Araw ng sabado. Nasa part time job ako bilang isang bartender sa isang bar dito sa Quezon City. Alas kuwatro ng hapon at halos kabubukas lang din namin. Bukod sa full time job ko sa bangko ay nagpapart time din ako tuwing sabado at linggo. Minsan din kapag weeknights basta nakaschedule upang di naman ako maipit sa trabaho. Kailangan kumita eh. Kailangan para sa pag-aaral ni Allan..para sa mga pangarap namin.
"Broiler Maker please." Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit dito sa bar station. Nakatalikod ako sa seat ng mga customer nang marinig ko ang baritonong tinig ng isang lalaking customer. Agad akong humarap upang daluhan ito ngunit siya ding gulat ko nang mapagtanto ang may ari ng boses na ito.
"Sir Jake?"
"Andrea?! What are you doing here?" Gulat din na tanong nito.
"Part time job ko po ito." Paliwanag ko na hindi pa rin nawala ang gulat sa aking mga mata.
"Okay...Broiler Maker.." mukhang nabigla din ito sa panibangong kaalaman tungkol sa akin.
"Po?" Nagtatakang tanong ko.
"I said..Broiler Maker, my drink..." He reminded me..
"Ow! Okay sir." Sagot ko at agad na ginawa ang order nito.
"Here's your drink sir." Abot ko ng isang baso ng beer at isang shot ng whiskey.
"Ang aga niyo naman pong mag-inom Sir..." Puna ko dito trying to sound as an opener for a conversation.
"Maaga kayong nagbukas eh." Tamad na sagot nito. He was slouching while drinking. Maging ang tingin nito sa akin ay tamad na tamad din. Ano kayang problena nito?
Hindi na ako nagsalita pa dahil mukhang wala ito sa mood. Mahirap na at baka mapagbuntungan pa ako. Kakabati lang namin.
"Gaano ka na katagal nagtatrabaho dito?" Biglang tanong niya.
"Mga three months pa lang po Sir. Halos kasabay po nung magstart akong magtrabaho sa bangko." Sagot ko naman dito. Tumango tango lamang siya as a response.
"Bakit kailangang dalawa ang trabaho mo?" Okay..now he's interested to make a conversation. Napabaling ako ng tingin sa kanya mula sa pagpupunas ko ng mga baso. Ganito ba siya kapag umiinom lang nagiging interesado sa buhay ng ibang tao? Pero kapag nasa tamang wisyo ay walabg pakialam sa iba?
"Kailangan po eh. Pahinga is life. But bills is lifer." Natawa ako sa joke ko. Pero taliwas ang naging reaction nito. Dedma at tila hindi nagets ang sagot ko. Hindi naman siguro siya ganun katanda para hindi malaman ang mga usong linyahan ngayon.
"Another shot." Utos nito nang mabilis niyang naubos ang unang shot na binigay ko. Hindi na kami muling nag-usap. Panaka naka lang itong sumusulyap sa akin habang nagseserve ako ng ibang customer.
Alas dose na ng hating gabi nun at tapos na ang duty ko.
"Andeng, di ba sabi mo boss mo yan sa bangko? Kanina pa bagsak yan oh! Pauwiin mo na kaya." Ani Mario na kasama kong bartender din dito.
"Sir Jacob..Sir..." Tinapik ko ito ng bahagya sa balikat upang magising. Nakayukyok na ang kanyang ulo sa bar counter at ni hindi na magawang sumagot ng maayos. Umungol lang ito ng bahagya tanda na naririnig niya ako. Yun ay kung naintindihan niya ba ang mga sinasabi ko.
"Sir,pa out na po kasi ako sa trabaho. tapos na po ang duty ko. Umuwi na din po kayo at lasing na po kayo." Umungol lang muli ito.
Haist! Balak ko na sanang iwan ito pero nakokonsensya ako. After all, katrabaho at boss ko pa din ito kaya I feel responsible for him especially when he is in this state.
Agad ko siyang itinayo at inalalayan papalabas ng bar.
Nasa harap lang din ng gusali nakapark ang kotse niya kaya agad ko iyong nakita at dinala siya dito.
"San na po ang susi ng kotse ninyo?
"Nandito sa bulsa ko." Sinubukan niyang kunin ito sa front pocket ng pantalon na suot pero dahil sa sobrang kalasingan ay ni hindi nito maayos na maisuksok man lang ang kamay sa bulsa.
Para matapos na ay nagpasya akong ako na ang kumuha nito. Maingat kong ipinasok ang aking kanang kamay sa bulsa. Dahan na dahan upang walang mahawakan na hindi ko dapat mahawakan. Bahagyang napapatawa si sir habang kinukuha ko ang susi sa kanya. Aba'y nakiliti pa siya! Pambihirang lalaki! ()
"Sakay na po." Iginaya ko siya sa passenger ng kanyang sasakyan at nang maayos na siyang nakapasok ay isinara ko na ang pinto nito at ako naman ang nagtungo sa driver's seat.
"Marunong ka bang magdrive?" Tanong nito sa boses na lasing na lasing.
" Taxi driver po ang tatay ko kaya tinuruan niya akong magmaneho. Manual transmission nga po ay kaya ko, eto pa kayang automatic." Sagot ko. Proud ako na kaya kong magmaneho. Mahina ang loob ko sa maraming bagay pero pagdating sa pagdadrive ay hindi ako papatalo.
Tinanong ko siya kung saan ang condo niya. Ang alam ko ay malapit lang din ito sa area. Kaya nang sagutin niya ang tanong ko ay sinimulan ko nang i-start at patakbuhin ang sasakyan. Familiar ako sa lugar ng kinatatayuan ng condo niya kaya madali lang sa akin na matunton ito.
Halos pasuray suray kami habang paakyat sa condo unit niya. Mabuti na lamang at malapit lang sa elevator ang parking space niya kaya mabilis din kaming nakarating sa mismong unit niya. Lakas maka maharlika ng condo niya in fairness dahil naka digital doorlock ang pinto nito. Mabuti na din at conscious pa siya at nagawa pa niyang buksan ang pinto.
Agad ko siyang ipinasok sa kwarto niya at ihiniga sa kama. Balak ko na siyang iwan sa ganitong posisyon. Sapat na siguro na alam kong safe siyang nakauwi dito sa bahay niya.
"Sir uwi na po ako ha." Paalam ko pa dito. Tumalikod na ako upang tunguhin ang palabas ng kanyang kwarto. Ngunit labis na gulat ang naramdaman ko nang mula sa likuran ko ay hinila niya ako at niyakap.
"I love you.." I literally froze. Ano bang sinasabi ni Sir Jake?
Nang akmang tatanggalin ko ang mga braso niyang nakayakap sa akin ay mas lalo pa nitong hinigpitan ang paghagkan sa akin. At sa aking balikat ay naramdaman ko ang pagpatak ng iilang luha mula sa mata niya. Humihikbi ng paunti-unti..malakas ang t***k ng kanyang puso.
"Mahal kita...
Mikee."
Ngayon nga pala ang araw ng kasal ng babaeng mahal niya.