Dali dali akong naligo at naghanap ng masusuot ko. Jeans, t-shirt at sneakers. Madali lang naman ang sinasabi niyang isuot ko pero bakit nahihirapan akong mamili sa kung anong meron sa closet ko. Halos puro ganito nga ang mga damit ko dahil ganito ang. style ko kaya kung tutuusin ay dapat madali lang ito para sa akin. Pero natagpuan ko na lang ang sarili ko nakailang palit pa ng damit para lang makapili ng pinakamaganda.
"I forgot to say to bring extra shirt and pants. You will be needing that." ani Sir Jacob sa text na kakasend lang niya ngayon. Agad ko yung inihanda at inilagay sa aking maliit na backpack. Naglagay pa ako ng kaunting pulbo,blush at lip tint para naman hindi ako mukhang hihimatayin. Nang masigurado kong presentable na ako ay lumabas na ako at bumalik sa kanyang sasakyan.
Naabutan ko siya na nakasandal sa harapan ng kanyang kotse habang kinakalikot ang cellphone niya. Hustisya! Bakit kaya niyang magmukhang modelo ng Calvin Klein sa simpleng white shirt at pants?! Hindi lang yata ako ang nakapansin sa mala adonis n ito dahil ang mga kadalagahan sa paligid ng lugar namin pati na ang mga beki at nanay na nakatambay sa tindahan ay kilig na kilig at pinagpipiyestahan ng mga mata ang gwapong nilalang na 'to. Bigla akong nainis. Sa bagay...sino ba naman ang hindi matutulala sa ganitong kagwapong lalaki? Gwapo na mabango pa..urgh! Naalala ko na naman ang sinabi ko daw nung lasing ako kagabi.
"Tititigan mo na lang ba ako o aalis na tayo?" Nanunudyo nitong tanong sa akin. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya. Sa sobrang occupied ko hindi ko napansin na nilapitan pala niya ako mula sa kotse niya.
"Ah, li-lika na po sir", nauutal na sabi ko. Napasadahan ko pa ng sulyap ang mga babae,nanay at beking nagtaasan ang kilay nang malamang ako ang kasama ng crush nila.
Iginaya niya at pinagbuksan niya pa akong ng pinto. Nang makaupo na ako sa passenger seat ay siya namang punta niya at sakay sa driver's seat.
"San po ba tayo pupunta Sir?", Tanong ko sa kanya. Malay ko ba kung saan niya ako dadalin!
Ginawaran niya ako ng natatawang reaksyon. Pinakatitigan niya ako pero hindi nawala ang ngiti sa kanya. Mahabaging Langit! Natutunaw na naman ako sa mga ngiting iyon.
"I told you it's a surprise right? Bakit mo pa tinatanong?" Sagot-tanong naman niya.
Napabusangot ang mukha ko at humaba ang nguso. Rumehistro na naman ang pagkamangha sa kanyang mukha at akmang hahawakan muli ang ulo ko tulad ng lagi niyang ginagawa pero agad napaatras ang ulo ko. Alam ba niya kung gaano kalakas ang kalabog ng dibdib ko sa tuwing ginagawa niya yun? Nagtaka siya sa pag-iwas ko ngunit hindi pa rin siya nagpatinag. Imbes na hawakan ang ulo ko at pinisil niya ang pisngi ko. Hindi iyon masakit. Pero sobra sobra ito para magregudon na naman ang t***k ng puso ko. Nahahalata kaya niya na nagba-blush ako?
Pinaandar na niya ang sasakyan. Hindi ako pamilyar sa lugar pero base sa mga roadsigns, papunta kami sa Rizal. Pagkatapos ng isa't kalahating oras na biyahe ay inihinto niya ang sasakyan sa isang mabavang gusali na parang bahay dahil simple lang ang mga materyales nito. May mga naka parada doong maliliit na sasakyan na parang motor. ATV ADVENTURES RIZAL. Ang sabi sa karatula. Eto pala yung mga napapanuod ko sa telebisyon na ATV. Teka eto ba ang gagawin namin? Hindi ako marunong nito.
Nag-aalangan pa akong bumaba ngunit nang makababa siya sa sasakyan ay agad din akong sumunod.
"I bet you've never tried riding an ATV, nakita mo pa lang eh mukhang kinabahan ka na," nakangiti niyang sabi sa akin.
"Hindi pa nga po Sir, baka mabangga ko lang po sa kung saan saan yan," sagot ko naman. Kinakabahan tuloy ako. Baka naman pwedeng hindi na ako sumama.
"Madali lang yan. Pag na try mo na mamaya sasabihin mong sisiw lang yan sa'yo. Manual nga na sasakyan kaya mong paandarin di ba?", Sinusubukan niya akong kumbinsihin by using my statement that I know how to drive. Pero iba naman ang sitwasyon na 'to.
"Eh..." Tututol pa sana ako pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Kaya mo yan, I will help you," nakangiting sabi niya at hinila na ako papasok sa loob.
Bago magsimula ay ipinaliwanag muna sa amin ng guide kung paano gamitin at paandarin ang ATV. Ang mga do's and don'ts at kung anong mga makikita namin sa trail.
"Come here," tawag niya sa akin at ipinihit ang katawan ko paharap sa kanya.
"Stay still," aniya na sinunod ko naman. Mula sa pagkakatayo ay lumuhod siya sa harapan ko at isa isang isinuot ang knee pads sa mga tuhod ko, sunod ang elbow pads, ang gloves at ang huli ay ang helmet. Napakalapit niya sa akin at nalalanghap ko na naman ang nakakahalina niyang pabango. Gwapo na,mabango pa. Urgh! Ayan na naman!
Tila ako naestatwa sa ginagawa niyang pagsusuot ng mga protective gears sa akin. Napakalapit niya at bawat pagtama ng mga balat namin ay nagdadala ng kung anong kaba at kuryente sa akin. Habang siya ay parang wala naman kahit anong reaskyon.
"There you go", aniya nang matapos ilagay ang mga ito sa katawan ko. "Ready?", Tanong niya na mukhang hindi ko na kailangan pang sagutin dahil muli na naman niyang hinawakan ang kamay ko at iginaya na sa gagamitin naming ATV.
Ayon sa kanya ay may dalawang klaseng trail dito depende sa layo at sukal ngn
trail na dadaanan.
Pinili niya ang mas maikling trail na tinatawag nilang Forest Trail dahil ang dadaanan ay ang mga pines trees at forested areas na may mga kasama ding maputik na off-road trail para hindi naman daw ako mabigla. Sabi din niya na mas mainam ito dahil sa hapon na din kami nagsimula ng trail at dahil mapuno ang lugar na ito ay maraming parte ang malilim kaya hindi kami masyadong mabibilad sa araw. Sa una ay natatakot pa ako pero nang magsimula na ay nabatid kong hindi naman ito ganoon kahirap. Isa pa ay nakakalibang din ang tanawin na nakikita mo habang nilalakbay mo ang trail. Nahihiya man ako na mabagal ang pagpapatakbo ko but Sir Jake made sure that it's okay and stayed behind me. Tama nga ang sinabi niya na kakailangan ng damit na pamalit dahil siguradong madudumihan ang damit na suot mo sa maputik na trail. Binati kami sa daan ng mga bata at mga lokal ng komunidad dito. Saglit din kaming huminto sa ilang tour stops para kumuha ng larawan. Kinuhaan niya ako ng pictures gamit ang cellphone camera niya. Nandun din na nakisuyo siya sa guide ba kuhaan kami ng picture na magkasama.
Nang matapos na ang nakakapagod ngunit sobrang nakakaenjoy na ATV adventure ay naglinis na kami ng katawan at nakapagbihis na.
Kumain muna kami sa isang restaurant na nadaanan namin pauwi.
"Nag-enjoy ka ba?", Tanong niya sa akin habang hindi inaalis ang tingin sa daan. Madilim na din nuon dahil hapon na kami nagtapos sa trail.
"Opo Sir. Salamat po ha" sagot ko na kanya.
"Gusto pa sana kitang dalin sa ibang tourist spots sa Rizal eh like Masungi Geo Reserve,
Rizal Adventure Camp, Pinto Art Museum, or sa Tagaytay naman. Kaso tinaghali na tayo ng alis. At isa pa baka may hang over ka pa at hindi kayanin ng sikmura mo ang ibang activities. Next time,maybe.." kitang kita ang saya niya habang nakukwento.
"Next time?", Malakas na reaksyon ko.
"Yeah,next time. Wait, ayaw mo ba? Hindi ka ba mahilig sa mga outdoor activities?" Sunod sunod na tanong nito na tila nag-alala sa akin.
"Ah hindi sa ganun Sir," pagtutol ko sa iniisip niya. Itinaas at iwinagayway ko pa ang dalawang kamay upang pigilan siya sa ganung pag-aakala.
"Ang ibig ko pong sabihin ay may next time pa? Pwede ko po bang itanong kung bakit niyo ginagawa ang mga 'to? I mean bakit ako lang po? " Tanong ko sa kanya.
Hanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang biglaang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin. Tinignan niya ako sandali at may namuong pagdadalawang isip sa mukha niya.
"I'm..not sure Andrea. But for now let's just say that I want to show you the things that awaits you. Ang dami mong namiss na gawin when you were with him, ang mga bagay na maari mo pang maranasan kaya dapat ienjoy mo ang buhay", seryosong sagot niya. Minsan naiisip ko na simula ng maghiwalay kami ni Allan at malaman ni Sir Jake ang dahilan ay mas naging okay ang pakikiyungo niya sa akin. Is he feeling sorry for me? Naaawa lang ba siya sa akin kaya ganito siya kabait sa akin? May kung anong lungkot ang dumapo sa akin.
Muli akong kinain ng kaba sa dibdib ko nang mula sa kinauupuan niya ay inabot niya ang kamay sa pisngi ko ay dahan dahang inilandas ang daliri sa balat ko.
"Why do I feel different when I'm with you?" Tanong niya na mukhang hindi para sa akin kundi para sa sarili niya.
"Everything just seems so..light and easy..", pagpapatuloy niya. Bumaba ang tingin niya sa mata ko papunta sa aking mga labi. Lalong lumakas ang t***k ng puso ko nang unti-unting inilapit niya ang mukha niya sa akin. Ramdam ko ang kanyang mabilis na paghinga. Dahil medyo malalim na ang gabi ay tahimik na dito sa lugar namin. Rinig na rinig ang mabilis at maingay na t***k ng puso naming dalawa. Nakabukas naman ang aircon ng sasakyan niya pero bakit pinagpapawisan ang kamay ko.
Lalong lumapit ang mukha niya sa akin at napapikit ako sa hindi ko malamang dahilan. Alam ko naman ang susunod na mangyayari at marami akong dahilan para pigilan iyon pero parang napako ako sa kinauupuan ako at nawala ang lakas o mas tamang sabihing wala rin ang kagustuhan kong tutulan ang gagawin niya. Gusto ko din ba na mangyari yun? Ang mahalikan niya at mahalikan siya? Konti na lang Andeng, mag-isip ka.
"Baloooott! Penooooooy"
Tila parehas kaming nakabalik sa wisyo at hindi naituloy ang paglapat ng labi sa akin dahil sa malakas na igaw ng mamang nangtitinda ng balot.
"Uhm...ba-bababa na po ako Sir. Sa-salamat po sa paghatid",
agad kong binuksan ang pinto ng sasakyan niya at walang lingon lingon na mabilis na naglakad papasok sa eskinita.
Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa siya.
Nang makarating ako sa boarding house ay siya ring tunog ng cellphone ko.
"Goodnight Andrea, sweet dreams", waaahhh! Mama Mary! Sigaw ng isip at damdamin ko nang mabasa ang text ng lalaking kasama ko lamang kanina. Goodluck na naman sa eyebags ko mamaya.