Andeng' POV
"...I like your eyes, you look away when you pretend not to care
I like the dimples on the corners of the smile that you wear.."
Hindi ko sigurado kung anong oras na ako dinalaw ng antok kagabi. Or dapat ko bang sabihin ay kung anong oras ba ako pinatahimik ng kumakabog kong dibdib. Magdamag yata akong hindi pabaling baling at paikot-ikot dito sa kama ko. Napatingin ako sa nakasampay na damit sa sabitan ng closet ko. Wala namang ibang espesyal sa tshirt na yun pero pagkadating na pagkadating ko pa lang kagabi dito sa boarding house ay nilabhan ko na iyo kaagad at sinampay dito sa kwarto ko. Pinagmamasdan ko lang ang tshirt na ito ay bumibilis na ang t***k ng puso ko. Tshirt lang yun Andeng,nothing special. Except the person who gave it. Kapatid lang ang tingin niya sa'yo! Huwag kang mag expect ng iba! Wait expect?! I mean, huwag kang mag-isip ng iba. Nakalimutan mo na ba na bad shot ka nga sa kanya dati? Baka nga mabait lang yun sa'yo kasi naawa siya sayo dahil nauto ka ng ex mo.
"Ahhhh! Makabangon na nga at kailangan ko pang pumasok!"
Jacob's POV
"Good Morning!", agad akong napatingin sa pinto pagkarinig ko pa lang ng boses niya. I don't know why but her voice gives me excitement every day. Parang mas ginaganahan akong magsimula sa trabaho kapag narinig ko na ang morning greetings niya. Tipong hindi kumpleto ang araw kapag hindi niya ako binati sa umaga.
"Good Morning.", I tried to maintain my cold voice. Ayokong mahalata niyang masaya akong nandito na siya. Magkasama na kami buong weekend but I just found myself excited to see her again. Inagahan ko sa usual kong routine ang pagpasok ngayon. Alam kong maaga siyang pumapasok sa trabaho.
"Andeng! Halika dali dito!", I heard Jona called her. Maybe they are having breakfast dahil nakita kong may dala dalang microwavable container si Jona kanina. Maybe she made breakfast. Narinig kong humahagikgik pa ito at parang binibiro si Andeng. I went to the pantry to check on them. Andito na din pala si Jackie.
"Ay Sir Jake! Tara kain po," aya ni Jackie sa akin.
"Tikman mo itong spaghetti Sir,ang sarap," pagyayabang pa ni Jackie. Inabutan ako ni Andrea ng plato at tinidor. Sumakdok ako ng kaunti upang matikman lang ito. Nagbreakfast na ako kanina kaya busong pa ko. But it looks appetizing kaya titikim na lang ako.
"Masarap di ba Sir?", Ani Jona na mukhang enjoy na enjoy sa pagkain.
"Who cooked this?", Tanong ko.
"Si Matthew po yung anak ni Mrs. Sy," ah yung binatang anak ng isang kliyente namin. Napansin ko nga na napapadalas na ang punta nun dito. Dati rati ay reklamo yun ng mama niya dahil hindi mautusan. Ang alam ko ay ipinaubaya na nga ni Mrs. Sy ang pagpapatakbo ng restaurant nila sa anak niya na ito.
"Dumating yan kanina dito Sir ang aga-aga, ibigay ko daw dito kay Andeng", kwento niya sabay bahagyang kurot sa tagiliran ni Andrea. She blushed. D*mn!
"Sabi na nga ba crush ka nun eh! Simula nung nakita ka niya dito eh madalas na ang pagpunta. Siya na mismo ang nagtatransact kahit may secretary naman siya na pwede niyang utusan para gumawa nun para sa kanya!", Gatong pa talaga itong si Jackie kaya lalong namula itong si Andrea.
"Baka hindi naman Mam..para sa lahat naman po itong pagkain", nahihiyang sagot naman niya.
"Hindi noh! Sinabi niya na para sayo daw talaga yan kaya nga kanina pa kita hinihintay eh para makatikim din naman kame. hahaha!", Pamimilit ni Jona.
Sumama bigla ang panlasa ko.
"O diba sabi ko sayo eh ang daming magkakandarapa sayo sa ganda mong iyan!", Minsan hindi na ako natutuwa sa kadaldalan nitong si Jackie eh.
Ibinaba ko ang platong hawak ko na may lamang ng bwisit na spaghetti na to. Ayoko ng ubusin.
"Matabang," kasing tabang ng pagkakasabi ko. Nakasimangot lang ako.
"Huh? Malinamnam naman Sir ah!", Pagdisagree ni Jona sa akin at muli pang tinikman ito.
"Basta matabang,hindi masarap", nawalan ako ng gana sabay alis sa pantry.
Buong araw ay ibinibida nitong si Jackie sa iba pa naming kasamahan ang spaghetti na iyon. Wala naman special dun? Ordinaryo lang ang lasa. May mas masarap pa dun!
Etong si Andrea naman ay ngingiti ngiti lang. Kinikilig ba siya? Napaismid ako sa sarili kong isipin na yun.
Nasira ang buong araw ko dahil sa spahetti na yun. Hanggang makauwi ay hindi ko mahanap ang idea ng salitang "chilk" at "smile". Para madistract ako ay naisip kong pumunta sa mall para dumaan na din sa grocery at wala ng lamang pagkain ang ref ko. I decided to have dinner first dahil may bago palang tayong restaurant dito. Maybe good food will erase ng irritation. Dahil hindi ako pamilyar sa menu nila ay nanghingi pa ako ng suggestion sa waiter.
"Anong specialty dish ninyo?",
"We have Fiorentina T-bone steak Sir, mushroom raviole and our famous and best seller Italian spaghetti," I clenched my fist. Hanggang dito ba naman?
"I'll have the steak," malamig na sagot ko dito. Uminit na naman ang ulo ko.
I'm not sure why I'm irritated but I just found myself grabbing pasta noodles, olives, parmesan, fresh tomatoes, along with my grocery items. Papatikim ko sa mga 'to kung anong lasa ng tunay na masarap na pagkain.
"Andeng, tara dali tikman mo itong lutong Pasta ni Sir Jake ," bungad ni Jona kay Andrea pagkadating pa lang nito sa opisina.
"Wow mukhang masarap nga ah," nakangiting sabi niya. Pinigil kong mapangiti din sa sinabi niya.
"Hmm..masarap nga Sir. Ano pong tawag dito?," Tanong niya habang sumasandok na sa dala ko.
"Pasta with Tomatoes,Capers, and Olives", mayabang kong sabi. Ang aga kong kong gumising para makapagluto lang. I don't usually cook, but when I do, hindi nabibigo ang mga nakakatikim ng luto ko. Kabisadong kabisado ko na ag timola ko nito kaya sigurado akong perfect ag pagkaluto ko nito.
"Ang haba naman ng title nito Sir! Hehehe! Sa probinsya kasi namin spaghetti lang lang tawag namin eh.hahahha!" Pagbibiro ni Jackie. Natawa naman si Andeng. Nang matapos mag almusal ang mga ito at naubos ang dala kong pagkain ay nagsibalik na sila sa kanya kanyang station upang makapag-ayos bago magsimula ang trabaho. Naiwan si Andrea para hugasan ang pinagkainan niya.
"Andrea," palinga linga pa ako dahil baka may makarinig sa akin.
"Nagustuhan mo ba yung niluto ko?" Tanong ko dito.
"Oo naman Sir! May talent po pala kayo sa pagluluto." Napangiti ako sa papuri niya. Nakita ko kaninang mukhang nagustuhan niya talaga ito.
"Mas masarap diba kesa sa spaghetti ng Matthew na yun", I needed her confirmation. But instead of answering me, she just looked at me intently.
"What?", I asked her impatiently.
"Nakikipagkompitensya po ba kayo kay Sir Matthew?", She asked me back.
"What? Hah! Ako?," Napahawak pa ako sa bibig ko.
"P-paano mo naman nasabi?" I'm stuttering.
"Wala naman po," natatawa niyang sagot sabay tuloy sa paghuhugas ng plato.
"Of course not! Why would I compete with him?! Kung anu-anong iniisip mo Andea Hah!", Do I look like I'm panicking? God!
Napailing iling siya habang tumatawa.
"Sabi mo Sir eh. Pero para matahimik ka na, opo Sir. Mas nagustuhan ko po yung niluto ninyong pasta. Masarap po" she smiled at me and then suddenly my heart melt. D*mn her smile!