"Ayos lang ba ito?" tanong ko kay Kimberly habang nakatitig sa salamin at pinagmamasdan ang suot ko. Hapit na hapit sa aking katawan ang hanggang kalahati ng hita na dress.
Kulay dilaw iyon kaya naman para akong nagniningning sa umaga.
Ang buhok ko'y nakapusod, ang lipstick ay pulang-pula na in-emphasize ang labi na waring mas lalong nag-angat sa ngiting waring nanunukso.
"Napakaganda mo, Miss L." Puri ni Kimberly Kim na katabi ko na ngayon at pinagmamasdan din ako sa salamin.
"I know!" confident na ani ko rito.
"Nakahanda na po ang prutas na dadalhin n'yo sa office n'ya."
"That's good. Let's go?" tanong ko rito. May meeting si Kimberly at sasama ako, tapos deretso sa office ni Gov.
A peace offering sa kapangahasan ko kagabi.
Nagtungo kami sa kapitolyo na inihahanda ko ang sarili ko sa mga gagawin ko sa office.
"Karik!" masigla ang tinig na tawag ko sa lalaki. Nagulat pa ito nang makita ako. Hindi rin naitago ang lumarawan na paghanga nito sa akin habang humahagod ang tingin sa akin, mula ulo hanggang paa.
"Sexy!" maharot na ani nito na ikinabungisngis ko.
Agad na kumapit sa braso nito bago sinulyapan si Kimberly.
"Kimberly, akin na iyong fruits." Tumango naman ang secretary ko at agad na kinuha iyon sa bodyguard ko. Si Karik ang naunang umabot doon.
"Saan mo ito dadalhin?"
"Nalasing ako kagabi, alam mo naman kung paano ako malasing. Feeling ko nagkalat ako kagabi. Nahihiya ako kay governador."
"Don't worry, hindi ka naman nagkalat. Pero kung nagkalat ka man, tiyak na ako ang masasarapan." Malandi rin talaga itong lalaking ito. Halata ring playboy.
Napabungisngis ako saka kunwari'y pinalo ito sa balikat.
"Samahan n'yo si Kimberly. Tiyak namang hindi ako pababayaan ni Karik." Pukaw ko sa mga guards na nakaantabay lang.
Agad namang yumukod ang mga iyon.
Si Karik na ang nagbitbit ng basket ng prutas habang umiba naman ng direction sina Kimberly. Nakahawak pa rin ako sa braso ni Karik habang naglalakad kami.
Sumakay sa elevator at nang marating ang floor ng office ni gov. ay agad itong kumatok at pinihit ang pinto.
"Pinsan!" bungad ni Karik kay governador. Agad na nag-angat nang tingin ang lalaki.
Bakit parang masyado namang hot ang gobernador ng Sindang? Magulo ang buhok nito, ang suot na coat ay nakasabit sa kinauupuan nito. Ang necktie ay bahagyang nakakakalas. Mukhang busy ang lalaki, mas dumagdag pa sa hotness nito ang suot na salamin.
"Good morning, governor!" bumitiw ako sa pagkakahawak kay Karik. Ipinatong naman ni Karik ang basket sa center table, ako naman ay dumeretso sa harap ng table ni Gov.
Alam kong dumako sa aking dibdib ang tingin nito. Ngunit mabilis ding nag-iwas nang tingin ang lalaki.
Tumitig ito sa aking mukha. Pormal na pormal ang expression ng mukha nito. Habang ako, iyong ngiting waring nanunukso ang nakaguhit sa labi ko, ang tingin ay nakatutok lang din dito.
"Good morning, Miss Riverra." Bati ni Alejandro na humagod ang kamay sa kanyang magulong buhok. Inayos nito iyon pati na rin ang tie nito. Tumalikod pa nga ito para gawin iyon. Dumako tuloy ang tingin ko sa pang-upo ng lalaki.
Parang napakasarap ihataw ang latigo sa pang-upong iyon. Habang humihiyaw ang lalaki, hinihinga--- mabilis akong nag-iwas nang tingin. Naramdaman ko ang kiliti sa aking p********e dahil lang sa naiisip ko na iyon.
"Luci!" agad akong lumingon kay Karik na ngayon ay hawak ang phone.
"Yes?"
"Hindi kita masasamahan, tumawag si Coleen."
"Ha?"
"Ingat sa pagda-drive, may mga kailangan s'ya na gusto n'yang bilhin sa metro." Seryosong ani ni Alejandro na ngayon ay inaayos na ang coat n'ya. Suot pa rin nito ang salamin, salubong ang makapal na kilay.
"Bakit ba kasi hindi na lang iyong driver ang utusan?" tanong ni Karik na ibinaba na ang tawag.
"Alam mo naman ang sagot sa tanong mo na iyan." Sagot ni Alejandro. Bumuntonghininga si Karik saka bumaling ang tingin sa akin.
"Iwan muna kita rito, Luci. Si Alejandro na ang bahala sa 'yo." Mabilis naman akong tumango rito.
"Sure!" maagap kong sagot sa lalaki. Humakbang pa ako rito at humalik sa pisngi nito."Ingat ka!" ani ko pa, dahilan para mamula ang tenga at leeg nito. Napabungisngis naman ako sa naging reaction nito.
Nang maiwan kami ay sinulyapan ko si Alejandro.
"Nagawi ka, Miss Riverra?" seryosong ani nito sa akin.
"Nagdala lang ako ng fruits, peace offering?" kunwari'y nahihiyang lumapit ako sa basket, kinuha iyon at inilapit sa table ni Alejandro.
"For what?"
"Feeling ko kasi may nagawa akong mali kagabi... feeling ko'y may nahawakan ako kagabi." Mas lalo yatang nagsalubong ang kilay nito.
"Excuse me?" ani ni Alejandro.
"Gano'n kasi ako kapag nalalasing, nakakalimot!" kunwari'y sising-sisi na bumuntonghininga."Sorry!"
"Don't mind it!" waring tinatapos na ang usapan sa paraan nito nang pagkakasabi no'n.
"How can I? You're so big." Kunwari'y natutop ang bibig, kunwari'y hindi sinasadyang ibulalas iyon.
Para akong teenager na nagpapa-cute sa mga painosenteng moves. Nakakasuka, pero kailangan kong maging convincing.
"Naglolokohan ba tayo rito, Miss Riverra?" tanong ni Alejandro. Tinanggal nito ang suot na salamin. Para akong napapaso sa titig nito, pero hindi ako nagpatalo. Ang titig nito ay sinuklian ko rin nang nanunuksong titig.
"I like you, governor!" alam kong nagulat ito sa pagiging prangka ko. But no, hindi ako narito para magpaka-maria Clara. Narito ako para kunin ang gobernador sa kanyang asawa. Wala akong panahon na mahiya, o umurong.
Kitang-kita ko ang mariin nitong paglunok.
"Gusto kita, governor!"
"Get out!" mahina pero may diing utos nito sa akin. Bumungisngis naman ako saka tinignan ito.
"I want to taste you, I really want it." Nag-iwas ito nang tingin sa akin. Kaya naman humakbang ako palapit dito. Napaatras ito dahil sa biglang paglapit ko.
"Lahat nang nagugustuhan ko'y tinitiyak kong nakukuha ko. Malay natin, kasama ka roon, Mr. Governor!" halos gahibla na lang ang layo ng mga labi namin. Pwede ko s'yang halikan, pwede ko s'yang baliwin pero ako rin naman ang kusang umatras.
"Aalis na ako, Mr. Governor. Ayaw mo naman kasing mag-stay ako rito." Humagikgik pa ako. Akmang tatalikod nang haklitin nito ang braso ko.
"Hindi ako nakikipaglaro, Miss Riverra."
"Me too, Mr. Governor. Kasi kung makikipaglaro ako... tiyak kong sa ibabaw ng kama mo iyon." Hinaplos ko pa ang leeg nito. Saka kinindatan ito at nakuhang lumayo rito ng walang kahirap-hirap.
Humakbang ako patungo sa pinto. Alam kong nakasunod ang tingin nito sa akin. Pero confident pa rin akong lumakad na wari'y walang kalokohan na ginawa.
"LUCILLE!" iyon ang seryosong tinig ni Lady A nang sagutin ko ang tawag nito. Narito na ako sa lobby at hinihintay ang mga bodyguard na kasama ni Kimberly.
"Lady A?" kalmadong sagot ko rito.
"I need you to work with Garette, ngayon na." Nasa tinig nito ang urgency kaya naman ang planong paghihintay sa mga bantay ay hindi na ginawa. Humakbang na ako palabas.
Ganito naman kami sa grupo ni Lady A. Kapag kailangan ng back up at nasa malapit lang, kahit na nasa huling misyon na ang girls, handa pa ring tumulong.
"May taong tinutugis ang team ni Garette. Kailangan n'ya lang ng stand by na malapit sa area." Pinakinggan kong mabuti ang sinabi nitong address.
"Noted." Tinungo ko ang sasakyan na naka-park. May extra naman akong susi kaya na buksan ko na iyon agad.
Bago ko pinausad iyon ay tinext ko muna ang isa sa tauhan bago lumarga.
May gamit naman sa sasakyan, habang nagmamaneho ay pinilit kong makapagpalit.
Nagsuot na rin ako ng wig habang binubura ang make up ko.
Patungo ang daang tinatahan ko palabas ng Sindang. 20 minutes na byahe, imbes na dumeretso palabas ng arko ay lumiko ang sasakyan ko. Papasok sa daang medyo natatabingan na rin ng matataas na talahib.
"Garette?" ani ko sa kaibigan nang i-tap ko ang suot kong hikaw. Galing sa head quarters ang hikaw na iyon. Kung saan komokonekta kami sa mga kasama o kaya naman sa mismong data base sa head quarters.
"Malapit na." Sagot lang nito sa akin. Kaya naman mabilis kong iniangat ang upuan sa backseat. Binuksan ko na rin ang bubong ng sasakyan. Saka ko in-assemble ang sniper rifle na tanging available na gamit. Lahat ng sasakyan na dala namin dito sa Sindang ay may mga sekretong lalagyan. Kung saan nakatago ang mga ganitong uri ng gamit namin.
"Red sports car. Kailangan ko s'ya ng buhay, Lucille." Seryosong ani ni Garette sa akin.
"Buhay lang naman, 'di ba? Kailangan bang makinis?" pabirong ani ko habang naghihintay.
"Pwedeng may damage, pero tiyakin pa ring buhay.
"Noted." Sagot ko. Naririnig ko na ang masakit sa tengang tunog ng sasakyan na tiyak na sobrang bilis. Wrong move, tiyak na makakalagpas ang target.
Sa ganitong trabaho ay mas magaling si Islah, isa ito sa naging trainor ko noon sa distant firing.
May tiwala rin ako sa kakayahan ko.
"One... two..." binibilang ko lang sa isipan iyon. Pagpatak ng three ay kinalabit ko ang gatilyo ng baril. Hindi ko na sinipat pang muli. Lalo't nawalan na ng control ang driver ng pulang sasakyan. Sumalpok ito sa puno. Kasunod namang sumulpot si Garette na kalmado lang na bumaba ng sasakyan nito. Iniayos ko muna ang gamit ko bago inilabas ang sasakyan.
Saka bumaba at nilapitan ang mga kasama. Sunod-sunod na dumating ang mga ito.
"Daplis lang naman iyong ginawa ko, buhay pa ba?" inosenteng tanong ko sa mga ito. Saka humakbang patungo sa sasakyan na ngayon ay ini-inspect na nila.
"Buhay pa." Si Garette na agad sinuotan ng posas ang lalaki. Pagkatapos nitong gawin iyon ay hinila nito palabas.
"Sino s'ya?" curious na tanong ko sa mga kasama.
"A criminal na hindi masaling ng batas ng bansang ito. Batas ko ngayon ang bahala rito." Nakangising ani ni Garette saka ipinasa sa mga kasama namin ang lalaki.
Nang muli kong sulyapan ay nakita kong sa braso ang tama.
Pero tiyak na malalim.
"Nice to see you again, Lucille!" ani ni Garette. Gano'n lang kabilis, umalis din agad ang mga ito. Ako naman ay bumalik sa sasakyan at nagpasyang umuwi muna sa mansion.
Wala pa sina Kimberly sa mansion. Kaya naman nagpalit lang ako ng swimsuit at nagtungo sa pool area.
Nagpahatid din ako ng wine sa kasambahay.
"GOV, NASA LABAS po sina Seniora Hilda at si Senior Eulo." Nag-angat ako nang tingin sa secretary ko.
Sinabi ko naman dito na kapag wala sa schedule ko'y huwag papasukin. Saka lang papasukin kapag mamamayan ng Sindang na kailangan akong makausap, iyong may mga importanteng sadya sa akin.
"Tell them I'm not available right now." Seryosong utos ko rito.
"Pero gov, sina Seniora Hilda po iyon." Waring bigla itong nagkaproblema kaya naman bumuntonghininga ako bago ito sinenyasan na papasukin.
Hindi nagtagal ay pumasok ang mag-asawa. Ngiting-ngiti si Seniora Hilda na pumasok. Agad naman akong tumayo at sinalubong ang mga ito.
"Masyado ka naman yatang busy para kailanganin pa namin ng appointment? Hindi ba't may mga ibinigay na akong tao para gumawa ng trabaho mo?" ani ni Eulo Soloren na humakbang patungo sa couch at naupo.
"I'm fine, it's my job." Tugon ko na humakbang din patungo sa single couch at naupo.
"Nabangit sa amin ni Coleen na narito raw ang anak ni Anthony Riverra sa Sindang, is it true?" ano namang kaibigan ng mga ito kay Luci?
"Yes." Tipid na sagot ko.
"Wow! Hindi ko akalain na papupuntahin ni Anthony Riverra ang kanyang anak dito. Pwede mo bang imbitahan sa mansion? Gusto kong ipakilala kay Paulo."
Si Paulo ay pinsan ni Coleen. Nakabase sa America at hindi nais na mag-stay sa poder ng mga Soloren. Bakit nabangit ang pangalan nito?
"Narito si Paulo?" tanong ko na agad na ikinatango ng matandang babae. Nag-iisang anak na lalaki ni Imelda Soloren-Dionesio.
"Yes. Pinauwi ko s'ya upang maghanap na ng mapapangawasa. Perfect timing, what if i-set up natin sila ng date." Manipulator, nakakadiri ang ganitong ugali ng matandang babae. Habang si Senior Eulo ay sunod-sunuran sa kanyang asawa.
Isa rin itong demonyo.
"Hijo, imbitahan mo ang anak ni Anthony. Gusto namin s'yang ma-meet. Gusto kong nasa bahay s'ya mamayang gabi." Utos ng matandang lalaki.
"I'll try na contact-in s'ya. She's busy too." Reason out ko na pormal lang naman ang tinig.
"Do something para makasalo natin s'ya mamayang gabi sa dinner." Kaysa pahabain pa ang usapan ay tumango na lang ako sa mga ito. Hindi ko kayang magtagal sa isang silid na kami lang.