Apat na buwan, iyon ang panahong inilaan ko para maghanda sa pagbabalik sa Sindang. For 15 years, hindi ko naisip na bumalik lalo't alam kong hindi pa ako handa, but this time babalik na ako.
Handang-handa na sa kanilang lahat.
"Miss L, pwede na po tayong umalis." Magalang na ani ni Kimberly sa akin. Bahagya kong hinaplos ang skirt na suot ko na bahagyang nalukot.
"Let's go!" seryosong ani ko saka isinuot ang sunglasses. Nakabuntot din ang apat na bodyguard, I don't need them... pero parte ng dramang sisimulan ko sa Sindang ay kakailanganin ko ang mga ito.
Pinagbuksan ako ni Nick, isa sa bodyguard ko, ng pinto.
Nang makasakay ako sa kotse ay agad ding sumakay si Cloud sa driver seat. Mayroon akong apat na bantay, si Nick, Cloud, Tristan at Sonny. May mga nakatokang gawain sa kanila sa pagdating namin sa Sindang. Ilang buwan ding preparasyon pagkatapos kong matanggap mula kay Lady A ang misyon kong ito.
"Handa na po ang mansion na tutuluyan n'yo." Dinig kong ani ni Kimberly, sinulyapan ko ito. Nakatingin ito sa cellphone nito.
"Good! Handa na rin ba ang mga tauhan doon?"
"Yes, ikaw na lang po ang hinihintay nila." Napangiti naman ako at tumango-tango. Perfect execution lang ang kailangan para sa unang hakbang.
Ilang oras na byahe ang hinintay ko bago ko nakita ang arko kung saan mababasa ang 'Welcome to Sindang'. Narito na ako, sa lupain plano kong wasakin para sa mga taong nagkasala sa akin.
Mahabang palayan ang nilagpasan namin, binuksan ko pa ang bintana para lumanghap ng preskong hangin.
"Napakaganda ng bayan ninyo, Miss L!" puri ni Kimberly na binuksan na rin ang bintana ng sasakyan at pinagmasdan ang tanawin.
"Pero kuta naman ng demonyo ang lugar na ito. Tapos panibagong demonyo pa ang dumagdag, ang bumalik!" napahagikgik na ani ko saka muling itinapon ang tingin sa labas.
"Nakaposisyon na po ang mga tauhan!" imporma ni Cloud sa akin. Kinailangan naming saglit na huminto, tityempuhan namin ang parada kung saan may mga ilang opisyal ang kasama sa paradang iyon.
Isang simpleng eksena, kung may madadawit man, rest in peace na lang.
"Karik Dela Berga and Alejandro Dela Berga, target spotted." Dinig kong ani ng isa sa tauhan mula sa earpiece na nakakabit sa tenga ko.
Nasa parade rin ang magpinsan.
"Now!" mabilis na utos ko, agad akong bumaba, sadyang iniwan ang isang sapatos. Tumakbo pasalubong sa parada. Nakasunod si Kimberly sa akin.
Sunod-sunod na putok ang narinig ko sa aking likuran.
Para pa akong nagdiwang nang mabahala ang mga tao at nagpulasan.
Nagsimula akong sumigaw, takot na takot, sadyang hinanap ang pwesto kung saan makukuha ang atensyon ni Karik o kaya'y ni Alejandro.
Nang magtama ang tingin namin ni Karik ay agad na nanlaki ang mata nito. Agad na tumakbo palapit sa akin saka iginiya palayo sa kaguluhan.
Protektado ang grupo ng mga opisyal ng mga pulis. Halatang kalmadong-kalmado lang naman ito.
Dinala ako ni Karik patungo sa lugar kung saan protektado ang mga ito. Tumigil ang putukan na gawa ng ilang tauhan na kanina pa naghihintay.
"You're safe here, don't worry!" ani ni Karik na tinap ang balikat ko. Nanginginig ang katawan ko, napahikbi pa saka marahang tumango.
Kanselado na ang parada. Nagsipag-uwian ang mga tao sa takot na baka magkagulong muli. Walang nahuli sa aking mga tauhan. Nakahabol din naman ang mga bodyguards ko at tumulong sa pagbabantay kanina sa mga opisyales.
Pagkatapos matiyak na ligtas na ang lahat ay dumeretso kami sa kapitolyo.
Mas kontrolado raw ang lugar. Plano ko sanang humiwalay na, ngunit hindi pumayag si Karik.
Ngayon ay maingat nitong nililinis ang gasgas sa hita ko.
Nang matanggal kasi ang isang takong ko kanina ay tumama ang dulo sa binti ko.
"Anong ginagawa mo rito sa Sindang?" tanong ni Karik sa akin. Napapisil ako sa balikat nito nang idikit nito ang bulak na may alcohol doon."Sorry, masakit ba?" malambing ang tinig nito. Napatitig ako sa kanyang mga mata.
"M-edyo," ani ko rito saka nagbaba nang tingin.
"Lucille, kayo ba ang target ng mga armado?" tanong nito sa akin.
"I don't know. I'm so scared." Humigpit pa ang kapit ko sa kanyang balikat.
"Don't worry, you're safe now. Nag-utos na rin naman si Governor Alejandro na mag-imbestiga sa nangyari."
"T-hank you!"
"Pwede mo na bang sagutin ang tanong ko?" ani nito sa akin.
"I'm here dahil may project kami rito sa Sindang."
"What project?" takang ani nito.
"Ah, pinadala ako ni Daddy para pamahalaan ang isang charity project. Magpapatayo ng school at hospital---"
"Wait! Lucille Riverra?" marahan akong tumango rito."Anak ka ni Anthony Riverra?" muling tango ang naging sagot ko.
"Wow! Napaaga ang dating mo, sa pagkakaalam namin ay sasalubungin ka pa ng mga opisyales ng kapitolyo sa pagdating mo. Alam mo bang malaking tulong ang pagsang-ayon ng iyong ama sa proposal---"
"P-wede bang huwag na muna nating pag-usapan? Natatakot pa rin ako sa nangyari oh!" medyo pabiro kong ani rito.
"Oh, sorry. Kaya mo bang tumayo? Hindi ka ba natapilok? Ito lang ba?" tanong nito sa akin. Marahan akong umiling dito.
"Good! Halika, puntahan muna natin si Gov."
"Hindi ba tayo makakaabala sa governor?" tanong ko rito.
"Nope, he's my cousin. For sure may oras iyon para sa akin." Sagot ni Karik na inalalayan akong makatayo. Nang makita nitong nakayapak lang ako'y bigla na lang ako nitong binuhat. Agad naman akong napakapit sa batok nito.
Buhat ako nito hanggang sa makarating ito sa office ni Alejandro. Pinagbuksan kami ng secretary n'ya saka maingat na inilapag sa couch. Umayos naman ako ng upo, ang secretary ni Alejandro ay lumapit at in-offer ang extra nitong tsinelas na agad ko namang tinanggap.
"Miss Riverra?" ani ni Alejandro. Agad akong nag-angat nang tingin dito at bahagyang ngumiti.
"Anak ni Anthony Riverra." Si Karik na lumapit at umupo sa tabi ko. Tumayo si Alejandro at seryoso ang expression ng mukha na tinungo ang katapat na couch. Umupo ito roon.
"Napaaga ang dating mo?" ani nito.
"Well, si Kimberly lang naman dapat ang pupunta rito. Pero inutusan ako ni Dad na sumama."
"Alam mo bang malaking tulong ang ipapatayo n'yong hospital at school?" sinulyapan ko si Karik.
"Mabuti naman kung gano'n." Nang sulyapan ko si Alejandro ay titig na titig ito sa akin. Seryosong-seryoso ang tabas ng kanyang mukha. Hindi ata marunong ngumiti ang lalaking ito.
"Pwede na siguro akong magtungo sa mansion ni Dad, I'm okay naman na."
"Ihahatid kita!" agad na alok ni Karik sa akin. Napalingon ako rito at agad na tumango.
"Mabuti pa nga siguro. Lalo't wala naman akong kilala rito sa Sindang. Mauuna na kami, Governor Alejandro!" inilahad ko ang kamay ko rito. Tinanggap naman nito iyon. Parang biglang lumiit ang aking kamay ng maglapat ang palad naming dalawa. Bahagya kong pinisil iyon.
Mainit ang palad nito na bahagyang kumiliti sa palad ko.
Tumayo ako kasunod si Karik.
Totoo ngang willing itong ihatid ako.
Nakasunod naman ang mga bodyguard ko, habang si Kimberly ay naiwan sa office dahil may kailangan silang pag-usapan ni Gov.
Slowly but surely. Iyon ang nasa utak ko ngayon. Habang bumabyahe kami ay pakanta-kanta si Karik na nagmamaneho.
"Madalas bang magkaroon ng barilan dito?" worried na tanong ko kay Karik.
"Hindi naman, ngayon na nga lang ulit nangyari. Baka mga tulisan."
"Dito ka na ba nakadestino?"
"Nope, umuwi lang ako dahil pyesta. Sabi ni Gov. tuloy pa rin daw ang event, sabi daw ng mayor kaya naman dadalo kami. Sama ka?"
"Pwede ba?"
"Of course! Masaya ang pyesta rito sa Sindang." Hindi ko pa naranasang dumalo sa pyesta ng Sindang kahit dito ako ipinanganak sa bayang ito. Paano ba naman kasi nakakulong lang ako sa mansion ng mga Soloren.
"Tiyak na isasama ni Gov. ang asawa n'ya."
"May asawa na si governor?" takang tanong ko rito. Tumango naman ito.
"Oo, si Coleen. Tiyak na kapag nakilala mo iyon ay makakasundo mo iyon. Mabait iyon at madaling pakisamahan." Puring-puri na ani ng lalaki. Noon pa man ay gano'n na si Coleen, mabait ito at madaling pakisamahan. Kaya siguro'y talagang paborito ito ng lahat, habang ako'y may pagkakataon na ilan sa ibang bisita sa mansion.
"Sana nga makilala ko s'ya, wala naman kasi akong kilala rito sa Sindang. Tapos magtatagal pa kami ni Kimberly."
Bahagya akong dumekwatro at binuksan ang bintana ng sasakyan.
"Lucille---"
"Call me, Luci. Iyon ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko. Para na rin maging magkaibigan tayo."
"Luci, nice! Kung magtatagal ka rito, Wala bang makaka-miss sa 'yo sa city?" tanong n'ya sa akin. Naniniguro ba ito kung may boyfriend ako or Wala?
"Wala naman. Kung si Daddy naman, tiyak na susunod iyon kung miss na n'ya ako."
"Boyfriend?" sabi ko na nga ba eh.
"Wala rin." Narinig ko itong nag-yes, tapos napapito pa na waring natuwa.
Narating namin ang mansion kung saan hindi na ako nagulat nang tumambad ang itsura.
Magarbo masyado, of course pag-aari ito ni Lady A.
Pagbaba ko'y niyaya ko ring pumasok si Karik na mukhang inasahan din namang iimbitahan ko s'ya.
"HON, AYOS KA LANG ba?" agad na salubong ko sa aking asawa ng pumasok ito ng mansion. Nakaabot sa akin ang balitang nagkaroon ng putukan sa sa parada kanina.
"Yes, I'm fine!" humalik ito sa aking noo at inakbayan ako. Nang sulyapan namin sina Lolo and Lola na nasa sala ay napangiti ang mga ito.
"Magpahinga ka muna, Alejandro. Coleen, asikasuhin mo ang iyong asawa." Mando ni Lola Hilda, alam ko naman ang responsibility ko sa asawa ko. Hindi na nito iyon kailangan pang sabihin ngunit tumango na lang ako.
"Tara na, hon. Para makapagpahinga ka." Malambing na ani ko sa aking asawa. Akbay-akbay ako nito na pumanhik kami sa ikalawang palapag ng bahay at tinungo ang silid namin nito.
Pagpasok doon ay agad kaming lumayo sa isa't isa. Parang napapaso si Alejandro na madikit sa akin na matagal ko naman nang na obserbahan.
Hindi pumapanhik dito sa ikalawang palapag ng mansion ang grandparents ko dahil na rin matanda na. Kaya naman nilang lumakad pero hindi na nila inaakyat ang ikalawang palapag ng mansion.
Pinanood ko ito habang kinakalas ang necktie nito. Inihagis lang nito iyon sa kama kaya naman lumapit ako roon at dinampot iyon. Ang mga pinaghubaran nito bago pumasok sa banyo ay kinuha ko rin.
Sobrang lamig ng pakikitungo nito sa akin. Hindi katulad noong unang pagkikita namin nito, ang grandparents ko kasama ng magulang ko ay nakipagkasundo sa magulang ni Alejandro sa isang kasal.
Ako at si Alejandro, napilitang sumang-ayon para sa mga negosyo ng dalawang pamilya.
Para kami nitong nagbabahay-bahayan. Sa silid namin ay makikita ang dalawang kama... Oo dalawa, dahil hindi kami nito nagtatabi. Simula pa noong ikinasal kami.
May mga pangangailangan ito na hindi nito kinukuha sa akin, I don't know kung mayroon bang iba. Pero napagkasunduan naming walang ibang makakaalam kung mayroon man. Iniingatan naming pareho ang aming mga pangalan.
Tiyak din na makikialam ang mga matatanda sa relasyon namin oras na lumabas ang sitwasyon ng relasyon naming dalawa.
Sa harap ng lahat, mag-asawa kami. Kinaiingitan ng mga tao sa bayan ng Sindang.
Pero heto kaming dalawa, parehong hindi alam kung may patutunguhan ba ang relasyon namin.
Wala naman sa akin problema kung walang patunguhan, basta hindi masira ang ugnayan ko sa aking pamilya.
Lumabas ito na nakatapis na lang ng towel. Bahagya akong ngumiti rito.
"Maghanda ka, isasama kita sa plaza."
"Talaga?" galak na ani ko sa asawa. Limitado pa rin ang kilos ko kahit kasal na ako at ilang taon na kaming nagsasama ni Alejandro, kontrolado pa rin ako ng Lolo't Lola ko.
"Yes." Tipid na ani nito. Masayang humakbang ako palapit dito at humalik sa pisngi nito.
"Thank you!" saka excited na tumalikod at tinungo ang walk-in closet. Para ihanap ito nang maisusuot n'ya, at para na rin makapaghanap ng pwede kong isuot sa pagtungo sa bayan.
Pumasok si Alejandro sa walk-in closet. Seryoso lang talaga ang mukha nito. Parang Modelo na sumandal sa pader at pinanood ako.
"Excited?" takang tanong nito sa akin.
"Ngayon lang ulit ako makakagala sa plaza." Honest na tugon ko rito. Saka ako lumapit at iniabot dito ang isusuot nito. Tumango naman ito at tinanggap iyon.
Nang maiwan akong mag-isa ay naghanda na rin ako.
Katatapos ko pa lang mag-ayos ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Lola. Gusto raw n'ya akong makausap. Kaya naman saglit akong nagpaalam kay Alejandro na nasa balcony para puntahan si Lola.
Tinungo ko ang paboritong tambayan ni Lola, ang garden kung saan madalas pumwesto si Lola at Lolo.
"Lola!" magiliw na ani ko sa matanda. Humalik ako sa pisngi nito saka umupo sa kaharap na upuan.
"Coleen, anong balita sa inyo ni Alejandro? Wala pa rin ba akong apo sa 'yo?"
"Lola, alam n'yo naman pong naging busy sa halalan si Alejandro."
"Hija, walang saysay ang kasal kung wala kayong magiging anak ni Alejandro. Do something para maglaan ng oras sa 'yo ang asawa mo. Do you understand?" ani nito na istriktong-istrikto ang tinig. Bahagya pa nitong iniayos ang suot na salamin.
"O-po."
"Huwag mong hintayin na ibang babae pa ang makapagbigay ng anak kay Alejandro at sa pamilya Dela Berga."
"O-po." Kabadong ani ko sa matanda. Saka bahagyang yumukod. Sumenyas ito na umalis na ako, kaya naman iyon ang agad kong ginawa.
Hindi ko alam kung ano ba talaga ako sa mansion na ito. Apo ng mga Soloren,o utusan na kailangan sumunod sa lahat ng utos nila?