Sa mga lumipas pa na araw ay nagpatuloy ang ganitong pakikitungo ni Sir Jake sa akin. Madalas sa umaga ay nauuna kaming dalawang dumating sa opisina at katulad ng unang ginawa niya ay lagi siyang may dalang agahan para sa aming dalawa. Hindi naman namin pinag-uusapan yun pero napansin ko na lamang na sinasadya kong agahan ang pagpasok sa opisina dahil alam kong naghihintay siya sa akin. Kung minsan naman ay nabibigla na lang ako na nakaabang na siya sa labas ng apartment ko para sabay kaming pumasok sa opisina. Pero sa lahat ng mga pagkakataon na yun ay hindi namin ipinahalata sa mga kasamahan namin. Hindi namin napag-usapan na hindi sabihin sa kanila. Sadyang hindi lang siguro importante na malaman pa ng iba. Gustong gusto kong itanong kung ano bang meron at ganito ang pag-aalaga na ginagawa niya sa akin. Pero natatakot ako na baka ako lang ang nag-iisip na may kahulugan yun para sa kanya.
Ngayong umaga ay naisip kong ako naman ang magdala ng almusal para sa aming dalawa. Naghanda ako ng sinangag, bacon, longganisa at scrambled egg. Mas inagahan ko pa ang paggising para makapaghanda ng maayos na pagkain. Ako naman ang babawi sa kanya dahil baka naman isipin niya ay puro si kain lang ako sa mga dala niya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang hinahanda ko ang lahat. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ang mga iniluto ko? Matutuwa din kaya siya katulad ng tuwa ko sa bawat umagang sabay kaming magkasalo sa pagkain? Hindi ko na rin matiyak kung ano ba ang nararamdaman ko. Basta ang alam ko masaya ako sa mga ipinapakita niyang kabutihan sa akin. Pero nandun pa din ang agam agam na maaaring walang malalim na kahulugan at dahilan ang lahat.
Muli ko pang sinilip ang paper bag na dala ko at napangiti ako sa anticipation sa magiging reaksyon niya. Sana masurprise siya. Dalawang sasakyan lang ang nasa parking. Nandun ang sasakyan niya at ang isa naman ay hindi ko kilala. Marahil sa tenant sa taas ng building. Masigla ko muling binati si Kuya Samuel. Wala pa din ang ibang kasamahan namin. Hindi ko mapigilan ang excitement ko habang umaakyat sa second floor kung saan ang pantry namin. Ngunit pag-akyat ko ay wala siya sa pantry. Marahil ay nasa CR ito. Inilapag ko muna ang dala kong paper bag. Mamaya ko na lamang ilalabas ang mga tupper ware na pinaglagyan ko ng pagkaing inihanda kapag nandito na siya. Lumipas ang halos tatlong minuto ay wala pa din siya. Imposible naman na wala siya dito dahil nandito ang kotse niya at ang sabi ni Kuya Samuel ay nandito na siya sa taas.
Nakarinig ako ng kaluskos sa fire exit na ginagawa ding smoking area minsan. Dahan dahan akong lumapit dito at nakitang nakaawang ang pinto.
"Did you miss me?" Malambing na tanong ng babae. Isang boses na kahalihalina pakinggan.
"Of course I did. Ako ba namiss mo?" Sagot-tanong naman niya. Walang halong pambobola ang sagot na iyon. Maging sa mukha nito ay bakas ang katotohanan sa mga salitang sinabi niya. Ngumiti ang babae sa kanya.
"Come here, let me hug you" aniya at iniawang ang dalawang braso upang makalapit ang babae sa kanya.
"Akala ko hindi na tayo babalik sa dati," ani ng babae habang mahigpit ang pagkayakap nito sa kanya.
"Alam mong hindi kita matitiis," sagot nito.
Sabay silang ngumiti sa malambing nilang pag-uusap.
Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko dahil wala namang namamagitan sa amin. Pero kakaibang lungkot at sakit ang lumulukob ngayon sa puso ko.
Akmang aalis na sana ako nang mapalingon ang babae sa gawi ko. Lumawak ang ngiti nito sa labi.
"Hi Andrea! Kanina ka pa ba diyan?", Magiliw na bati niya sa akin. Pilit akong nagpakawala ng ngiti upang maitago ang pagkabigla sa nasaksihan kong eksena kanina. Kumawala siya sa pagkakayakap nila at humakbang papalapit sa akin. Kasunod naman niya si Sir Jake na nakangiti din. Parang walang nangyari ah. Sa bagay ano nga naman sa kanya kung may makita ako?
"Ngayon lang po Mam Mikee," sagot ko.
"Kamusta ka na dito?ngayon lang ako nakabalik kasi nagtampo pa sa akin itong Boss mo," aniya at muling sumulyap ng makahulugan kay Sir Jake at bahagya itong siniko sa tagiliran ng tiyan.
"Sinusungitan ka pa ba nito?", Tanong niya. "Sabihin mo lang sa akin at ako ang bubugbog para sayo", dugtong niya. Napatingin naman ako kay Sir Jake na natatawa sa kanya.
"Nako yari ako! Alam mo namang hindi ko kayang gumanti sayo lalo na ngayon," pabirong sagot naman nito. Ngayon ko lang nakita ang ganung pagtawa niya. Yun yata ang isa sa mga hitsura niya na tanging si Mam Mikee lang nakakapagpalabas sa mukha niya.
"H-hindi na po Mam..mabait na po siya sa akin," sagot ko na pilit ikinukubli ang nararamdaman. Ano nga ba itong nararamdaman ko?
"Dapat lang!", Muling banta ni Mam Mikee sa kanya.
"We're having breakfast Andra.Join us! Maaga pa naman eh," baling niya sa akin upang ayain na sumama sa kanila. Pero..naghanda ako ng pagkain para sa amin. Bulong ko sa isip ko.
"Yes, join us Andrea", paanyaya din niya sa akin. Eh naghanda nga akonng breakfast nating dalawa sir..sagot ko sa isip ko.
"ah, hindi na po..nag-almusal na po ako sa bahay", pagtanggi ko sa kanila. Nakita kong may pagtataka sa mukha ni Sir Jake. Marahil naisip niya na laging dito na ako sa opisina lnag-aagahan...kasabay niya.
"Are you sure? Maaga pa naman..", pamimilit pa sana ni Mam Mikee pero tumanggi na ako at sinabing may gagawin ako kaya sinadya kong maagang pumasok.
Maya maya ay umalis na sila upang magbreakfast.
Lumipas ang maghapon at hindi na bumalik si Sir Jake. Tumawag siya kanina kay Mam Jona para sabihin na didiretso siya sa meeting sa isang kliyente.
"Wait for me, ihahatid kita sa apartment", text niya sa akin ng hapon na halos pauwi na kami. Ngayon pa siya nagtext. Ganun ba siya kabusy?
"Hindi na po Sir, tumawag ang Bar kanina. Pinapapasok po ako ngayon. Didiretso na po ako pag out ko dito sa opisina.' reply ko.
"Kailangan mo pa bang pumasok dun? I mean..wala naman na ang dahilan kaya ka nagtatrabaho dun di ba?", Muling text niya. Alam kong patungkol na naman ito kay Allan.
"May pamilya din po akong pinapadalhan sa probinsya," malamig na sagot ko. Ngayon magtetext text siya kasi di na niya kasama ang babaeng mahal niya. Sa inis ko ay pinatay ko ang cellphone ko. Pagka out ko sa bangko ay dumiretso na ako sa Bar at agad na nagbihis ng bartender uniform ko. Makapagtrabaho na nga lang.
Kahit nakaduty na ako ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang disappointment ko sa nangyari ngayong araw. Ang aga kong gumising para lang maghanda ng almusal namin tapos may breakfast date pala siya. Parang kelan lang nakita ko siyang galit dito tapos ngayon payakap yakap pa siya at may pa "i miss you , did you miss me " pang nalalaman. Kainis! Hindi ko sinasadyang napalakas ng sabi ko nito.
"Miss Sexy, dalawang glass pa nga ng rhum," tawag ng isang lasing na lasing ng customer na kanina pa naglalango ng alak dito sa bar counter.
Agad kong ibinigay ang order nito para hindi na siya mag-ingay pa.
"Alam mo Miss maganda ka at sexy pa, baka gusto mo ng lumabas pagkatapos ng trabaho mo dito?", Maaskad na tanong ng mamang ito gamit ang lasing na boses. Amoy na amoy na din ang alak sa katawan niya at halos hindi na makapagsalita ng maayos at pasuray suray na ang pagkakaupo.
Hindi na lang ako sumagot.
"Hoy miss! Bingi ka ba?! Psst!", Pilit na tawag nito sa akin ngunit pinili kong wag na lang pansinin.
"Aba'y bingi ka yata eh, halika nga dito," dumukhang ang lasing na lalaki sa bar counter at nagihit ang braso ko dahilan upang mahila niya ako papalapit sa bar counter. Nagtapunan ang ilang mga drinks na nasa ibabaw nito.
"Aray!," Napasigaw ako dahil tumama ang katawan ko sa lamesa.
"Kapag kinakausap ka sumagot ka!", Galit na singhal nito. Akmang hihigitin pa nito ang braso ng papalapit pa lalo sa kanya ng may kumapit sa kamay niyang mahigpit ang hawak sa braso ko at marahas na inalis ang pagkakahawak sa akin. Sabay pa kaming lumingon ng lasing na lalaki sa kanya at sa pagkabigla ko ay mukha ni Sir Jake ang bumungad sa amin.
"Huwag kang iinom kung hindi mo kaya," madilim ng tingin niya sa mamang lasing.
"Hoy, huwag kang makiaalam dito ha!", Singhal ng lalaki sa kanya at muli na namang hinaltak ang braso ko. Agad niyang inalis ang kamay nito sa akin at ng akmang susuntikin siya nito ay inunahan niya ng isang malakas sa sapak sa mukha ang bastos na mama. Sakto nman na dumting na ang mga bouncer at hinarangan ang natumbang lalaki upang di na ito makalapit pa sa amin. Hinila ni Sir Jake ang isang braso ko at padabog akong hinila palabas ng bar.
"Sir..san niyo po ba ako dadalin? May trabaho pa po ako sa loob hindi pa tapos ang duty ko," pagtawag ko sa kanya na hindi man lang ako nilingon bagkus ay dirediretso akong hinatak patungo sa parking lot kung nasaan ang kotse niya.
"Sinabi ko na sayong tumigil ka na sa pagtatrabaho mo dito pero hindi ka nakinig. Tignan mo ang nangyari.. kung hindi pa ako dumating ay baka nasaktan ka na!" Galit na singhal niya sa akin.
"O ngayon tignan mo, muntik ka ng mapahamak," nagtatangis ang panga niya sa labis na galit. Sunod sunod ang marahas na paghinga niya.
"Hindi ko naman sigusto yun eh. At isa pa sinabi ko na din na may pamilya din akong tinutulungan. Hindi lang naman si Allan ang dahilan ng pagtatrabaho ko doon" napataas na din ang boses ko sa kanya. Sa totoo lang ay masama ang loob ko sa kanya dahil sa nangyari kaninang umaga.
"At saka ano po ba ang ginagawa niyo dito? Tanong ko sa kanya na nagpakunot ng noo niya.
"What?! Sinundan kita dito because you f*ckin' turn turn off your phone at hindi kita mac*ntact. Nag-aalala ako sa'yo! ", galit na din ang rumerehistro sa mukha niya
"E ano naman? Di ba dapat si Mam Mikee ang kasama mo ngayon?!" Singhal ko.
"Ano?!" Tanong nito sa akin.
"Akala ko kasi hindi lang breakfast ang ginawa ni ni Mam Mikee eh! Maghapon kang nawala kaya inisip ko pati lunch at dinner date umabot pa kayo. Kaya hindi na po ako naghintay sayo. O baka naman hanggang kanina e nagyayakapan kayo!" hindi ko napiligilan na sumabog ang sama ng loob ko na kanina ko pa dinaramdam.
"Are you jealous of her?"
"Huh? Of course not! Bakit naman po ako magseselos Sir? E hindi ko naman po kayo kaano-ano!" Halos mabulunan ako sa sinasabi ko. Kahit ako ay pinilipilt kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi selos ang nararamdaman ko.
"Ang mabuti pa po umuwi na kayo. Kaya ko na po ang sarili ko," sagot ko sa kanya na mataas na din ang boses.
"Yan ba ang tinatawag mong kaya ang sarili? Ni hindi mo nga magawang sumigaw man lang sa takot", papaano pa ako sisigaw e ibubuka ko lang ang bibig ko e nakasalo na agad ang kamay mo sa akin.
"Oo na alam ko na Sir. Alam ko naman po ang tingin niyo sa akin eh. Alagain ako, hindi ko kayang protektahan ang sarili ko, helpless, parang bata, di ba yun ang tingin mo sa akin Sir Jake?" Hind yata nauso ang "space" at "period" sa sinabi ko dahil tuloy tuloy kong binitawan ang mga salitang ito na tila kakapusin pa ako ng hininga.
"Oo tama ka! Everytime I look at you, I see this naive,innocent woman, minsan para kang bata," pagsang-ayon naman niya.
Hindi ko alam kung gaano ba kalakas ang boses namin dahil nagsisigawan na kami mabuti na lamang at walang ibang tao dito sa parking lot at mukhang nasa loob pa ng bar ang lahat ng may-ari ng ibang sasakyan dito.
"See! E ano naman po sa inyo kung ganyan ako? Umuwi na nga lang po kayo" Muling sigaw ko sa kanya. Ngayon lang ako nagalit ng ganito. At ngayon lang ako nakipagsigawan ng ganito sa buong buhay ko.
"Because it makes me want to protect you!" Sigaw niyang muli. I was..stunned. Tama ba ang narinig ko?
"A-ano?" Nauutal na tanong ko.
Napahimalos ito sa mukha. Pagkatapos ay nahihiyang nagkamot ng ulo.
"D*mn!" Mahinang bulalas niya. Ilang saglit ay tinawid niya ang espasyo sa pagitan naming dalawa. Nang nasa harap ko na siya ay hinawakan niya ang dalawang balikat ko.
"It's true. At first I think that you're too naive and innocent. And even gullible and crybaby sometimes." Nangisi nitong sabi. " But aside from that, you're this sweet, kind hearted lady. You're this fragile girl na isang maling galaw ko ay madaling mababasag. And it makes me want to protect you more;to take care of you more; kasi ayaw kitang makitang masaktan,ayaw kitang makitang umiiyak. You're too precious to me. Because...I like you Andrea! I..I really really like you!", Naestatwa ako sa sinabi niya. Or more like sa naging confession niya. Hindi ako nakapagsalita agad dahil gusto kong iproseso sa isip ko kung tama ba ang nariririnig ko. He..he likes me?
Hinawi niya ang mga takas na buhok ko papunta sa likod ng aking tenga.
"Hindi ko alam kung kelan nagsimula. I just found myself wanting to spend more time with you. Akala ko nung una concern lang ako dahil staff kita. O baka dahil parang kapatid kitang babae. Pero nung may ibang lalaking nagpapakita ng intetes sayo, nagselos ako." May ngiti sa mga labi niya.
May maliit nabutil ng luha ang namuo sa mga mata niya ngunit hindi yun dahil sa lungkot. Dahil sa saya? Hindi ko sigurado.
"Hey, say something", aniya na bahagyang napatawa.
"Aah,,I..." Nauutal kong saad. "Sorry nabigla ako..hi-hindi ko kasi naisip na maaari kang magkagusto sa akin", napayuko ako. Hinawakan niya ang aking baba at mahinay na iniangat ang mukha ko hanggang magtama ang paningin namin.
"You're one very special girl Andrea. And I so d*mn like you", muling pahayag niya at may malawak na ngiti. Parang maiiyak ako.
"It's okay kung hindi ka muna sumagot ngayon. Take your time..para mas magkakilala pa tayo ng husto. But, I'm glad that I finally said it", He cupped my face. Unti unti lumapit ang mukha niya sa mukha ko. At ayan na naman ang puso ko,ayaw paawat sa pagreregudon niya. Napapikit ako ng iisang pulgada na lamang ang pagitan namin. Itutuloy na ba namin? Eto na ba? Hinihintay kong lumapat ang mga labi niya sa labi ko pero sa halip ay naramdaman ko ang pagdampi ng mainit niyang labi sa aking noo. Napabuka ang mata ko ng makita ang masaya niyang mukha. Dinala niya ang katawan ko sa mga bisig niya at niyakap ako ng mahigpit. Sa madilim na parte ng lugar na yun ay tanging kabog lang ng nga dibdib namin ang naririnig.