I started searching for the name Andrew Willard sa social media pero walang lumalabas na information or balita tungkol sa kanya. I tried different platform still nothing came up.
I googled his name pero ang lumabas ay isang biography ng isang business tycoon at walang picture na makikita, other than that wala ng balita tungkol sa kanya.
Nagdadalawang isip akong basahin ang article na nasa goggle kasi this man is a businessman. Ang aking hinahanap ay isang ordinaryong tao na ka level nila Ate.
But I still read on his biography. It says na anak pala siya ng isang kilalang businessman ng bansa na si Ancent Willard, an American origin tycoon na may maraming investment dito sa Pinas at nakapag-asawa ng Pinay.
And now ipinapasa na niya sa anak na si Andrew ang pamamahala sa mga negosyo as his heir kasi nagretiro na si Mr Willard. Andrew was born in the Philippines pero lumaki sa US. That made him a half Filipino and half American.
He is a rising business mugol, acquiring more businesses since he taken over the family business. His name is well respected in business industry with a lot of awards and recognition.
Business magazine name him as the ruthless young businessman coz he runs the business with tyranny and operated his own business at the age of 15.
His identity was kept hidden since birth and wants to live in a low profile. Doesn't attend any social gathering and do his business away from the camera.
Ah kaya pala walang pictures na lumalabas sa kanyang biography. I am sure di ito ang Andrew na hinahanap ko. Siguro kapangalan lang kasi knowing his status, isang mayaman at di basta basta.
I keep searching on that name again, I even use nick name as reference pero wala. I see nothing. This Andrew guy is a mystery to me. Halos lahat ngayon ay may social media account, impossible na ang taong ito walang account maski isa.
I search on Anika's account sa social media. Siya lang ang makapagsabi sa akin sa identity ni Andrew, for sure may alam siya.
Good thing nakita ko ang account niya, I'm sure si Anika ito kasi may picture pa sila ni Ate na nakapost kahit almost a year ng nakalipas.
I send her a message.
"Hi Anika, this is Adia the sister of Allie your friend. Narito ako ngayon sa bahay niya in Manila. I was wondering bakit wala ka dito. My sister told me before na magkahousemate kayo." Pakilala ko sa kanya, hoping that she would reply. After a day she responded to me.
"Hi Adie, it's good to hear from you. I remembered you from your sister's word. I'm so sorry for your lost. Wala na ako diyan nakatira kasi nasa US ako ngayon. I am taking care my love one who got sick." My sister Allie use to call me Adie instead of Adia. For sure they are really friends.
As I read her offline message I felt down kasi baka wala siyang alam sa bagong nangyari sa Ate ko kung di na sila magkasama recently. Pero baka may alam din siya kasi magkaibigan sila at alam niya na patay na si Ate.
I decided to ask her again. Any small information will help on my search.
"Anika, to tell you honestly I am puzzled sa nangyayari sa kapatid ko. I am here in Manila to know the truth. Bakit siya nagpakamatay at sa anong dahilan? Do you have an idea Anika? Please tell me. Di ako matatahimik hangga't di ko malalaman ang totoo."
Sent ko uli sa message. I will wait sa kanyang response. As of I now I will use any resources para lang may malaman.
After 5 hours I received a response from her.
"I am sorry Adie. Maski ako di makapaniwala na nagawa niya yun. But really wala akong alam sa nangyari at ang rason niya." Nanlumo ako sa aking nabasa. I have high hopes na may malaman ako kahit kaunting information.
I remembered Andrew kaya tinanong ko ito sa kanya. Ate might share her story with her about that guy.
"Do you happen to know who is this Andrew Willard? May nabasa akong sulat ni Ate about Andrew. May relasyon ba sila? Mukhang galit si Ate sa kanya. Tell me kung sino ang Andrew na ito at saan ko siya makikita, Anika."
If I need to beg for someone just to get any information na makatulong sa aking pag-iimbestiga gagawin ko.
"Adie, mas mabuting kalimutan mo nalang yan. If your Ate said na kalimutan mo ang nangyari at sa probinsya ka lang, sundin mo nalang siya. She knows better Adie, ayaw ka lang niyang mapahamak."
What does she meant by that? That sounds intriguing. I wanted to call Anika through video call to clarify her statement kaya lang she is offline. Di ko sya mataymingan when she's online kahit palagi akong online.
Bakit ganito magsalita si Anika? May alam ba siya?
"No Anika, I can't do that, so please tell me. Who is this Andrew guy? Anong connection niya sa pagkamatay ng aking kapatid? Di ako pwedeng manahimik nalang. Kahit di mo ako tulungan Anika, I will find the truth myself. Hahanapin ko ang Andrew na yan at pagbabayarin siya sa ginawa niya sa Ate ko."
This makes me frustrated. Klaro na may alam siya pero ayaw niyang magsalita. Bakit? What keeps her silent? May kinatatakutan ba siya?
"You don't know the whole story Adie. Learn to let go and move on. Masasaktan ka lang kapag pinilit mong alamin ang lahat." Simpling sagot ni Anika.
Mas lalo akong naiinis sa taong ito. Anong klase siyang kaibigan na pabayaan nalang na ganun ang nangyari sa kanyang kaibigan? I deserve to know the truth. I can't sleep thinking of this already.
"Yeah, I may not know anything kaya aalamin ko. Either you will help me or not, hahanapin ko ang Andrew na yan at pananagutin sa nangyayari sa Ate ko. Kapatid ko yun Anika, how can you expect me na manahimik na lang?"
Last message ko kay Anika. It's useless to keep communicating with her kung ayaw niyang makipagcooperate. Wala siyang kwentang kaibigan.
Base sa aking pag-intindi may relasyon si Ate at ang Andrew na yun at sinaktan niya si Ate kaya nagpapakamatay siya.
Ang tanong saan ko siya mahahanap? If Anika will not help me to dispose his identity, mahihirapan akong tukuyin ang pagkatao niya. Where do I start searching for his whereabouts?
"Dear Lord, help me to find the truth. Lead me to the man I am searching for. Give me hints kung saan ako magsisimula." Usal kong dasal sa taas.
Who are you Andrew? Anong secreto mo? Anong involvement mo sa pagpapakamatay ng kapatid ko?