Chapter 4 Knowing Allie

1976 Words
I was stuck in time, the information I've got made me weak. Ang dami kong tanong na mahirap sagutin at may iba akong nalalaman na nahihirapan akong tanggapin. Sa ilang araw na pananatili ko sa bahay ni Ate, ngayon ko lang napansin na nasa magandang lokasyon pala ang kanyang tinitirahan. Hindi crowded ang lugar, seems okay ang mga kapitbahay, di maingay tulad ng nakikita ko sa TV at mga blogs. Wait, kung gusto kong malaman ang buhay ni Ate at sa mga taong na-involve sa kanya, possible na may alam ang mga kapitbahay niya. Matagal na siyang nakatira dito, kahit naman papaano may naging kakilala siya dito o naging kaibigan. Yes, yun ang gagawin ko. Aalamin ko ang ang naging buhay niya sa mga kapitbahay. Makipagkaibigan ako sa kanila. And the only way para makilala ko sila is through food. Magluluto ako at bibigyan ko sila para may rason akong makausap sila. Dali dali akong nagluto ng snack, it's just 2pm, matatapos ako mga by 3pm. I do what I plan. Nagluto ako ng biko na di kailangan ng gata. Purple condensed milk, cream at saka evap ang ginamit ko with glutinous rice. Nilagyan ko pa ng cheese on top. It's easy to prepare. Una kong lalapitan ay ang nakausap ko dati na ginang. She seems mabait at palakaibigan. Sila din ang bahay next to us so for sure mas kilala niya ang Ate ko compared sa ibang kapitbahay dito. I knock on their door nang nasa doorstep na nila ako. "Hi Ate, good afternoon po. Ako po si Adia, yung nakausap mo last week. Kapatid ni Allie." She smiled when she recognizes me. "Nagluto kasi ako ng biko kaya lang di ko maubos, mag-isa lang kasi ako kaya dinalhan kita dito if okay lang." Friendly kong sabi sa kanya. "Ah yun ba, salamat naman Adia. Halika pasok ka muna." Sumunod ako sa kanya dala ang biko. "Ate gusto ko sanang makipagchikahan sa iyo kung okay lang. Wala kasi akong kakilala dito at walang alam sa buhay syudad, alam mo na laking probinsya. At balak ko ding maghanap ng trabaho dito." Malumanay kong wika. "Ah ganun ba. Pareho pala tayo, taga probinsya din ako. Kung may kailangan kang malaman sa mga lugar dito, wag kang mahiyang magtanong sa amin. Kung gusto mo ng kausap, lapitan mo lang ako, atleast may makakausap din ako." I'm glad siya na ang nag offer sa akin. I can talk to her anytime. "Boring kasi din minsan dito lalo na kapag nasa trabaho ang aking anak at ang kanyang asawa. Kami lang ng aking apo palagi ang naiiwan sa bahay." "Yun nga ang rason ko Ate kaya kita pinuntahan para may makausap ako. Ilang taon na kayong nakatira dito?" Segway ko sa usapan namin, di halatang I am just fishing some information. "Mga 4 years na din ako. Napunta lang ako nong ipinanganak ang aking apo. Walang maasahan ang aking anak at saka mag-isa lang din ako sa probinsya." Medyo matagal na din pala siyang naninirahan dito. For sure may nalalaman siya about sa aking kapatid. "Sa tagal mo dito Ate gaano mo kakilala ang aking kapatid? May nalalaman ka ba about sa kanya? Matagal kasi kaming nagkahiwalay at wala akong masyadong nalalaman sa kanya. Ngayon na nawala siya namimiss ko ang samahan namin." Alibay kong sabi with malungkot expression. Pero totoo naman talaga ang sinabi ko. "Ganun talaga yun kasi magkapatid kayo. Mahirap tanggapin ang pagkawala ng isang mahal sa buhay. Ako nga ilang taon na nawala ang asawa ko hanggang ngayon namimis ko parin siya." I guess she is right. It's hard to forget the one you love. "Si Allie di kami masyadong nag-uusap saka lang kapag narito sila at nagkikita sa labas. Mabait yun, katulad mo nagbibigay din yun ng pagkain." Napapangiti ako sa aking narinig. Yeah that's her, mabait na tao. "May nakikita ka bang ibang taong pumupunta dito sa bahay o nakasama niya?" "Ahm wala naman, sila lang ni Anika ang palaging magkasama. Palaging wala yun, kapag narito naman nasa balay lang sila nagtatambay. Ang alam ko palaging nasa ibang lugar si Allie dahil sa trabaho at si Anika ay isang sekretarya ng isang malaking korporasyon. Kaya busy pareho." Tumatango lang ako para ipakita na sumasang-ayon ako sa kanyang sinasabi. "Ibig sabihin wala kang nakikitang bumibisita sa kanya na nanliligaw or di kaya'y kasintahan? Baka kasi may biglang dumating at di ko kilala." "Minsan may nakikita akong magarang sasakyan na naghahatid sa Ate mo. Siguro manliligaw kasi magandang babae ang Ate mo katulad mo." I am curious kung sino ang lalaking yun. "Nakikita mo ba ang mukha nila kapag narito sa lugar? Madiscribe mo ba sa akin Ate para naman may hint ako na siya yun." "Hindi eh, gabi na kung dumadating sila at di naman nagtatagal. Minsan parang hinahatid lang si Allie. May mga bodyguards pang kasama at halos di sya nakikita. Tingin ko nga kilalang tao yun kasi kung guwardiyahan ng mga kasama ay parang mahalagang tao." Nanlumo ako kasi parang wala akong makuhang magandang information kay Ate. What I only understand is lalaking mayaman at kilala dahil sa magarang sasakyan. "Ano ang masasabi mo sa samahan ni Ate at ni Anika? Kailan ba naririnig mo silang nag-aaway?" "Ang masasabi ko lang ay close silang dalawa. Magkasama halos lahat ng oras kapag narito, naggogrocery, nag-exercise at minsan out of town trip. Parang matagal na silang magkakilala." So walang problema sa samahan nila ni Anika. Umuwi akong parang lata, I was expecting too much na may malalaman pero wala akong nakuha. Kinaumagahan I decided na maggrocery muna para stock dito sa bahay. Di ko poproblemahin ang pera kahit matagal akong magstay sa Manila. I have access sa ATM ni Ate at malaki ang ipon niya. I was scanning some items sa grocery ng biglang may bumangga sa akin, muntik pa akong ma out balance sa lakas ng impact. Buti nalang somebody had pulled me right away. "It's okay, I got you;" saad ng baritong boses, lalaking laki ang tuno. Tiningnan ko ang may-ari ng boses. I was stunned for a second kasi gwapo ang lalaking nasa aking harapan. Mukha siyang mestiso, parang Hollywood actor. "Are you okay? Are you hurt somewhere?" Saad pa niya as he scan my body. Bigla akong natauhan kasi matagal ko pala siyang tinitigan. Napahiya tuloy ako. Saka ko naalala na may bumangga pala sa akin. "Next time be careful man. She almost hit on the ground." Pinagalitan niya ang isang lalaki na nasa aking likuran. "I'm sorry Miss di ko sinasadya. Nagmamadali lang kasi ako." Ahh siya pala ang bumangga sa akin. "It's okay Kuya, no worries." I give him smile para ipakita na okay lang talaga. He looks scared sa lalaking sumita. "You forgive him just like that? You almost got into an accident." Nakakunot ang noo niya sa akin. He looks intimidating. Kaya pala natakot ang lalaking bumangga sa akin. "There's no reason para magalit pa ako. He looks apologetic. Wala naman sigurong taong gustong manakit ng di sinasadya at ayaw kong palakihin ang gulo. Kaya okay lang;" saad ko sa gwapong lalaki and continued looking sa aking mga bibilhin. Ayaw kong ipakita na apektado ako sa pagkalapit namin kanina. I may look as stupid dahil napatulala pa ako sa kanyang harapan. "Hmm, you seems nice. I hope all people are like you. Doesn't dwell on small things and let it passed." Wika pa niya. Foreigner ata itong kausap ko kasi kanina pa nag-eenglish pero naintindihan niya nong nagsalita ako ng Tagalog. I look at him again at nginitian siya. "Thank you pala sa pagsagip sa akin." Muntik ko ng makalimutan na magpasalamat dahil na iinganyo akong tingnan ang kanyang mata na namumugay. Parang nanghihigop ng kaluluwa kung makatingin. "It's my pleasure to help you." Wika pa niya at tiningnan ang aking pinamili. I resume on my grocery baka isipin pa niya nagpapacute ako. Kailangan kong ibangon ang aking dignidad. A man like him for sure maraming nagpapansin. "Thank you ulit;" sabi ko sabay alis na lane na yun at dumiretso sa may vegetables area. Bumuga ako ng hangin to release the air ng nasa malayo na ako. "Hay para akong teenager na nakakita ng crush dun. Nakakahiya ang ginawa ko." But i can't help to smile, ang gwapo talaga nya. Pero sinaway ko ang sarili. I am here para sa aking misyon at di para makipaglandian. It will only distract me. Kinabukasan I decide na magjogging sa loob ng subdivision para makilatis mo ang buong lugar. It's just 5 in the morning kaya mahimik pa ang kabahayan. Saka ko nalaman na may malaking park para dito at may mga pang exercise na equipment pang nakalagay for free gamitin at may pang kids na playground sa kabilang area. I just jog around the oval lane ng may nakita akong familiar na lalaki. Siya yun ang lalaking aking nakausap sa grocery store kahapon. He runs so fast at mukhang kanina pa siya rito kasi he is sweating a lot. When he almost reach towards my direction tumalikod ako agad at umaksyon na aayusin ang aking shoelace para di niya ako makita. Nang lumampas na siya sa akin saka ako tumayo. Para akong may tinataguan. Bakit ba siya narito, ibig sabihin dito siya na subdivision nakatira? I plan pa naman na palaging mag exercise dito. I'm on the way para umalis at babalik sa bahay when somebody called me. "Hey miss" kaya napapalingon ako to know kung ako ba ang kinakausap. Pero napapalaki ang aking mga mata upon knowing na ang lalaking yun ang tumawag sa akin. "It's really you. I thought I was just imagining. I can't believe I see you again." He looks happy talking. Does he talks to me? Para na ata akong timang since we met. "Huh are your talking on me?" Decide ko tanong para makasigurado and I am not just assuming. "Yeah, it's you kahapon right? I remembered you" "Ah yes it's me." Alanganin kong sabi. Hiyang-hiya na ako kahapon, nadagdagan pa. "Hey I'm Miles. What's your name?" Sabay lahad ng kamay sa akin. "I'm Adia." Tipid kong sagot at tinanggap ang pakipagkamay niya. His hands are so soft parang di sanay sa trabaho. Mas may kalyo pa ang aking kamay. "You are new here kasi halos kilala ko ang mga tao dito at ngayon lang kita nakita. Dito karin nakatira?" Napanganga lang ako kasi marunong pala siyang magtagalog, akala ko sasakit akong ulo ko sa kaeenglish. "Marunong ka palang magtagalog." Alanganin kong sabi. "Ah yes I was born here. So where do you live?" "Diyan lang sa may Lion Street." "Are you sure coz I also live in that street too. Maybe we are just neighbors." Nakangiti pa niyang saad at sobrang puti pa ng ngipin. Parang pang commercial ang dating. Oh wait does he says neighbors. Oh wow ang pagkakataon naman. Kung nakatira sya sa street namin at matagal na siya dito, he might know my Ate. "Sa may lot 25 ako. Alvarez Residence." "Oh you're just 3 house away from me. Montecarlo Residence ako, the two storey house in our block." Yeah familiar sa akin yun kasi yun ang una kong napansin nong napunta ako sa lugar na ito at kahapon. Siya lang ang may 2 storey house sa linya namin at ang pinakamagandang design na iba sa lahat. "Do you live at Allie's House? Coz you look alike some in some ways." Napapalaki ang aking mga mata. He knows my Ate. "Kilala mo ang Ate ko?" "Sort of coz we share some gig. Minsan magkasama kami sa project as a model but I am not a full time model. I just knew her as a colleague at nakikita ko siya minsan dito kapag andito ako." I am happy sa bagong nalalaman. Miles can help me baka may alam siya sa buhay ni Ate since parehong sila ng linya ng trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD