamdaman. Maingat itong sumampa sa kama. Humiga ito sa aking tabi. "Seniorita Lucille..." napakalambing ng tinig nito. Natatakpan ng belong itim ang kalahati ng kanyang mukha. Ang kalahati naman ay nakalantad. Itinatago ng belong itim na iyon ang kanyang sunog na mukha na pinandidirihan ng lahat. Pero hindi ako, maingat kong hinawi ang belo para mapagmasdan ang kabuuan ng kanyang mukha. Kahit nakadapa ako ay nakuha ko pa ring igalaw ang kamay ko para gawin iyon. Tumambad sa akin ang kabuuan ng mukha nito. Maingat kong hinaplos ang pisngi ni Mama. Maganda si Mama, pareho kami ng mga mata nito. Masyadong expressive. "Patawad dahil hindi kita maprotektahan sa kanila." "Ayos lang po iyon, masakit... pero huwag po kayong mag-alala kasi na gamot na ako ng mga Yaya ko." "Seniorita ko, hindi nila dapat ginagawa iyon sa 'yo." Naluluhang ani nito. "Hindi mo na dapat pang pansinin, Mama. Baka magalit sila Lola at baka ikaw naman ang pag-initan. Bata pa man ako'y nauunawaan ko na ang sitwasyon." "I'm sorry!" "Wala po kayong kasalanan." Nakangiting ani ko pero unti-unting ipinikit ang mata. Naramdaman ko ang paghalik ni Mama sa palad kong ginamit ko sa paghaplos dito. Unti-unting nilalamon na ako ng kadiliman, pero narinig ko pa itong bumulong sa akin. "Patawad, kasalanan ko talaga ang lahat ng ito." Wala s'yang kasalanan. Sadyang malupit lang talaga ang pamilyang kinabibilangan ko. Saka siguro naman hindi na mauulit ang ganitong pagpaparusa nila Lola.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
89.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook