Souvenir

1177 Words
Andeng's POV Ilang oras din ang biyahe mula La Union pabalik ng Quezon City kaya madilim na nang makauwi kami. Paano naman kasi ay humirit pa ulit ng surfing itong sila Jackie kaya imbes na umaga pa lang ay nakabiyahe na kami paluwas ay naantala pa kami hanggang matapos mananghalian. Dagdag pa ang traffic na dapat ay kinasasanayan na ko na sa buhay sa siyudad. Palibhasa sa probinsya  namin ay hindi ganito katindi ang traffic kaya nang magpasya akong dito sa Maynila mag-aral ay nabigla ako sa dami ng sasakyan ag kapal ng usok na sasalubong sayo umaga pa lamang. Sa branch kami muling nagstop over dahil dito din sinundo si Mam Jona ng asawa niya at dahil on the way sila Mam Lina at Jackie ay isinabay na rin nila ito sa kotse nila. Si Sir Art naman ay gamit ang mountain bike niya na ipinatago sa admin ng building kung saan nakapwesto ang aming branch. Akmang magpapaalam na ako kay Sir Jake nang magsalita ito nang kami na lamang ang naiwan. "Ihahatid na kita sa boarding house mo," aniya. Nakatalikod na siya sa akin patungo sa driver's seat ng kanyang sasakyan. Hindi man lang tinanong kung payag ba ko. "Nako huwag na po Sir. May mga jeep pa naman po ng ganitong oras. Maaga pa naman,mapapalayo lang po kayo." tanggi ko kaagad. "May dadaanan din ako dun kaya sumabay ka na," lumingon siya sa akin bago buksan ang pinto ng sasakyan. "Ano po yung dadaanan mo Sir?" Pagtataka ko. Wala naman akong alam na kakilala niyang malapit sa lugar na tinitirahan ko. Mas lalo na naman na out of way ito sa bahay niya. "Yung..ano..yung..siomai..may masarap na siomai sa gawi sa inyo. Bibili ako." Siomai? E puro mga home made siomai lang naman ang nakikita kong tinda doob kasama ng mga simpleng meryenda na tinda sa gilid ng kalsada. Kumakain ba siya nun? "Dali na! Baka hindi ko pa maabutan yung siomai at magsara na yung tindahan," aniya sabay sakay na sa sasakyan. Napakamot ako sa ulo at wala ng ibang nagawa kundi sumakay na lang sa passenger's seat. Nang makarating kami sa kalsada patungo sa apartment ko ay nagpaalam na ako ngunit bago ko pa man mabuksan ang pinto ay nahigit na ni Sir Jake ang kabilang braso ko. "Wait Andrea.." tawag niya na tila may pag-aalangan pa sa kanyabg ginawang pagkabig o sa nais niyang sabihin. "Bakit Sir?", parang nakukuryente na naman ako sa hawak niya. "Uhm..para sayo," kaswal na sabi niya at inabot sa akin ang isang plastic. Sinilip ko ang laman nito. "Nakita ko kanina mo pa yan tinitignan sa souvenir shop pero hindi mo naman binili," naglilikot ang tingin ng mata niya. Babaling sa akin, at pagkatapos ay babaling naman sa madilim na kalsada. "Mahal kasi Sir eh," pagdadahilan ko. Dahil halos lahat ng sweldo at allowances ko ay ginugol ko sa "tuition fee" at "school requirements" kuno ni Allan ay wala akong sapat na ipon sa bank account ko. Ngayon pa lang ako nagsisimulang mag-impok para sa sarili ko. "Hindi mo dapat pagdamutan ang sarili mo. Ngayon ang panahon na dapat gastusan mo din ang sarili mo. Wala ka ng responsibilidad sa ibang tao", alam kong si Allan ang tinutukoy niya at ang pagiging dakilang martir ko dito noon. "kaya hindi masamang paminsan minsa'y i-treat mo ang sarili mo," dagdag pa niya. "Salamat po sa payo Sir, at sa T-shirt" , ngumiti na lamang ako sa kanya. Alam kong concern siya sa akin bilang Boss, at maaaring nakababatang kapatid na babae ang tingin niya sa akin. Pero bakit hindi ako makaramdam ng lubos na kasiyahan sa dahilan na yun? Aning ka talaga Andeng! Sige na at pumasok ka na't gabi na," muli na naman niyang ipinatong ang kamay sa ulo ko at ginulo-gulo ang buhok ko. Napapadalas na ang gawi niyang ito, at napapadalas na din ang pagkalabog ng dibdib ko sa tuwing ginagawa niya ito. Nagpaalam na ako sa kanya. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil lang sa simpleng paggulo gulo niya ng buhok ko. Parang pati sistema ko ay ginugulo na niya din. Jacob's POV Mukhang hindi pa bumababa ang energy nitong si Jackie kaya't kahit nakauwi na siya sa bahay nila ay panay pa ang send ng pictures sa group chat namin. Mga pictures na kuha sa outing namin sa La Union. Napatitig  ako sa nag-iisang larawan sa dami ng mga pinadala niya. Maari ngang balot na balot ang katawan niya sa suot na board short at rash guard ngunit dahil fitted ito ay kita pa rin ang kurbada ng katawan niya. Balak pa sana siyang pagpalitin ng two piece bikini nitong si Jackie. Mabuti na lamang at narinig ko iyon bago pa nila magawa kaya agad kong napigilan. Kung sa ganung suot pa nga lang ay tinatapunan na siya ng tingin ng mga surfers sa beach e lalo pa kung sexy swimwear pa ang susuotin nito. Maganda si Andrea. Simple pero litaw ang kagandahan sa kasimplehan na yun. Hindi niya kailangang mag-effort para lang mapansin. Her effortless beauty screams it all. Napansin kong nag-iisa siya sa beachfront kahapon at tahimik na pinagmamasdan ang sunset at ang dagat. Nakaramdam ako ng pag-aalala dahil baka nalulungkot pa din ito sa nangyari sa love life nila ng siraulong lalaking iyon. Just thinking about him makes my blood boil. Tahimik ko siyang nilapitan. Labis kong ikinatuwa ng sabihin niya na nakapagmove on na siya sa nangyari kamakailan lang. Aba'y dapat lang. Ang mga lalaking tulad nun dapat ay gibugulpi at hindi iniiyakan. May kung anong saya ang umusbong sa puso ko ng sabihin niya na isa ako sa nagpapasaya sa kanya. Pero hindi ba ganun din naman siya sa'yo? Napapasaya ka din niya Jake? Iwinagwag ko ang aking ulo para alisin ang isip ko ang ideya na yun. Sana nga masaya na talaga siya..baka sakaling matahimik na ako., .baka sakaling mawala na itong extreme concern ko sa kanya na kahit ako ay ikinagugulat ko. I told her na para siyang bata. Ginulo gulo ko pa ang buhok niya ngunit kailangan ko ito agad bitawan at lumayo sa kanya dahil hindi ko na nagugustuhan ang pakiramdam ko sa tuwing nakakatabi ko siya. Nope! Hindi yun bastos ha! I don't know but there's this electricity whenever she's near. Gabi na at ayokong umuwi siyang mag-isa. Kahit hindi ko na namamataan ang Allan na yun sa paligid ni Andrea pero gusto ko pa din makasigurado. Papaano kung nag-aatay lang yun ng pagkakataon na malapitan siya? Magugulo na naman ang nananahimik ng buhay ni Andrea. Hindi na uy! Kinailangan ko pang mag-isip ng palusot na "siomai" para lang maihatid siya ng walang tanung-tanong. Parang gusto kong lumubog sa lupa dahil sa kaengotang palusot na naisip ko. Really Jacob? Siomai talaga? Bukod sa gusto ko siyang ihatid ay gusto ko ding ibigay ang t-shirt na kanina niya pa pinagmamasdan sa souvenir shop. Akala ko bibilin niya yun pero nagtaka ako na binitawan niya lang ito gayong kita naman sa mga mata niya na gustong gusto niya ito. Patago pa akong bumalik sa shop na yun para lang mabili ang tshirt na yun. May kamahalan nga compared sa mga ordinaryong tshirt na binebenta nila. Palibhasa maganda daw ang tela. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD