It's been six months since Andrea joined the team. I think she is my luck charm. Not that I don't get to ace all my quotas and metrics, but since she came, good luck just seems to approach me. Kahit wala ako sa branch ay hindi ako bumabalik na wala silang nirerefer na bagong accounts sa akin.
"Guys come here, let's have a huddle," excited na tawag ko sa kanila. Agad naman din silang nagsilapitan.
"Dumating na ang report for the last quarter and guess what? We're the second top branch in the area. From top four now we've climbed top two!" Masayang balita ko sa kanila. Since I joined the bank four years ago, hindi ako nawala sa top five. With the guidance of Boss Mildred and Mikee,who's the consistent top Branch Manager in the region and who's been very supportive of me and mentored me on the things that I don't know yet, I was able to bring my branch on it's highest ranking.
"Wow! Congrats Sir Jake!" Bati nilang lahat sa akin.
"No, this is team work. Congrats sa ating lahat dahil lahat tayo ay nagtrabaho para dito", masipag ang team ko. Lahat sila sales oriented at magaling mag-alaga ng kliyente kaya hindi din kami iniiwanan ng nga ito kahit tinatapatan ng mas magandang product offer ang mga ito ng ibang bangko. Truly, good service brings loyal customers.
"Yun naman pala Boss eh! Dapat icelebrate natin yan! Painom ka na Sir Jake!" Pambubuyo ni Art sa akin. I think he's right. Dapat ay itreat ko sila dahil sa maganda naming performance.
"Oo nga Sir! Friday ngayon kaya pwede tayong magparty!" Excited na saad ni Jackie.
"Sige. Tapusin niyo na agad ang trabaho at magse-celebrate tayo ngayon"
Agad nilang tinapos ang kanilang mga trabaho para ngayong araw para makaalis kami ng maaga.
Dahil mahilig sa Videoke ang mga ito ay dinala ko sila sa sikat na KTV house sa Timog. Marami kaming inorder na pagkain at alak. Sinimulan na ni Jackie ang pagkanta. Kahit masakit sa tenga ay hindi siya nagpaawat sa kabila panunukso nila Art sa kanya.
"Ano ba yan Andeng bakit juice lang ang iniinom mo?", Tanong ng medyo lasing na na si Lina. Napatingin ako.
"Baka kasi malasing ako eh," sagot niya na pangiti ngiti pa. Kunwari pa siya. She's a bar tender kaya for sure ay sanay ito sa inuming nakakalasing.
"Ay nako pede ba, magagalit ako sa'yo kapag hindi ka uminom kahit isang bote man lang. Dali!", Pambubuyo ni Jona sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi uminom na din.
"Andeng ikaw naman ang kumanta para tumigil na muna si Jackie, ang sakit na ng tenga ko!", Ani Art na tinakpan pa ang dalawang tenga.
"Hoy Sir Art kanina mo pa ako inaasar ha. Sobra ka na!", Bahagya niyang hinampas si Art sa balikat at tinawanan naman siya lalo nito. Eto talagang dalawang 'to laging parang aso't pusa.
"Sige na nga Andeng ikaw muna ang kumanta at magpapahinga muna ako," ibinigay niya kay Andrea ang mic. Sa una ay nahihiya pa ito pero napilitan na lang ding kumanta.
"Dito'y mayroon sa puso ko
Munting puwang laan sa 'yo
Maaari na bang magpakilala
Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin
Kailan (kailan), kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin
Kailan (kailan), kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin..."
"Andeng, ngayon sigurado na ko na fair talaga ang Diyos. Hindi lahat binibigay niya sa isang tao. Kaya pala ang ganda mo, binawi na lang ni Lord sa talent. Hahahaha!" Banat ni Art sa pagkanta ni Andeng. Well, honestly her singing voice is not really that good. Maaaring sa iba ay masakit sa tenga. But I found myself amused and smiling while watching her sing.
"Wala kasi talagang hilig ang pagkanta sa akin Sir Art kahit anong pilit ko.heheheh", tatawa tawang sagot niya. Napapahagikgik na siya. Is she drunk? Parang hindi pa nga siya nakakadalawang bote ah.
"O Si Sir Jake naman! Sir kanta ka naman!", Tawag ni Lina.
"Oo nga Sir! Magtatampo ako kapag hindi ka kumanta!", Mukhang lasing na din itong si Jackie. Siniko siya ni Jona dahil malakas na ang boses niya.
"Bakit? Wala naman tayo sa office kaya pwede nating maging barkada si Sir Jake ngayon, di ba Sir?" Ngingisi ngisi siya. She's right. Kahit bago pa lang ako noon sa branch ay sinabi ko na sa kanila na maaari nila akong itratong parang barkada outside office and after work. Basta sa loob ng opisina at kapag oras ng trabaho ay dapat ipakita nila na ang paggalang sa akin bilang boss nila.
"Oo naman," sagot ko kay Jackie.
"O ayun naman pala eh, kaya Sir isang kanta naman diyan!", Muling pambubuyo niya sabay abot sa akin ng kanta. Wala na akong nagawa kundi pagbiyan sila
"...Is it over?
Are you really over him
Is it over?
Or will you take him back again
If it's over
you can let his memory in
Come on over,
we'll let our love begin..."
Bahagya akong napapatingin kay Andrea habang kumakanta. I just sang the whatever song that's gonna play next but damn, why does the lyrics somehow meant something to me?
Nagpalakpakan sila pagkatapos kong kamanta.
"Ikaw Sir ha may itinatago ka palang talent dyan!" Papuri ni Jona sa akin. Ginatungan pa ng mga ito. Andrea just clapped and smiled.
"Huwag niyo na akong bolahin at talagang sagot ko lahat ng bill natin dito," biro ko sa kanila na ikinatawa naman nila.
Alas diyes na ng gabi at lasing na din ang mga ito.
Sinundo na si Jona ng asawa niya at katulad ng dati ay isinabay na niya sa pag-uwi si Jackie at Lina. Si Art ay nauna ng umuwi at nagtaxi na lang.
"Sir paano po kaya si Andeng?" Tanong ni Jona.
"Ako na ang bahala. Ihahatid ko na lang siya",
I can't believe that she got drunk with 3 bottles of beer. Paano siya naging bar tender?
Hinatid ko siya sa boarding house pero ang problema, hindi ko alam ang mismong boarding house niya dahil kapag hinahatid ko naman siya ay sa kanto lang naman siya bumababa.
"Andrea, wake up. Nandito na tayo sa lugar niyo",
"Hmm.." tanging sagot niya. Ni hindi man lang niya maimulat ng maayos ang mata.
"Hindi ko alam kung saan ang mismong boarding house mo, ituro mo at ihahatid kita dun." Tinatapik tapik ko pa siya sa balikat pero wala. Nakatulog na siya ng tuluyan. Left me with no choice.
Akay akay ko siya paakyat sa condo ko. Bahagya siyang dumidilat pero mas nananaig ang kalasingan niya.
I decided to take her to my condo dahil hindi ko alam kung saan ko siya ihahatid. Sarado na din ang mga tindahan at kabahayan kaya't wala na akong mapagtangungan.
"Dito ka na sa kama ko at sa couch na lang ako sa labas matutulog", sabi ko sa kanya matapos ko siyang ilapag sa kama ko.
"God! Paano ka nagig bartender? Nalasing.ka sa kakaunting alak?", I hissed.
"Uuwi na lang po ako Shir," lasing na lasing ang boses niya. Binalak niyang tumayong muli ngunit matutumaba pa siya sa hilo. Good thing my reflexes are alert kaya mabilis ko siyang nasalo.
Napakapit siya sa akin and looked at me straight in the eye. Napakalapit ng mukha niya sa akin.
"Hmm...ang gwapo ko talaga Shir.", Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Gumuhit ang ngiti sa aking labi.
"Pero napakasungit!", Dugtong niya.
"Lasing ka na", natatawa kong sabi sa kanya. Iaayos ko na sana siya ng tayo pero pinigilan niya ako. Nanatili siyang nakakapit sa mga braso ko.
"Shubukan mo kayang bawashan yang pagkunot ng noo mo, taposh yang labi mo, lagi dapat nakangiti..mash pogi ka kapag nakatawa Sher.." just by the way she talks shows how drunk she was. Pero mas nangingibabaw ang natural na bango niya kesa sa amoy ng alak. Ang sarap pa ding amuyin.
Lumapit pa siya lalo sa akin, her lips just inches away from mine. D*nm Andrea! Don't tempt me!
"Hmmm.." she sniffed.
"Pogi na ang bango pa", muling papuri niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti lalo kung hindi lang alert ang senses ko sa masyadong pagkakapalit ng mga katawan namin.
"Ang bango, parang ang sarap hali....." Lalo siyang lumalapit sa akin--
Blag! Bumagsak na ang mukha niya sa dibdib ko. D*mn!