Jake's POV
"Kanina ka pa nakangiti d'yan ah! Ano ba yang titignan mo sa cellphone mo?", Tawag pansing tanong sa akin ni Gab. Pagkahatid ko kay Andrea kanina ay sakto namang tawag ni Gab at Andrew at aya ng inuman dito sa pad ni Gab. Dahil wala namang pasok bukas ay pumayag na ako. Ngunit sa halip na makipagkwentuhan sa kanila ay nananahimik akong nakahilata sa couch niya habang pinagmamasadan ang mga larawang kuha sa celebration namin ng team ko nung friday night at sa ATV adventure namin ni Andrea kanina.
"F*ck man! Give me that!", Sigaw ko agad kay Andrew nang inagawa niya sa akin ang cellphone ko. Ihinarang niya sa akin ang isang kamay upang mapigilan akong maagaw pabalik ang cellphone ko na iniinspekyon niya na sa kabila naman niyang kamay. Saglit lang at mabilis ko na din itong nabawu ngunit hindi na nakaligtas sa mga kaibigan ko ang larawan na kanina ko pa pinagmamasdan.
"So ayun..kaya pala ngiting ngiti ka diyan eh babae yang sinisipat mo," panunudyo ni Andrew.
"Akala ko ba hindi mo trip yung teller mo, ano nga bang pangalan niya?", Sulsol ni Gab na hindi pa nga sigurado kung sino ang tinutukoy.
"Andeng," sagot ni Andrew.
"Right,Andeng. Akala ko ba hindi mo type si Andeng? May pa "she's too young for me,hse's too young for me" ka pang nalalaman. O bakit ngayon eh parang kinikilig ka sa picture lang", maintrigang tanong niya na may halong pang-aasar.
"May naalala lang akong nakakatawa," sagot ko.
"Nakakatawa o nakakatuwa? Sa mukha mo kasing yan e parang amuse na amuse ka diyan kay Andeng eh. Tell me, type mo na ba?" Tanong muli ni Gab. To be honest, I'm not sure why I'm being like this. Masaya ako kapag nasa tabi ko siya. Pero laging nandun ang agam agam sa akin..madaming bagay ang pwedeng maging dahilan kung bakit hindi pwede...
"Kalalaki niyong tao ang chismoso niyo," sagot ko naman sa kanila at muling bumalik sa pagsipat sa cellphone ko
"Tsk! Bahala ka nga kung ayaw mong umamin. Shot na dali!", Hindi na nila ako pinilit pa dahil alam nilang hindi ako magsasalita kung ayaw ko.
Hindi ko maiwasang hindi mangiti sa tuwing maaalala ko ang mangyari kanina.
D*mn I almost kiss her! What am I thinking?! Alam ko naman na hindi dapat given our situation. But at that moment,kissing her is what I wanted to do. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na naantala kami ng sigaw ng balut vendor pero may parte sa puso ko na nakaramdam ng panghihinayang.
Andeng's POV
Eto na nga ba ang sinasabi ko. Biro ng iba ay dapat maging proud ka sa eyebags mo dahil pinagpuyatan mo yan. Pero ako, hindi ako natutuwa. Bukod sa namamagang eyebags ay hindi rin ako nagkaroon ng maayos na tulog dahil sa kakaisip. Ano bang ibig sabihin nun sa kanya? Bakit niya ginawa yun? At bakit parang payag ako kung sakali? Ngayon pa lang ay nangangamba na ako kung paano ko siya papakiharapan mamaya ng hindi naiilang o nakakaramdam ng hiya.
Dahil maaga pa masyado pero alanganin naman na kung babalik pa ako sa pagtulog ay nagpasya na lang akong bumangon na at pumasok na sa trabaho. Wala pa naman siguro siya sa opisina ng ganito kaaga.
"Good Morning Kuya!", Usual na masiglang bati ko kay Kuya Samuel na security guard namin dito sa bangko.
"Good Morning din! Ang aga mo Mam Andeng ah," nakangiting bati nito sa akin na sinuklian ko ng malawak din na ngiti.
Bahagya akong tumanaw sa opisina ni Sir Jacob. Nakahinga ako ng malalim nang makitang wala pang tao doon. Okay yun. At least ay ako ang nauna dito. Mas nauuna sa kanyang dumating si Mam Jona kaya makikipagkwentuhan ako at hindi hihiwalay kay Mam Jona upang hindi kami magkaron ng pagkakataon na mapag-isa ni Sir Jake. Hindi sa ayaw ko siyang makasama,pero hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan pagkatapos kagabi na halos mahalikan na niya ako. Dumiretso ako kaagad sa locker ko upang ilagay dito ang bag ko at makapagpalit ng sapatos ko na may takong.
Muli ko na namang naalala kung gaano kalapit ang mukha niya sa mukha ko kagabi. Kung gaano kalakas ang t***k ng puso ko dahil dun.
"Siya kaya, ano kayang nararamdaman niya?", Mahinang bulong ko sa sarili ko.
"Anong nararamdaman at nino?" Napalundag ang puso ko ng biglang may magsalita sa likuran ko. Pagharap ko ay halos isang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa akin dahil nakayuko siya at tila bubulong sana sa akin.
"Ay tukmol!", Bulalas ko.
"Ang gwapo ko naman para tawagin mong tukmol," pagbibiro niya.
"K-kayo po pala Sir Jake.kanina pa po ba kayo diyan?" Nauutal na tanong ko.
"Maaga akong dumating. NagCR lang ako kaya nadaanan kita dito sa locker mo pero tulala ka kaya hindi mo napansin na nasa likod mo na ako", kaswal na sagot nito.
"Ano bang iniiisp mo? At anong sinasabi mong ano kaya ang nararamdaman nino?", Sunod sunod na tanong niya.
"Ah..eh..wala po Sir. May iniiisip lang po akong ibang bagay. Sige po pupunta na po ako sa station ko." Paalam ko sa kanya ngunit agad niyang kinabig ang braso ko upang pigilan ang pagalis ko.
"Wait Andrea,", tawag niya sa akin. Seryoso siyang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Siyempre hindi na naman nagpaawat ng rigudon ng dibdib ko.
"Let's have breakfast, I made sandwiches for us", lumawak ang ngiti sa mukha niya habang itinataas ang brwon na paper bag na mukhang pinaglagyan niya ng sandwich na ginawa. Hindi ko na nagawang tumanggi dahil sa itsura nito ay tila excited siya na ipatikim ang inihanda niyang almusal.
"Masarap ba?" Tanong nito na hindi pa din nawawala ang ngiti.
"Hmm. Opo Sir sakto po mahilig ako sa cheese", sagot ko. Totoo namang masarap ang tuna sandwich na ginawa niya dahil niglagyan din niya ito ng paborito kong keso at sinamahan pa ng smoothie.
"Good. Hindi sayang ang paggising ko ng maaga para lang maihanda yan", aniya habang kumakain ng ng pagkain ng dala niya. Maaga siyang nagising para lang dito? Saglit ko pa siyang pinagmasdan. Napakalayo ng Jacob na nakilala ko ng unang tapak ko dito sa opisina sa Jacob na nakikita ko ngayon at etong mga nakaraang araw. Kumpara dati na laging nakasimangot at nagsusungit, ngayon ay palagi itong nakangiti ,masaya at ngayon naman ay parang isang bata na masayang masaya dahil nagustuhan ang pagkain na ginawa niya.
"Hey, why are you looking at me like that?", Ipinitik pa niya ang daliri sa harap ng mukha ko para maputol ang pagmumuni muni ko.
"Ah...wala po Sir. Naninibago lang po ako kasi sa inyo," nahihiyang sagot ko at yumuko ako upang hindi makita ang pamumula ng mukha ko dahil sa pagkahuli nitong nakatitig ako sa kanya.
"Masanay ka na Andrea," mahinang sagot naman niya
Masanay? Hindi ko yata kayang makasanayan ang pagwawala ng puso ko sa tuwing malapit siya sa akin.
"Yung nangyari kagabi...", Nako po! Eto na nga ang iniiwasan kong mapag-usapan namin eh.
"Ah...Okay lang po yun Sir, kalimutan niyo na po. Hindi naman po natuloy eh. Alam ko po nabigla lang po kayo hehe," pilit akong ngumiti at hindi ipakitang labis akong naapektuhan dahil dun. Halos wala nga akong tulog sa kakaisip. Nanatili lang itong nakatitig sa akin.
"Ang totoo niyan Andrea.." ipinihit niya paharap ang katawan sa akin para sa tila masinsinang pag-uusap.
"Good Morning Sir Jake! Good Morning Andeng! Aba't ang aga niyo ah!" Hindi na niya nagawang ituloy ang sasabihin dahil sa biglang pagpasok ni Mam Jona sa pantry.
"G-good Morning Mam Jona," balik na bati ko sa kanya. Sana naman ay wala siyang narinig o nakita. Teka? Wala naman talagang makikita ah. Nag-uusap lang naman kami.
Napailing ng bahagya si Sir Jake bago nagsalita.
"Good Morning.", Malamig na bati nito kasabay ng pagtayo. Tumango lang ito sa amin bilang hudyat na aalis na siya..
"Ang seryoso ng pinag-uusapan niyo ah," bulong ni Mam jona.
"May nangyari ba nung biyernes na hinatid ka niya?", Seryosong tanong nito. Naalala ko na naman ang nakakahiyang ginawa ng gabing iyon.
"A-ano pong ibig niyong sabihin?" I panicked. Nagtataka ang tingin nito sa naging reaksyon ko.
"Wala naman. Kasi di ba nalasing ka", bungad nito. May alam kaya siya sa nangyari?
"baka kako pinapagalitan ka na naman. Baka bumalik na ulit kako yung sumpong", dugtong niya na mukhang wala naman siyang nais ipakahulugan sa naunang tanong. Inumpisahan na niyang ihain ang baon na almusal at inaya akong sumalo dun.
Mukhang hindi nila alam na sa condo ako ni Sir nakatulog. Sa tingin ko ay mas mainam na hindi nila alam upang wala na din kailangan pang ipaliwaang.
Sinamahan ko muna si Mam Jona habang nag-aalmusal. Masyado pa namang maaga kaya marami pa kaming oras upang makapagkwentuhan. Pero ang totoo ay paraan ko ito upang makaiwas kay Sir. Nang matapos na si Mam Jona sa pagkain ay siyang balik ko na din sa station ko.
"Ihahatid kiya mamaya pauwi," biglang text sa akin ni Sir Jake. Napalingon ako sa opisina niya at nakita siyang nakasaldal sa hamba ng glass door at inaabangan ang reaksyon ko.
"Nako hindi na po Sir. Tumawag po kasi ang bar eh at nakiusap kung pwede akong magduty ngayon pagkatapos ng trabaho ko dito", nalukot ang mukha niya sa reply ko.
"Okay then, mag-ingat ka mamaya", huling text niya.
Naguguluhan na talaga ako sa inaasta niya. Natapos ang buong araw at hindi na niya ako muling nilapitan o nagtext man lang. Kung sakaling lalapit siya sa akin ay pawang tungkol sa trabaho lang. Hindi ko sigurado kung nagalit ba siya sa pagtanggi ko na ihatid niya pauwi. E sa sadyang may lakad pa ako pagkatapos eh.
Hanggang makarating ako sa bar ay hindi nawala ang lungkot ko dahil sa hindi na nita muling pagpansin sa akin. Kung nagalit siya e di pwede naman niyang sabihin na sa bar na lang niya ako ihahatid kung hindi sa bahay di ba? Nakapasumpungin talaga ng lalaking yun. Hays...
" Three bottles of Beer please..", order ng isang lalaki. Naputol tuloy ang pag-iisip ko. Hindi ko na nilingon pa ito at agad na kumuma na lang ng order nito. Ngunit ng pumuhit na ang katawan ko paharap sa mga bagong dating na customer ay nalaglag yata ang panga ko.
"S-Sir Jake?!", Gulat na nasambit ko ang pangalan niya. Siya naman ay nakatitig lang sa akin ay bahagyang nakangiti.
"Hi Andeng!", Singit na bati ni Sir Andrew at Sir Gab na kasama din pala niya dito. Halos inokupa na nila ang buong bar counter sa laki ng bulto ng mga lalaking ito.
"Ano pong ginawa ninyo dito?", Tanong ko sa mga ito na hindi nawawala ang ngiti sa kanilang mukha.
"Ewan ko ba, suddenly nag-aya etong boss mo at dito daw kami uminom," sagot ni Sir Gab na tila may pinatutunguhan ang nakakalokong himig.
"Now I know bakit dito nag-aya 'to", tinaas-baba ni Sir Andrew ang kanyang mga kilay sa harap ni Sir Jake.
"F*ck off," malamig na sagot naman sa pang-aasar sa kanya ng dalawang kaibigan.
"Kelan mo balak magboyfriend ulit Andeng?" Tanong ni Sir Gab sa akin. Kanina pa sila nagkukwentuhan sa harap ko at pagkaminsan ay isinasali ako sa pamamagitan ng pagtatanong ng tungkol sa akin o kaya ng opinyo ko sa pinag-uusapan nila.
Namula ako sa tanong niya.
"Hindi naman po ako nagmamadali Sir Gab, kung darating ay darating po", nahihiyang sagot ko. Napasulyao ako kay Sir Jake na nakatitig sa akin at seryoso ang mukha.
"Kasi may irereto sana ako sa'yo eh", aniya.
"Kaedad mo yung pinsan ko, single pa yun kaya bagay kayo," dugtong pa niya. Siniko naman siya si Sir Gab na tawang tawa sa kanya.
"What?, " Nakangising sagot nito na nakatuon ang atensyon kay Sir Jake.
Alas dose pasado na ng hating gabi nang matapos ang duty ko. Nagfill in lang naman ako ng apat na oras dahil may booked event ang bar sa function room sa taas kaya kailangan ng katulong dito sa baba.
Nang magpaalam akong out na ako ay nag-aya na din ang tatlong magkakaibigan na uuwi na.
"Ihahatid na kita," malamig na boses ni Sir Jake. Ang dalawa naman niyang kaibigan ay hindi nagsalita pero lihim na nagtatawanan. Mukhang kanina pa nila inaasar ang boss ko.
"Okay po," tanging naisagot ko lang.
"Andeng ano nga pa lang number mo para maibigay ko sa pinsan ko. Iadd na din kita sa f*******: para maging friends din kayo", habol na tanong ni Sir Gab.
Sasagot pa sana ako pero pinagbuksan na ako kaagad ni Sir Jake at inutusang pumasok na sa loob ng kotse. Lalo namang lumakas ang tawa ng dalawa niyang kaibigan.
Hanggang makarating kami sa usual spot kung saan ako hinahatid ni Sir ay tahimik lang siya.
"Bababa na po ako Sir Jake. Salamat po sa paghatid," pagputol ko sa katahimikang kanina pa namamayani sa loob ng sasakyan niya. May topak na naman tong boss ko.
"Wait Andrea," tumingin lamang ako sa kanya,naghihintay ng kung anong sasabihin.
"Don't give your number to Gab, or to Andrew. If they want to talk to you they can tell it to me. Okay?" Naestatwa ako sa tanong niya.
"Po?"
"Or better yet don't give your number or even you social media accounts to other guys. " Sa himig ng boses niya ay hindi naman ito pakiusap kundi isang utos. Utos na parang may sense of ownership.
"Bakit naman po Sir?" Tanong ko sa kanya.
"Do you want to give it then?", Naiinis na balik tanong niya sa akin.
"Hindi naman sa ganon. Nagtataka lang ako kung bakit", ani ko.
"Ayoko lang..can you do it for me?" Tila nalusaw na ang kanina pa niyang panlalamig at napalitan ng pagsusumamo.
" Paano po kapag may nagtanong na kliyente?", Muling tanong ko.
"Here, give it to them. I'll glady answer their inquiries but not you," aniya sabay abot sa akin ng kinuhang maliit na kahon mula sa glovebox ng kanyang sasakyan. Nang silipin ko ang laman nito ay ang kanyang sandamakmak na calling cards.
"Si-sige po", sagot ko. Unti unti ng dumungaw ang matamis na ngiti sa kanyang mukha. ?
"Good.", Muling sagot niya.Para yun lang nawala na ang kanina pa niyang pagkabugnot?