Chapter 2 The Search

1805 Words
Simula nong napunta ako dito sa bahay ni Ate, di na ako tumigil sa pagsisiyasat. I keep on searching anything na makapagturo o makapagbigay ng hint sa tunay na nangyari sa kanya. Wala akong alam sa buhay niya dito sa Manila kundi kung ano ang naging trabaho niya at kung sino ang kanyang kasama. Pilit kong inaalala ang mga usapan namin noong bagong kita pa lang namin baka dun ako makakuha ng clue about sa mga nangyayari sa kanyang buhay. "Adia, maganda na ang buhay ko dun sa Manila. May ipon na ako, may sariling bahay na tinitirahan. Kapag sumama ka sa akin ngayon wala na tayong poproblemahin pa. Ako ang magpapaaral sayo." Masigla niyang sabi sa akin pero ako'y nag-aalangan kasi paano na ang bago kung pamilya? I am sure masa-shock sila sa maging desisyon ko. Ayaw ko naman na ganun nalang ang gagawin ko sa kanila. Mahal ko na rin sila bilang mga magulang. "Ate, matagal ko ng pangarap na magkasama tayo. Pero ayaw ko rin masaktan sila Papa at Mama at mabigla sa aking pag-alis. Naging mabuti sila sa akin, tinuring na tunay na anak. Pangarap din nila na makapagtapos ako ng pag-aaral." Paliwanag ko sa kanya sa aking sitwasyon. Kahit yan man lang ang maisukli ko sa kabaitan ng umampon sa akin. "Siguro Ate saka nalang ako sasama sayo pagkagraduate ko ng college. Siguro maintindihan na nila kung sa Maynila ako maghahanap ng trabaho." Mahina ko wika kay Ate. "Sigurado ka na ba bunso na ayaw mong sumama ngayon sa akin?" Tumango ako na may alanganing ngiti. "Sige kung yan ang desisyon mo, rerespetuhin ko yun. Hihintayin kitang makatapos sa pag-aaral mo." Masaya ako na maintindihan niya ang aking kalagayan. "Ano ba ang trabaho mo dun Ate? Bakit sabi mo malaki na ang ipon mo?" Usisa ko pa, sabik akong malaman ang naging buhay niya pagkatapos namin magkahiwalay. "Isa na akong modelo bunso. Malaki na ang kita ko. Kaya kapag anduon kana, magreresign na ako sa trabaho at magtatayo nalang ng negosyo at tutulungan mo ako." Inform pa niya sa kanyang plano. "Magandang plano yan Ate, susuportahan kita. Sino ang kasama mo ngayon sa bahay, ikaw lang mag-isa?" Malungkot mag-isa, ayaw ko naman na mag-isa lang siya. "Hindi may kaibigan ako na kashare ko sa gastusin sa bahay, si Anika. Mabait yun magugustuhan mo sya panigurado." Masayang sabi pa niya. Yun ang naging usapan namin noon at naalala ko yun. Yeah, si Anika ang makapagturo at makapagsabi sa akin sa nangyari sa Ate ko. Siya ang may alam dahil matagal na silang magkaibigan. I search for her number sa aking phone. May number ako sa kanya kasi nakausap ko na siya dati. But when I dialed her number, the phone was out of coverage. Bigla akong nadismaya. "Baka nagbago na nang phone number," ukilkil ng aking isipan. Pero ang ipinagtataka ko kasi ang sabi ni Ate magkahousemate sila, pero bakit wala siya ng dumating ako? At hanggang ngayon di pa siya dumating, ilang araw na ako dito sa bahay. "Baka umuwi na si Anika sa kanila ng namatay si Ate." Rason uli ng aking isipan. Naalala ko pa nong umalis ako sa probinsya wala akong alam sa lugar na pupuntahan. May takot man pero mas nanaig ang kagustuhan na alamin ang tunay na nangyari sa aking kapatid. Kaya naglakas loob akong bumiyahe. Sumakay ako ng bus pa Manila, mahigit isang araw din ang byahe sa sobrang layo. Nang makarating sa terminal nagpahatid ako sa taxi sa address na binigay ni Ate noon at key ng bahay. Buti nalang mabait ang driver alam ang bawat sulok ng Manila. Nakatira sa isang subdivision si Ate. I remembered that day. It was Sunday afternoon. Nang sinabi ng driver na yun na nasa lugar na kami, nag-alangan pa akong pumanaog, baka hindi yun ang bahay ni Ate. Naglakas loob akong magtanong sa kapitbahay. "Oo yan ang bahay ni Allie kaya lang di ko na siya nakikita eh, matagal na. Kaano ano mo ba siya, Miss?" Yun ang tanong ng ginang na kapitbahay niya. "Kapatid niya ako, galing probinsya. Wala na ang Ate ko patay na. Kaya narito ako para asikasuhin ang mga bagay na binilin niya sa akin." "Ah ganun ba? Condolence Miss, wala na pala si Allie. Kaya pala medyo mahina siya nong nakita ko dati." May panlulumong saad ng kapitbahay. Bakit walang alam ang kapitbahay niya na patay na ang Ate ko? Ganito ba ang Maynila, walang pakialam ang mga magkapitbahay? Siguro nga tama ang sabi nila na malaki ang kaibahan ng probinsiya at syudad. Sa probinsya halos magkakilala ang lahat kahit ilang milya pa ang pagitan ng mga bahay. Nang makapasok sa bahay di ako nagkakamali na bahay nga niya ito dahil may picture pa niya sa wall na malaki. Ang ganda niya tingnan sa larawan na yun, nakangiti pa. Sino ang mag-akala na nagpapakamatay ang isang katulad niya? She is so beautiful and gorgeous. Di ko lubos maisip na gagawin niya yun. Malakas at matibay si Ate kaya alam kong may foul play sa kanyang pagkamatay. Bumalik ang isipan ko sa kasalukuyan. I keep digging on her files. Narito ako sa kanyang room. Maganda ang desisyon ng kanyang kwarto, malaki ito pati na ang kama. It was well arranged, lahat ng gamit nasa tamang lagayan, pati damit. Parang planado na ang kanyang pagkamatay. Di ko lang alam kung saan siya nagpakamatay at sa anong paraan dahil hindi nakaindicate sa sulat. Sa aking paghahalungkat at pagmamasid may nakita akong maliit na box sa ilalim ng kama niya. I pulled it out. Nakacode para ito mabuksan. I tried her birthday combination pero di nabuksan. I tried my birthday at bumukas ito. Bigla akong kinabahan. Alam kong may makukuha akong clue sa box na ito. I scan all the files inside. May mga sulat para sa akin at it was dated long time ago, para itong mga sulat na gusto niyang ipadala pero di naipadala. I read them all at naiiyak ako sa nabasa. It was like she was telling me her story back then. Gaya ng sabi niya noon na di maganda ang sinapit niya dito pero di akalain na mas malupit pa pala ang naging buhay nya. She experienced namamalimos sa daan, kumakain ng basura para lang maibsan ang gutom. Nandudukot sa lansangan dahil iyon ang utos ng amo nila. Kaya pala di siya nakabalik agad sa ampunan. She experienced working as a waitress sa isang club sa murang gulang, naging club dancer kalaunan at naging prostitute sa ibang kliyente para lang makalikom ng pera para makuha ako. I didn't expect na ganun pala ang sinapit niya, nakakapanlumo. I was living a good life ng naampun ako while my sister was living horrible life dito sa Manila. Yun ang mas nagpapasakit ng aking kalooban. She does it all para sa akin, para magkapera. After ko nabasa lahat para akong nawalan ng lakas. Parang di ko na kayang malaman ang ibang sinapit niya, sobrang masakit. "Ate bakit nilihim mo ito lahat sa akin? Akala ko di ganun ka grabe ang pinagdaanan mo gaya ng sabi mo sa akin. Ayaw mo lang ba akong masaktan kaya mo ito itinago?" It was in her letter na gusto niyang ipadala ang sulat na yun sa akin pero di niya ipinadala kasi ayaw niyang mag-alala ako. Sa buong panahon noon na naghihintay ako ng sulat na minsan nagtatampo na kasi walang dumadating yun pala di niya ipinadala. I sleep early after that, parang di ko na kayang buksan pa ang box na yun. After few days, binuksan ko uli ang kahon. Kung gusto kong malaman ang katutuhanan, kailangan kong basahin lahat kahit masakit pa baka dun ko makukuha ang aking kailangan. That was her secret, her life story na nakatago. May makukuha ako dun na maglilink sa pagpapakamatay niya. I continued reading the files. Nakapagtapos pala siya ng pag-aaral. Then I stumbled into a letter addressing to someone else, to a man named Andrew Willard. "I hate you, Andrew Willard. You hurt me at di kita mapapatawad. Kinasusuklaman kita, kinuha mo na ang lahat sa akin." Napanganga ako sa aking nabasa. Who is Andrew sa buhay ni Ate? Is this her boyfriend? Wala siyang sinabi sa akin about him. When I asked before about her personal life palagi niyang nililihis ang usapan. Parang ayaw niyang pag-usapan. I need to know who this man is and how he is connected to my sister. This letter fuels my desire to know more, so I keep searching. May nakita na naman akong nakasulat sa kanyang notebook in bold letter na para siyang galit siya habang nagsusulat kasi parang napudpud pa ang pencil na ginamit kasi may ibang stroke na naputol. "I curse you to death Andrew Willard. Magbabayad ka sa sakit na idinulot mo sa akin. Di kita kailanman mapapatawad." Base sa sulat sinaktan ni Andrew ang Ate ko. Siya ba ang dahilan kung bakit nagpapakamatay si Ate? Bakit? Naguguluhan parin ako sa nangyayari. "Anong connection mo Andrew sa buhay ng kapatid ko? Ano ang ginawa mo sa kanya?" Di ko mapigilang isambulat ang nasa aking isipan. Then I saw a small card sa isang maliit na envelope. To A "I love you Mahal ko. You're the best thing that happen to me. Tandaan mo mahal na mahal kita. Kahit anong mangyayari ipaglalaban kita, ipaglalaban ko ang pagmamahalan natin." From A Base sa penmanship ng sulat, galing yun kay Ate. Is this letter to Andrew? Lahat ng nababasa kong letter ay walang date, kaya di ko matantiya kung bago ba yun or matagal na. I keep on looking kung may iba pa akong makikita pero wala na. Yun na lahat ng sulat. Nanlulumo ako kasi parang kulang ang information na aking nalalaman. Pero parang may idea na ako na nangyayari. I close the notes at binalik na box katulad kung paano ko ito nakita at binalik sa dating lagayan. I need to research who is this Andrew guy. Si Anika lang makapagsabi sa about this man but I can't contact her. Bumalik ako sa aking kwarto to get my laptop para i-search this Andrew Willard sa social media, baka may malalaman ako sa pagkatao niya. As I take my laptop may nahulog na magazine galing sa nightstand table. Kinuha ko ito para ibalik sa lagayan but may isang papel nahulog galing dun. I was curious kasi parang isang sulat. "Dear Mahal ko, tago man ang ating relasyon pero masaya ako na sa wakas sinuklian mo na ang aking damdamin. Di na one sided ang ating relasyon. Sana darating ang panahon na kaya na nating ipagsigawan ang ating pagmamahalan. Just hang on, kaya natin to." Sulat kamay parin niya Ate addressing to A. Ngayon sigurado na ako may relasyon si Andrew at si Ate pero di ko parin masigurado ang dahilan kung bakit nagpapakamatay si Ate. Sinaktan ba siya ni Andrew?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD