Chapter 1 The Letter
"Kapatid ko, by the time na mabasa mo ang sulat na ito, siguro wala na ako. Patawad Adia di ko na matutupad ang aking pangako na kukunin kita diyan at magsasama tayong dalawa. Pacensya na naging mahina si Ate at di kinaya ang sakit at problemang kinasasangkutan."
"Mas nakakabuti sayo kung mananatili ka nalang sa atin. Huwag mo ng pangarapin ang Manila. Living in the city is hard, full of hardship and cruelty. Mas panatag ang loob ko na manatili ka na lang sa probinsya. I love you kapatid, hanggang dito nalang ang Ate."
"PS: Live your life Adia, don't look back and forget about me."
Nagmamahal Allie
Kahit ilang beses ko pang basahin ang sulat na ito, di na magbabago ang aking desisyon. Kailangan kong ipaghihiganti ang aking kapatid, through that saka lang ako matatahimik.
"Ate, bakit di mo ako nahintay? Bakit wala kang sinabi sakin sa mga sakit na iyong pinagdaanan? I could have been there for you. Kapatid mo ako, magkaramay tayo tulad ng sabi mo sa akin noon na walang iwanan at walang sekreto. Bakit iniwan mo ako ngayon?" Panaghoy kong iyak sa mga larawan niya na nasa aking harapan.
Then I remembered the person behind this. My blood boiled with hatred, and my hands shook with anger.
"Magbabayad ka Andrew Willard. Hahanapin kita kahit saan ka man magtago. Kahit gaano ka pa kayaman at makapangyarihan. Ipaghihiganti ko ang aking kapatid sa anumang paraan. You will pay the price for hurting her. I will devote my life seeking for justice at pangako malapit na yan." Taimtim kong saad as I bring back the memories of the past.
Nag-iisa ko siyang kapatid, mas matatag pa sa bato ang aming samahan. Magkasangga sa lahat ng bagay. Siya ang aking naging kanlungan. Kaya paano ko kakalimutan nalang ang kanyang pagkawala?
We grow up together. Maaga kaming naulila. She works hard for us kahit sa mura niyang idad. 7 years ang age gap namin. Di niya ako pinabayaan. Naging ama at ina ko siya habang lumalaki. I witness kong paano siya naghirap para lang kami mabuhay.
I was 5 when we lost our parents and home dahil sa sunog. Sinadya yun, may sumunog sa amin. Mabuti nalang narescue kami ng mga kapitbahay pero sa kasamaang palad patay naman ang aming mga magulang. Walang natira sa amin.
Dahil sa murang gulang, walang alam sa batas, walang guardian na mag-guide sa amin at walang pera kaya nanatiling palaisipan ang pagkamatay ng aming mga magulang.
Since that day we became an orphan. Nakikitira at nakikikain kahit saan saan. Naging palaboy sa daan. Naging alila ng iba para lang mabuhay hanggang napunta kami sa isang orphanage dahil may nagmamagandang loob na ihatid kami dun. Sa ampunan daw kami dapat at hindi sa daan.
Mahigpit ang pamamalakad sa loob ng orphanage. Di basta basta ang aming pinagdaanan sa loob ng dalawang taong pananatili dun. Minsan pinagmamalupitan pa kami kaya sa katagalan nakapagdesisyon si Ate na tumakas kami lalo na't nababalitaan niya na ang mga bata dun inaampon.
Ayaw ni Ate na magkahiwalay kami, di namin kayang mabuhay na di magkasama. Nangako siya sa aking mga magulang na aalagaan niya ako. Kaya lang mahirap kung isasama niya ako. Di namin tiyak ang magiging buhay sa Manila na walang kakilala.
"Ate dito nalang muna ako sa orphanage, wala kang pera eh. Paano tayo mabubuhay dun? Wala din tayong mapupuntahan, saan tayo makikitira?" Yun ang sabi ko sa kanya ng makapagdesisyon na siya na sasama sa grupo na aalis.
"Yan din ang iniisip ko bunso. Walang kasiguraduhan ang magiging buhay natin dun baka mas mapahamak ka pa. Atleast dito may pagkain at matitirahan ka. Wag kang mag-alala kukunin kita agad, babalikan kita dito kapag may tiyak na tayong mapupuntahan dun at tiyak na ang ating buhay dun. Pangako yan, magsasama tayong muli."
Mahigpit ang yakapan naming dalawa habang nag-iiyakan. Ito ang una naming paghihiwalay. Ayaw man namin pero kinakailangan. Ayaw niyang habang buhay kami sa lugar na ito.
Malakas ang aking paniniwala na babalikan niya ako agad. Mahal ako ng Ate ko, wala pa siyang pangako na di tinupad at lahat ng kanyang ginagawa ako ang una niyang iniisip.
Sa gabing yun umalis si Ate kasama ng ibang kasamahan namin na tumakas. Pero di ko akalain na yun pala ang huling pagkikita at pag-uusap namin sa panahon na yun kasi di na siya nakabalik.
Araw araw akong naghihintay sa kanyang pagdating. Naghihintay kung may sulat na padala o di kaya may makapagsabi kung nasaan na siya at okay lang ba siya dun sa Maynila.
Sa paglipas ng mga buwan di ako nawalan ng pag-asa na isang araw darating siya para kunin ako. Mataas ang aking pagtingin sa aking Ate. Tutupad siya sa kanyang pangako.
Pero sa mga panahon na yun walang sulat ang dumating, walang balita at wala akong alam sa nangyari sa kanya.
Hanggang sa may umampon sa akin. Napipilitan akong sumama kasi gusto ko ng makawala sa orphanage at baka darating ang panahon na makikita ko si Ate at matutulungan ako ng mga taong umampon sa akin.
Naging maganda ang aking buhay sa bago kong pamilya. Mabait sila at alam nila ang aking mithiin na gusto kong makitang muli si Ate.
Halos taon taon kaming bumabalik sa ampunan para alamin kung may balita ba kay Ate o baka bumalik siya dun para alamin kung nasaan ako. Nagbilin pa kami ng address sa bago kong tirahan. Pero katulad ng dati walang balita, di siya napuntang muli dun para balikan ako.
Di ko iniisip na kinalimutan na niya ako. Alam kong di gagawin ng Ate ko yun. Mas kinatatakutan ko na baka di niya kinaya ang buhay Maynila. Baka may nangyari na di maganda sa kanya.
After few years I almost lost hope na makita ko pa siya o di kaya may balita ako sa kanya. Ilang taon pa ang lumipas bumalik akong muli sa orphanage para makikibalita pero wala, umuwi akong bigo.
Until 3 years ago may dumating sa amin na sulat. At last, after how many years of being apart and waiting I finally had news regarding her situation. I can't explain my feeling na para bang ang kaisa isang kong pangarap ay natupad na. Yan ay ang makabalita tungkol sa aking kapatid at sana makita siyang muli.
She wrote me a letter, detailing sa lahat ng nangyari sa kanya at ang rason kung bakit di siya agad nakabalik sa probinsya. Di pala basta basta ang kanyang pinagdaanan. I felt sad for her dahil ang dami niyang paghihirap na naranasan.
We keep on writing as our way of communication. Graduation ko nun sa senior high ng dumating siya sa bahay. She really did surprise me. Yun ang pinakamasayang araw ko. At last, I finally see my Ate.
We talk a lot. Gusto niya anong isama kaya lang nahihiya ako sa umampon sa akin. Mabait sila sa akin, tinuring na tunay na anak. Ayaw ko rin na basta ko nalang sila iwanan after nila ako binihisan at inalis sa ampunan.
Me and Ate made a deal na sasama ako sa kanya after I graduated college. Sa Manila ako maghahanap ng trabaho. Atleast I had enough time to spend with my parents at may rason ako kung bakit ako aalis sa poder nila.
Maganda na ang buhay ni Ate sa Manila. She has her own house. Magandang trabaho. Each day I am excited na darating ang time na makatapos ng pag-aaral at makarating ng Maynila.
Pero di ko akalain na pagkatapos kong makapag aral. I am ready sa aming plano iba ang sumalubong sa akin na balita.
My Ate, ang taong pinakamimithi kong makasama, ang taong pinakamamahal ko ay wala na. Paano yun nangyari? It's unfair diba kung kailan ready na ako. Kung kailan all are good, wala ng problema saka ito nangyari.
I was shocked when I received the telegram, stating that she was dead. Ni hindi man lang niya ako nahintay. Wala na siya, sulat nalang ang aking nababasa.
I feel my world collapse when I read the message. How did it happened? Bakit? Ni hindi ko siya nakita before siya nawala. Ni di ko man lang narinig ang kanyang boses. Wala akong alam sa tunay na nangyari.
"Anak, aalis ka ba talaga? Sabi ng Ate mo wag ka ng tumuloy dun. Mapanganib ang syudad anak. Dito ka nalang sa atin. Dito ka na maghahanap ng trabaho." Pakiusap ni Mama sa akin.
"Ma, di ako matatahimik kung di ko malalaman ang totoo. Di pwede na ganun nalang. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na magkasama kaming muli tapos ito ang nangyari?" Hysterical kong saad sa Mama ko.
"Wala akong nagawa para sa aking mga magulang noon. Di sila nabigyan ng hustisya. Di ako makakapayag na ganun rin ang mangyayari sa aking nag-iisang kapatid. Kaya patawad Mama, di mo na mababago ang aking desisyon." Malungkot kong sabi, humihingi ng pag-unawa.
"Hahanapin ko ang may sala, ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay at ang buong katotohanan. Di ako makakapayag na mabaliwala ang kanyang buhay." Determinado ko pang sabi.
"Pero Anak, delikado ang Manila. Di ka sanay sa buhay dun. Natatakot ako Anak." Naintindihan ko ang takot ng aking Mama.
"Manalig ka sa akin Mama. Maraming salamat sa mga binigay nyo na opportunity sa akin. Habang buhay kong tatanawin na utang na loob yun. Hayaan nyo kapag nabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ni Ate babalik ako dito sa atin. Magtiwala lang kayo sa akin."
"Kung desidido ka na talaga, sige susuportahan ka namin ng Papa mo. Basta mag-iingat ka lang dun. Mahal ka namin bilang Anak." I am thankful sa kanila. Naging maganda ang buhay ko simula ng inampon nila ako.
Kahit kailan di ko mapapatawad ang taong may gawa nito. Di ako naniniwala na ordinaryong pagpapakamatay lang ang case. There's a story behind this at yan ang aalamin ko. I will avenge my sister's death kahit saan pa kami makakarating at kahit sa anong paraan. I will live my life on this revenge.