bc

You Got Me (Tagalog/Completed)

book_age18+
929
FOLLOW
8.7K
READ
badboy
goodgirl
confident
sweet
bxg
colleagues to lovers
like
intro-logo
Blurb

Love can change a person. Totoo nga siguro ang kasabihan na ito. Dahil mula sa pagiging masayahin at high spirited na tao, nagbago si Jacob. He turned into a grumpy and ill-tempered person after his unreciprocated love for Mikee. Dumagdag pa sa nagoaoainit ng ulo niya ang bago niyang tauhan na si Andeng na mahina ang loob at palagi na lamang mali mali sa mga ginagawa nito at binibigyan siya ng problema. Ayaw niya sa lahat ay ang babaeng alagain at

dependent. Pero dahil sa isa ito sa mga subordinates niya, nandun ang urge na alagaan,tulungan at protektahan ito. Pero yun nga lang ba ang dahilan?

#Banker'sSeries

#TheStoryOfJacob

chap-preview
Free preview
First Day
"Dito ang magiging station mo..ano nga ulit ang pangalan mo girl?" "Andrea..pero Andeng na lang po." Sagot ko kay Mam Jona. Ito ang unang araw ko sa trabaho bilang isang bank teller. Right after graduation ay nagtrabaho muna ako bilang cashier sa isang fast food chain. Ito din kasi ang part time job ko nung nasa kolehiyo pa ako. Nang makagraduate ay pinagpatuloy ko muna ng tatlong taon pa ang pagtatrabaho dun sa pag-asang gagawin na akong store manager pero dahil may palakasan system ay hindi ako ang napili kaya nagpasya akong gamitin na ang kursomg natapos ko na Financial Management. Swerte naman na natanggap ako kaagad sa Prosperity Bank bilang bank teller. "Magnenegosyo na kasi yung dati naming teller kaya nagresign na. Nako! Ipaalis mo na lang kay Kuya Ben yung mga gamit na naiwan ni Alice diyan. Si Kuya Ben yung all around helper natin dito. Sa kanya ka na din magpabili ng lunch mo mamaya. " Naipakilala na ako ni Mam Jona sa mga kasamahan ko. Si Jackie na makakapartner kong teller, si Mam Linda at Sir Art na assigned naman sa loans at new accounts. At si Mam Jona na assistant manager naman. Ang branch manager na lang namin ang hindi ko nakikilala. Ang sabi ni Mam ay tumawag daw ito kanina at sinabing didiretso na sa meeting sa isang kliyente kaya late na makakapunta sa branch. Okay naman ang mga kasama ko. Lagi nila akong inaassist kapag may mga katanungan ako at hindi pa alam na gawin. Hapon na nang dumating ang branch manager namin. Madami daw kasi itong inasikaso. Ipinakilala ako ni Mam Jona sa kanya. Nag "hi!" Lang ito sa akin pagkatapos akong tignan mula ulo hanggang paa. Nakakailang man ay nagpanggap na lang akong hindi iyon nakita. Mukhang mabait naman si sir pero parang busy siya. Panay kasi ang kausap niya sa telepono. Sabi ni Mam Jona ay mukhang may inaasikaso atang event dahil narinig niyang may pinareserve itong table sa isang sikat na fancy restaurant dito sa Quezon City. "Uhmm..what's your name again?" Tanong niya sa akin ng lumapit ito sa station ko. "A-Andrea po sir.." "Andrea..pakipost na lang itong transactions ha. Dalawa yan make sure na mapost mo sa tamang account number." Utos nito sa akin at sabay alis. Wala si Jackie sa station niya dahil masakit daw ang tiyan nito kaya nagpaalam na magbabanyo muna. Hindi ako familiar sa transaction dahil first day ko pa lang ngayong araw at hindi naman lahat ay matatandaan mo sa bilis lang ng training period na binigay nila. Si Mam Jona naman ay kanina pang may inaasikasong kliyente sa table niya maging sila Sir Art at Mam Linda ay abala rin. Kanino ako magtatanong? Maya maya pa ay ipinost ko na ang transation ni Sir. Sana tama. Makalipas ang ilan pang minuto at nagsara na ang bangko. Balanse na din ang kaha namin kaya nag-aayos na lang ng mga report para sa buong araw. "Andeng?! Bakit wala pa daw nagrereflect na deposit sa account ni Mr. Legaspi? Di ba kanina ko pa ibinigay sa'yo ang transaction slips nun?" Medyo mataas na ang boses ni Sir Jake. "Ah-eh.. Sir kanina ko pa po yun naipasok.." nauutal na sagot ko. "Patingin nga ng ginawa mo.." bulong ni Jackie sa akin at maiging sinuri ang transaction slip ng kliyente ni sir. "Nako Andeng sa maling account mo naipasok! Eto po sir oh. Dapat po sa checking account ni Mrm. Legaspi idedeposit pero dun sa savings account naideposito." Bulalas nito sabay turo sa validation. "What?! Ireverse niyo kaagad para maitama na ang deposit!" Galit pa din si sir. "Sir Jake..kanina pa po kami nakapagsara ng system. Hindi na po namin macocorrect." Si Mam Jona naman na tila kinakabahan din. "What?! Sh*t kanina pa ko tinatawagan ni Mr. Legaspi sabi ko ay okay na. Jona please hanapan niyo ng paraan. He badly needs the fund. Tatalbog ang cheque na inissue niya kung hindi maittransfer dun ang pondo!" Napasapo si Sir Jake ng kamay sa kanyang noo. Gusto kong magsorry dito pero parang hindi tamang umeksena pa ako dahil halatang galit na ito at stressed sa pagkakamaling nagawa ko. "Why now? May importante pa naman akong pupuntahan ngayong gabi. " Pabalik balik sa paglalakad ito. "Sir..ako na lang po ang bahala kung may lakad po kayo. " Ani Mam Jona. "Hindi pwede Jona..kailangan masigurado kong maayos ito. Kilala mo naman si Mr. Legaspi ayaw nun ng aberya. Malaki ang mawawalang account sa atin pag hindi natin naayos ito." Sh*t grabe ang guilt na nararamdaman ko. Muli ay may tinawagan na naman si Sir. Alas sais na ng hapon nun. "Hey..I'm really sorry. I said I'll pick you up but there's an emergency in the branch...can you just wait for me in the house? Are you sure?..look I'm really sorry..I'll make it up to you." Sino kaya ang kausap nito? Asawa? Girlfriend? Mukha kasing grabe ang pag-aalala niya na magalit ito. "Sir okay na po. Open pa ang branch nila sir Robin. Itatransfer na lang daw po nila ang fund sa tamang account. Make sure na lang daw po na makahingi tayo ng instruction kay Mr. Legaspi ngayon." Napahinga ng malalim si Sir Jake. "Sige I'll make sure we will get the instruction now. " "Uhm...sir ako na pong bahala dito. Mukhang may importante po kayong kailangang puntahan." Si Mam Jona ulet. Mukhang kilalang kilala na niya ang boss Namin. "Ah yes! Thank you Jona!" Sabi nito at tinapik ang balikat ni Mam Jona. Mukhang kinikilig din ata ito sa boss namin tulad ni Jackie. Gwapo naman kasi ito at may magandang pangangatawan pa. Ayon pa sa kwento ni Jackie ay mabait si Sir at palabiro. Pero parang hindi naman yun ang nakikita ko sa kanya. "Ah sir...sorry..po sa.." hinabol ko si Sir sa pinto nang akmang paalis na siya. Walang gana niya akong nilingon. "Bukas nalang tayo mag-usap." Yun lang ang sinabi niya at tuluyan ng umalis. Galit yata talaga siya sa akin. "Mam Jona sorry po....." Maluha luha na ako. "Hayaan mo na yun Andeng.. first day mo pa lang kaya alam kong hindi mo pa kabisado ang mga tamang functions. Next time at magtanong ka na muna kung hindi ka sigirado okay?" Buti pa si Mam Jona at etong nga kasamahan ko naiintindihan ako. Si Sir Jake ang sungit! Pero mali ako kaya wala akong karapatan na magdamdam kung mapagalitan man ako. "Oo nga Andeng di mo naman sinasadya yun. Kaya move on the girk! Tomorrow is another day!" Ani Jackie na kasalukuyang nasa table niya at nagliligpit ng gamit. "Sino kayang kadate ni Sir noh? Narinig ko siya kanina may kausap para sa reservation dun sa restaurant na sinasabi mo Mam Jona..maharlika dun di ba?" Si Mam Lina na nagsimulang magkwento. "Oo girl yayamanin dun!" Sabat naman ni Jackie. "Malamang si Boss Mikee yun! Halata namang patay na patay si Boss Jake sa kanya eh!" Aba't pati tong si sir Art na kalalaking tao ay machismis din. "Boss mikee?" Tanong ko. Siyempre nakisali naman ko. "Oo girl! Yun yung magandang manager ng kabilang branch. Laging kasama ni Sir Jake yun." Si Jackie ay lumapit pa sa amin mula sa station niya paramakisabat sa usapan. "Anong maganda? Hindi lang yun noh! Maganda,sexy,mabait..in short. Chix! Crush ko nga din yun eh!" Muli ay nakisali na naman si Sir Art. "E di ba may boyfriend na yun at ikakasal na?" Tanong ni Jackie. "Hindi ko sigurado kung break na sila. Sabi kasi ni Vina hindi na daw nagpupunta yun dun eh..as in matagal na." Vina? Eto yung assistant manager ng kabilang branch na kaibigan ni Mam Jona. Tumawag kasi ito kanina at nang malaman na ako ang bagong teller dito ay nakipagkilala na sa akin. "Ah..kaya pala dumidiskarte na ang boss natin." Ani Sir Art ulit. Kusa na lang natapos ang usapan nang magsibalik na kami sa kanya kanyang station para tapusin ang trabaho. Habang pauwi ay naisip ko ang galit na mukha ni Sir Jake. Hays! Ano ka ba naman Andeng! Ginalit mo ang boss mo sa first day of work mo! Kinakabahan tuloy ako bukas pag nakita ko na siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
87.6K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
219.6K
bc

CLOSER

read
144.6K
bc

NINONG III

read
384.5K
bc

His Cheating Heart

read
45.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.2K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook