Reconciled

1901 Words
Kanina pa ako pabaling baling sa higaan ko. Nagdadalawang isip kung papasok ba ako sa trabaho o hindi. Hindi ko sigurado kung anong naghihintay sa akin sa opisina dahil sa pagsagot ko sa boss ko kahapon. Siya naman kasi e! Nakapajudgmental niya! Sana man lang ay hiningi niya ang side ko di ba?! O pinakinggan man lang ang paliwanag ko. Basta basta na lang siya nagagalit at nambubulyaw. Siya kaya itong maharass?! Nakakadagdag pa sa iniisip ko itong si Allan. Kagabi ko pa hindi makausap. Dapat bilang boyfriend eh siya itong unang dapat na sumaklolo sa akin. Sa bagay hindi ko pa nga nasasabi sa kanya ang nangyari dahil kagabi ay nakaduty ito sa trabaho at ngayon naman ay mukhang tulog pa at hindi pa nagrereply. Nakatulugan ko na lang ang paghihintay sa text at tawag niya. Pero kung hindi naman ako papasok, para ko na rin sinabing may kasalanan ako. Ang turo ng tatay ay dapat taas noo ka palagi kung alam mong wala kang ginagawang kasalanan. Haist! Ginulo gulo ko ang buhok ko sa sobrang iritasyon ngunit wala din akong nagawa kundi bumangon at maghanda na para pumasok sa trabaho. Bahala na kung pagalitan na naman ako. Ang importante may trabaho. Pag dating ko sa opisina ay nakahinga ako ng maluwag dahil wala pa si Sir Jacob. Didiretso daw ulit ito sa kliyente kaya late na makakapunta sa opisina. Mas okay na din yun para may time pa akong makahinga dahil kapag nandiyan siya ay baka kabahan na naman ako kung masesermunan na naman ba ako. Ang kwento ni Mam Jona ay pinanuod ni Sir ang cctv footage ng nangyari kahapon dahil sinabi  nito kay Sir kung anong tunay na pangyayari. Nang tanungin ko kung anong reaction ay wala naman daw. Tumalikod na lang ito at nagpaalam na uuwi na. Napaka sungit talaga! After lunch na ng dumating si Sir pero taliwas sa inaakala ko, hindi ako nito pinagalitan dahil sa nangyari kahapon. Hindi niya ako pinansin which is normal lang naman. May nga pinaayos lang ito kay Sir Art at kay Mam Lina. May iniabot din ito kay Jackie na mga dokumento galing sa isang kliyente daw niya. Nilagpasan lang ako ng tingin at daan. Nakakailang naman ang ganito. Hindi ako sanay na may kasamaan ng loob sa trabaho lalo na at boss ko pa. Pero anong magagawa ko? Sadyang kumukulo yata ang dugo niya sakin. Kung hindi ko lang alam na in love siya kay Mam Mikee ay aakalain kong bading ito. Trenta minutos bago magsara ang bangko ay lumapit ito sa estasyon namin. Akala ko ay kay Jackie ito patungo pero nagulat ako ng lampasan niya ito at huminto sa giliran ko. "Magtransfer ka na ng cash mo kay Jackie, may ipapagawa ako sa'yo." Malamig na saad nito. Nilingon ko pa siya para masiguradong ako ang kinakausap niya. Pero hindi siya nakatingin sa akin. Hindi ako agad nakapagreact dahil hindi ko maproseso sa isip ko na kinakausap na niya ako at hindi siya sumisigaw. Nahalata yata niya ang pagtataka ko kaya ibinaba niya saglit ang tingin sa akin. "Go to my table when you're ready." Aniya at nag-iwas agad ng tingin sa akin sabay talikod. "O-okay po sir." Nautal pa ako. Nagkatinginan kami ng mga kasamahan ko at makahulugan nagtaas ng balikat na nagsasabing hindi din nila alam kung anong ipapagawa ni Sir sa akin. Ginawa ko ang inutos niya na pagsarado na agad ng kaha at nang matapos ay nagtungo na ako sa opisina niya "Sir..ano po yun?" Mula sa binabasang reports ay nagtaas ito ng tingin sa akin. Tumayo siya at naglakad palabas ng opisina. "Follow me." Aniya na malamig pa din ang himig ng pananalita. Huminto kami sa isang silid na ang alam ko ay ang records room. "I want you to file all these  documents alphabetically. Isalansan mo sila sa tamang cabinet." Tinutukoy niya ang limang kahon ng mga dokumento na nakatambak lamang sa sahig ng kwarto. Eto ba ang parusa ko sa pagsagot ko sa kanya? O sa pagsampal ko sa client niya na iginigiit niyang kasalananan ko pa din? Kung eto man ay okay na. Kesa naman pagalitan na naman niya ako at pagbitawan ng masasakit na salita. "Okay po sir." Sabi ko at sinimulang harapin na ang mga kahon na tinutukoy niya. Naramdaman kong hindi pa siya kaagad umalis. "Andrea..." Narinig ko pang pagtawag niya. Nang lingunin ko siya ay kakaibang mukha ang nakita ko. Hindi galit, hindi naiinis, kundi tila nagdadalawang isip. "Yes sir?" Tanong ko dito. Hindi siya agad sumagot at nanatiling nakatingin sa akin. "Nothing. Just..just continue what you're doing." Sabi nito at tinalikuran na ako. Napakibit balikat na lang ako. Hindi ko namalayan ang oras. Nang makita ko ay halos patapos na ako sa huling kahon. "Andeng..matagal ka pa ba?" Tanong nila Jackie at Mam Lina nang tunguhin niya ako sa records room. "Ah..konti na lang naman ito." "Mauna na kami ha..kasi baka maabutan na kami ng rush hour." Paalam nila sa akin na tila ayaw akong iwanan. "Okay lang..sige mauna na kayo at baka mahirapan pa kayong sumakay." Sagot ko naman dito. Malayo sa branch namin ang bahay nilang dalawa kaya madalas ay nagmamadali silang matapos sa trabaho upang makauwi ng maaga at makaiwas sa traffic o hirap ng pagsakay. Ilan pang minuto ay natapos ko na ang ginagawa ko. Nang lumabas ako sa records room ay napagtanto ko sa orasan na alas siyete na pala ng gabi. Hindi ko na namalayan ang oras. Wala na din si Sir Art at Mam Jona na ayon kay kuya Samuel ay nauna na ding umalis. Ako at si Sir Jacob na lang pala naiwan dito kasama si Kuya Samuel. Lumapit ako sa opisina ni Sir Jacob na mukhang abala din sa hinaharap niya sa computer. Kumatok ako ng marahan at sumenyas naman siya na maaari na akong pumasok. "Sir..natapos ko na po ang pinapagawa niyo. " Pag -imporma ko dito. "Okay. Let's go. Wait for me." Sagot nito at unti unti ng iniligpit ang mga gamit sa lamesa niya. Nagtaka ako kung bakit kailangan ko pa siyang hintayin gayong uuwi naman na din ako. Dati naman ay naiiwan siyang mag-isa dito kapag marami siyang tatapusing trabaho. Wala na din naman akong nagawa kundi maghintay sa kanya dahil baka maging dahilan na naman ito ng ikakagalot niya sa akin. Iniisip ko kung sadyang pinahirapan niya.lang ako kanina pero may sermon pa din ako ngayon. Anong akala mo nakalusot ka na ha Andeng?! "Sumakay ka na sa kotse." Sabi nito nang masara na ang roll up grill ng branch. "Po?" Nagtatakang tanong ko. "Sabi ko sumakay ka na sa passenger seat." Pag-uulit niya. Walang halong iritasyon sa sinabi nito. "B-bakit po?" "May pupuntahan tayo. Sakay na Andrea at gabi na." Sa paraan ng pagkakasbi niya ay parang wala naman kong choice kaya wala akong nagawa kundi sumunod na lng sa kanya. Pagkasakay niya sa driver's seat ay sinimulan na niyang paandarin ang kotse niya. "Saan po tayo pupunta sir?" Tanong ko. "Kakain. Nagugutom na ko. Ikaw ba hindi nagutom na inutos ko sa'yo?" Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Nanaginip ba ako? Etong masungit na boss ko na akala mo tigre sa galit sa akin kahapon eh parang maamong tupa naman ngayon na ililibre pa ako ng hapunan?! "Pe-pero sir...Okay lang naman po." Tatanggi pa sana ko pero tumingin siya sa akin sa gilid ng mata niya at alam kong wag na akong magreklamo ang ibig nitong sabihin. Saglit lamang ay pumarada na siya sa isang restaurant na malapit lang din sa aming opisina. Mukhang masarap ang pagkain dito dahil madami ang kumakain. "Anong gusto mong kainin?" Tanong nito sa akin. "Kahit ano sir. Kayo na pong bahala." Nahihiya pa ako. Baka mamaya ano pang isipin nito sa akin kung mamili pa ako ng pagkain. "We'll have this, and this. And two iced tea please." Kausap nito sa waiter. Hindi ko alam kung anong inorder niya. "Sir...bakit niyo po ako sinamang magdinner?" Nag-aalangan pa ako kung tama bang itanong ko pero kinakabahan ako eh. Hindi kaya tatanggalin niya na ako dahil sa mga naging kasalanan ko kaya kakausapin niya ako ngayon? Nanatili lamang itong nakatingin sa akin kaya nilakasan ko na ang loob ko at nagtanong na ako. "Sir..sorry po talaga sa nangyari kahapon at sa mga nakaraang araw din. Hindi ko lang po talaga kayang sikmurain ang manyak na yun. " Halos magsumamo na ako kay Sir. "please give me another chance..huwag niyo po akong sisantehin.." pinagsaklob ko pa ang dalawa kong kamay bilang tanda ng pakikiusap. "What?! You think I brought you here to tell you that you're fired?!" Nakita ko ang amazement nito sa mukha. Nandun yung nagpipigil siyang matawa. "Kasi po di ba dahil sa nasampal ko kahapon yung valued client nyo.." paalala ko sa kanya. Nakalimutan na ba niya yon? "He deserves that. He's an old dirty maniac." I saw the irritation on his face. The way he said that shows his disgust to that old man. Nakakapagtaka dahil pinagtatanggol niya pa ito kahapon. "Pero paano po kung magpull out sila ng account?" Pag-aalala ko. Ayokong naman bumagsak ang branch dahil sa akin. "Don't worry about it. I've been in this field for quite a while now. I know I can find another client. I'd rather lose them than exploit my people. " Sabi nito habang hinihiwa ang steak na inorder niya para sa amin. Parang natunaw naman ang puso ko. "Aside, I've already taken care of it this morning. Kinausap ko siya. Hindi naman talaga siya ang valued client kundi ang boss niya. Malakas lang ang kapit niya kaya todo ang pag-aasikaso ko sa kanya. He can affect the decision of his boss. I wanted to talk to his boss to explain why you slapped him. I said, the least I can do is to explain why they are pulling out their accounts. Natakot yata ang g*go nang malaman niyang may cctv. Kaya ayun, hindi na daw niya iaadvise sa boss niya na magpull out. Alam niya sigurong hindi din siya kakampihan nito." Kwento ni Sir Jacob. so yun pala ang dahilan kaya halos maghapon siyang wala sa branch kanina. Ginawan pala niya ng paraan ang nangyari kahapon. "Thank you po sir..." Parang maluluha ako sa sinabi niya. Hindi naman pala talaga masama ang ugali nitong boss ko. Aburido lang sa buhay! Hahaha "Tss! Basta pagbutihan mo ang trabaho mo Andrea. You have the potential." Tipid na ngiting sabi nito at bumalik sa kinakain. "Okay po sir." Tumodo na ang ngiti ko. Ngayon makakakain na talaga ako ng maayos. Matapos kaming mag dinner ay nagpresinta pa si sir na ihatid ako. "Sir..dito na lang po. Masikip na po kasi ang eskinita. Dun pa po sa looban ang boarding house ko. Hindi na po makakapasok ang sasakyan niyo." "Sigurado ka? Hindi ba dekikado dyan?" Inaninag pa niya ang masikip na eskinita. "Opo sir. Mababait naman po ang mga kapitbahay ko. Okay na po ako dito  salamat po ulet sa dinner at sa..pagtatanggol niyo po sa akin." Napayuko ako dahil parang nahiya ako sa huling sinabi ko. After all, akala ko ay walang ibang gagawin ito kundi sisihin ako. Yun pala ay inayos din niya ang naging proboema. "No worries Andrea. I'll see you on Monday. Good night." Nakangiti nitong sabi . "Goodnight din po " bumaba na ako sa kotse. Bago ako tuluyang makapasok sa eskinita ay muli ko itong nikingon at kumaway sa kanya. Tumango siya at pinailaw ang headlights ng sasakyan. Parang nabuhayan ang puso ko dahil ngayon ay hindi na galit ang boss ko sa akin. Nawala na din ang tampo ko sa kanya. Siguro naman ngayon ay magiging maayos na ang samahan namin. Lalo akong ginaganahan pumasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD