"Good Morning Kuya! Good Morning Mam Jona!"
"Good Morning! Aba Andeng parang saya saya natin today ah! " Grabe ang amazement ni Mam Jona dahil sa energetic na pagbati ko kinabukasan. Nung mga nakaraang araw kasi ay halata daw ang pagiging balisa ko. Aba'y siyempre! Sinong hindi gagaan ang pakiramdam kung okay na kayo ng boss mo. Pakiramdam ko ay malaking batong nakapasan sa akin ang nawala sa likod ko pagkatapos naming magkausap ni Sir Jacob kagabi. Malaking kabawasan sa mga alalahanin ko ang malaman na hindi siya galit sa akin at nagawa pa akong ipagtanggol sa matandang kliyente na iyon.
"Good Morning Sir.!" Bati ko kaagad kay Sir Jacob nang pumasok siya sa pinto habang nagkukwentuhan kami ni Mam Jona. Maaga pa kasi nun at kami pa lang ang dumarating ni Mam Jona. Nakasanayan kong pumasok ng 30 minutes or 1 hour ahead sa aking official time in dahil ayokong nalelate at naiipit sa traffic.
Tila nagulat pa si Sir sa bati ko sa kanya at biglang napatingin sa amin. Dati-rati kasi ay malamig ang sagot nito sa akin kapag binabati ako sa umaga at dirediretso lang sa opisina niya. Ngayon ay may konting ngiti na.
"Good Morning Andrea. Good Morning Jona." Sagot nito at dumirecho na sa opisina.
Nang makatalikod na si Sir ay humarap sa akin si Mam Jona na nanlalaki ang mata.
"Pati yata si Boss maganda ang gising. Hindi ka sinungitan oh!" Biro nito. Napangiti na lamang ako.
Sa mga sumunod pang araw ay naging magaan na ang pakiramdam ko. Pati ang atmosphere kapag nandiyan si Sir Jacob ay magaan na din. Hindi na niya ako sinusungitan.Bagaman hindi kami close katulad ng closeness niya sa ibang kasamahan ko ay okay na din yun sa akin. At least he's not yelling at me anymore.
"Guys, we have an approved Cash Loan. Tamang tama at yun ang pushed product natin this month. Kasisimula pa lang ng buwan ay may buwena mano na tayo. Kaninong referral yun?"
Tanong ni Sir sa amin nang magmula ito sa kanyang opisina umagang umaga ng Miyerkules. Every month kasi ay may mga pushed products ang bangko kung saan hinahighlight ang isang bank product upang mas mai-cross sell namin sa mga kliyente. Nagsasagawa ng mga promos ang management upang mas maipromote ang produktom at ngayong buwan nga ay ang cash loan.
"Anong pangalan po sir?" Tanong ni Sir Art na siyang pinaka loan processor namin sa branch.
"Wait..it's..Anthony Reyes." Sagot ni sir habang tinitignan ang impormasyon sa papel na hawak niya.
"Anthony Reyes? Andeng di ba ikaw ang nagrefer niyan. Oo tama! Si Andeng po ang nagrefer niyan Sir. Nagback up lang ako sa kanya sa pag eexplain pa ng product features pero si Andeng po ang kumausap at nagconvince dyan na mag apply." Masayang masaya ang pagkakasabi ni sir Art na tila ba ibinibida ako.
"Ah..eh..opo Sir. Nagbayad po kasi siya ng credit card at naisipan kong alukin. Ayun pumayag naman po." Napapakamot pa ako ulo ko dahil sa hiya.
"Good Job Andrea. Keep it up!" Parang tumalon ang puso ko sa narinig ko kay Sir Jake. For the first time in forever ay sinabihan niya ako ng Good Job! E nag-alok lang naman ako. Hindi naman mahirap gawin yun. Dahil nagtrabaho ako sa isang fast food chain dati ay sanay akong upsell sa customer. Kaibahan nga lang ay hindi upsize ng drinks or fries ang inalok ko kundi produkto ng bangko.
Nang makatalikod si Sir ay sabay sabay na nag thumbs up ang mga kasamahan ko sa akin.
Nang sumunod na araw ay ako ang napili ni Sir Jake na isama sa isang Below the Line Activity ng region namin. Kasama namin ang iba pang managers sa region at ang mga staff din nila na kanya kanyang isinama. Ang gusto kasi ng Regional Head ay naeexpose at naoorient ang mga staff sa pagbebenta ng mga produkto ng bangko. Si Sir Art ang nagsuggest na ako ang isama upang malaman ko daw at maging familiar ako sa mga ganitong activity. Lahat daw kasi sila ay sanay na sanay na sa ganito. Hindi naman tumutol si Boss.
Maaga kaming dumating sa Camp Crame kung saan gaganapin ang conference ng mga pulis sa buong NCR. Sa labas ng bulwagan ay mayroon kaming pop up booth kung saan maaaring mag inquire ang mga nais mag apply ng loan, mag open ng account at mag-avail ng iba pang bank products. Kami ang naunang dumating ni Sir dahil siya daw ang naka-assign na mag set up ng booth. Maya maya pa ay dumating ang dalawa pang manager na ngayon ko lang makikilala. Sina Sir Austin at Sir Robin. Kasama din nila ang mga staff nila na sina Anton at Cathy.
"Uy may bago pa lang chix sa branch mo Jake!" Biro sa akin ni Sir Austin. Napakamot naman ako sa ulo sa pagkahiya.
"Welcome to the team Andeng!" Bati naman ni Sir Robin sa akin. Hindi nagsalita si Sir Jake sa pagbibiro ng mga kapwa niya branch managers pero nakita ko ang tila iritasyon niya sa mukha nang sabihan akong chix ni Sir Austin. Bakit? Hindi ba ko chix? Sa bagay katamtaman lang ang height ko at hindi din naman ako ganun kagandahan. Self pity
"O ayan na pala si Mikee eh!" Baling ni Sir Robin. I saw how Sir Jake froze by just hearing her name. Hindi siya agad nagbaling ng tingin dito until Mam Mikee greeted us. Isa isa niya kaming binati.
"Hi Jake!" Dito lamang tumingin sa kanya ang boss ko at tumango lamang. Kapansin pansin ang pagtahimik nila Sir Robin at Sir Austin. Alam kaya nila ang tungkol sa dalawa?
Nakita ko ang kalungkutan sa mukha ni Mam Mikee sa malamig na salubong ni Sir Jacob sa kanya. Ang kwento ni Mam Jona ay sobrang close daw ng dalawa dati.
"Hi Andeng! Glad you're here. " Baling nito sa akin.
"Hi po Mam Mikee!" Bati ko naman dito.
Marami ang pumuntang mga pulis pati mga empleyado ng Camp Crame sa aming booth. Madami kaming nakuhang applications para sa iba't ibang klase ng loans. Nakita ko kung gaano kahusay ang mga managers na kasama ko. Lalo na si Mam Mikee. Mahusay siyang magpaliwanag. Napapa "ahhh.." lahat ng nakakausao niya sa husay niyang mag explain ng produkto. No wonder na isa ito sa mga top managers ng region. Dagdag pa dun ang kaakit akit na boses at mukha niya. Kaya halos lahat ng mga lalaking pulis ay sa kanya lumalapit. Hindi ko mapigilang mapangiti sa paghanga sa kanya. Naiintindihan ko na si Sir Jacob kung bakit gusto niya ito. Maganda na, mahusay pa sa trabaho. Dagdag pa dun na mabait ito. Dahil sa pag-iisip ay napalingon ako kay Sir Jake na patagong sumusulyap kay Mam Mikee. He's really into her. It was obvious in the way he looks at her. Pero sa tuwing sisibol ang bahagyang ngiti habang minamasdan ang babae ay binabawi agad nito at napapalitan ng lungkot at sakit ang gumuguhit sa mukha nito. Oo nga pala. He's in love with her. But she's in love with someone else.
Nakaramdam ako ng lungkot para kay Sir. Gwapo si Sir Jake, mukhang totoo naman na mabait ito. Matalino at may matiponong pangangatawan. Maayos na trabaho at magandang disposisyon sa buhay. He's a good catch. Pero hindi talaga matuturuan ang puso. May iba ng mahal ang babaeng minamahal niya. Sadness
Nang mag lunch ay pinauna na kaming mga girls na kumain. Ako, si Mam Mikee, ang staff nito na si Charisse at si Cathy ay pumunta sa isang chinese restaurant na malapit sa pinagdadausan ng activity.
"Buti nakasama ka dito Andeng. Madami kang matututunan sa mga ganitong activity." Panimula ni Mam Mikee ng pakikipagkwentuhan sa akin. Kaming dalawa ang naiwan sa table dahil ang presinta si Cathy at Charisse na sila na ang oorder sa counter.
"Oo nga po Mam eh. Masaya pa po kasi madami kang nakakausap na iba't ibang tao." Dagdag ko pa sa sinabi niya.
"Kamusta ka naman sa branch? Nakapag adjust ka na ba?" Tanong nito.
"Ah opo. Mababait at supportive naman po ang mga kasama ko. Lagi nilang akong tinutulungan at tinuturuan sa mga hindi ko pa alam." Sagot ko.
"How about...Jake?" Parehas kaming napahinto sa tanong niya. Parehas na tila nangangapa sa tanong at sagot na ibibigay samin sa isa't isa.
"I mean..is he being nice to you? Last time I was there hindi ko nagustuhan ang pagsigaw niya sa'yo."
"Ah..ok na po yun Mam. Naintindihan ko naman po. At saka okay na po kami ni Sir. Bati na po kami." I forced a smile to lighten up the atmosphere. Ginantihan din naman niya ako ng ngiti.
"You know, Jake is a really good friend of mibe. That's why I want to ask you a favor Andeng.." i saw the sadness in her eyes.
"A-ano po yun Mam?"
"Be a friend to Jacob. I can see how good of a person you are. Sana suportahan niyo siya ng team ninyo. Unlike before, I can't be there for him all the time. Well, he won't let me. " Ramdam ko ang lungkot niya. She wants to remain good friends with Sir Jake. Pero hindi yun maaari dahil higit dun ang gusto nito sa kanya. Kaya umiiwas ito kay Mam Mikee. And she's hurt of having to hurt a dear friend. Hays..
"Good Job Andrea. Madami tayong nakuhang applications at good leads ang mga yun." Ani Sir Jacob habang nasa biyahe na kami pabalik sa branch namin.
"Salamat sir. Nag-enjoy din po ako kasi ang dami ko natutunan at nakuhang diskarte sa inyo kung paano mag cross sell ng product". Puro batikan na ang mga nakasama ko kanina maging ang mga staff. Lahat sila alam na alam na ang pasikut-sikot ng mga loan products.
Ngumiti lang ito sa akin.
"Hayaan mo, ikaw ang lagi kong isasama sa mga ganyan para mas maexpose at mas matuto ka pa."
I smiled at the thought that we are now getting closer to each other. Hindi na kami nagkakailangan ng boss ko. Napaisip ako sa sinabi ni Mam Mikee kanina. Maybe we can be good friends outside office. Syempre dapat may bounderies ang pagigung magkaibigan at magiging superior-subordinate. Hindi lang naging maganda ang naging simula namin but maybe I can be a good friend for him.