About Last Night

1325 Words
Hmmmm...napakasarap ng tulog ko kagabi. Hindi ko alam kung kelan ako huling nahimbing ng ganito. Ngayon ko lang naramdaman na napakasarap sa likod ng kama ko, at ang unan ko na napakalambot ang sarap yakapin. At ang amoy nito..hmm..napakabango. Pamilyar sa akin ang amoy na ito. Amoy pabango ng lalaki pero hindi masakit sa ilong. Bagkus parang gusto ko pang magsumiksik dito para mas lalo ko pa itong maamoy.  Anong oras na ba? Unti unti kong iminulat ang aking mga mata. Nanaginip lang yata ako. Hindi naman ganito ang itsura ng  kwarto ki. Ang ganda naman ng panaginip na ito. Paano nga ba ako nakauwi kagabi? Napamulat bigla ang aking mga mata. Nagpabaling baling ang aking paningin sa kabuuan ng kwartong alam kong hindi sa akin. Nasan ako?! Isip Andeng, isip! Ang huling naaalala ko uminom kami kagabi para icelebrate ang magandang performance ng branch. Nakailang bote nga ba ako ng beer? Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa akin. Relax Andeng..suot ko pa din ang office uniform ko. Wala rin akong kakaibang nararamdaman sa katawan ko. That's a good sign. Ngayon ang kailangan ko na lang alamin ay kung nasaan ako. Muli akong nagmasid. Medyo pamilyar ang kwarto. Parang nakita o napuntahan ko na dati. Pero hindi ko matandaan. Gulong gulo pa ang isip ko nang biglang bumukas ang seradura ng pinto at lumabas doon ang napakagwapong anghel ah este-- "Sir Jake?!" Napabulalas ko nang makita ko siya. Nakasuot ng pajama at simpleng t-shirt ngunit naghihimutok naman ang kanyang braso at abs. Lord! Ang aga pa po! "Buti naman at nagising ka na. Akala ko hapon ka pa magkakamalay diyan. Maghilamos ka na muna sa CR diyan, may extrang toothbrush dun nilabas ko na. Lumabas ka na din agad para makapagbreakfast." Aniya na parang kaswal lang na nandito ako sa kwarto niya nakatulog. Napasapo ako ng aking dalawang palad sa aking mukha. Hala! Agad akong tumakbo sa CR para manalamin. Hay...buti naman wala akong namuong muta o laway sa mukha. Kundi nakakahiya! Hays! Makapaghilamos na nga! Dahan dahan akong naglakad papunta sa dining table. Nag-aalangan pa ako kung sasabay ba ako sa almusal o magpapaalam na lang na uuwi na. Ngunit hindi pa ako nakakapagsalita ay nakita na ako nito at inaya ng maupo sa hapag. "Eat and drink this. It's peppermint tea to soothe your upset stomach due to hang over," aniya at abot sa akin ng tasa ng tsa-a. "S-salamat po Sir", mahinang sabi ko. Nahihiya pa din ako. "D*mn! Paano ka naging bartender kung mahina ka uminom?" Tanong nito na tila natatawa. Hindi naman insulto pero parang hindi makapaniwala. "Kailangan lang naman pong tikman namin para malaman kung tama ang timpla. Hindi naman po requirement na magpakalasing din kami", paliwanag ko. Naalala ko tuloy na muntik na din akong hindi makapasa sa isang pratical exam nung nag-aaral kami ni Allan ng bartending dahil naparami ang inom ko dahil sa pagpapraktis ko kaya may hang-over ako kinabukasan. Mabuti na lamang at tinulungan ako ni Allan. "Tss! Kumain ka na nga," muling aniya na hindi nawawala ang pagngisingisi. "Pagkatapos mong kumain ay ihahatid kita sa boarding house mo," "Nako huwag na po sir. Kaya ko naman na po," sinamaan lang niya ako ng tingin. Tumahimik na lang ako. Alam kong ang mga tingin na yun ay nangangahulugan manahimik na lang ako at hindi na ako pwedeng tumanggi. "Uhm...Sir..paano po ako nakarating dito sa condo ninyo?" Tanong ko sa kanya. "Hmm paano ba? Nalasing ka sa tatlong bote ng beer kagabi. Hinatid kita sa lugar ninyo pero hindi ka na makausap ng maayos dahil bagsak ka na sa antok. Hindi ko alam kung saan ang mismong boarding house mo dahil hanggang kanto lang naman kita naihahatid. Wala na rin akong matanungan at sarado na ang mga bahay doon dahil gabi na. Wala akong choice kundi iuwi ka dito," paliwanag niya. Kulang na lang ay lumubog ako sa kinauupuan ko sa kahihiyan. Ano ka ba naman Andeng?! Pinapangako ko mula sa araw na ito na hindi na ako iinom ng alak. "Pasensya na at wala akong kasama ditong babae na pwedeng magpalit ng damit sayo. Hindi rin naman tama na akong magbih--", "Ah..o-okay lang po yun sir. Huwag niyo na pong alalahanin", pagputol ko  kaagad sa kanya. Winagayway ko pa ang aking dalawang kamay tanda ng pagtanggi sa sinasabi nito. Mas lalo akong lalamunin ng kahihiyan kung marinig ko pang ituloy pa ang sasabihin kanina. "Tss! Sige na kumain ka na nga..." Nasambit niya at muling napangisi. "Ang cute mo lalo sa paningin ko," dagdag nito. Mahina lang ngunit hindi ito nakalampas sa pandinig ko. Lalo tuloy akong namula sa hiya. Nauna siyang natapos kumain at naligo. Paglabas ay nakabihis na ito. Simpleng maong pants at t-shirt lang suot nito. Pero tulad kanina,  nagyayabang na naman ang tikas ng katawan nito. Nasaan ang hustisya? bakit nung nagpaulan ng abs, biceps, at triceps ay gising na gising ang lalaking ito! Nang makatapos akong kumain ay inihatid na niya ako. "Bumaba ka na para makaligo ka. I'll give you thirty minutes to get ready. Wear something comfortable. Jeans and shirt preferably. And sneakers. I'll wait for you here." Seryosong sabi niya. Nagulumihanan ako. "Po?" Tanong nasabi ko. "Hays..." Napabuntong hininga siya at hinilot pa ang kanyang sentido. "Nakakabingi ba ang hang over?" Parang naiinis pa siya. E sa hindi ko nga magets ang sinasabi niya eh. "I said, bibigyan kita ng trenta minuto para makaligo at makapagbihis. Magsuot ka ng pantalon, t-shirt at sneakers. Hihintayin kita dito sa kotse", muling saad niya. "Narinig ko po yun Sir, ang ibig ko pong sabihin ay bakit po ninyo ako pinagbibihis?" Sagot ko dito. "May pupuntahan tayo kaya kilos na para hindi tao tanghaliin", may pinundot siya sa kotse upang bumukas ang lock ng pinto. "Saan? At bakit po?" Sana naman ipaliwanag muna niyang maiigi di ba? "Ang dami mong tanong, kumilos ka na lang" naiinis na yata siya. Pero hindi pa din ako kumilos dahil may gusto pa akong alamin sa kanya. "Sir, may ginawa po ba ako or nasabi kagabi?" Actually yan ang kanina ko pang iniiisip. Isang beses na nalasing ako ay kung anu-anong sinasabi ko kay Allan tungkol sa isang terror na professor ko.  Sobrang kahihiyan ang inabot ko buti na lang at si Allan lang ang nakarinig. Nangangamba ako na baka may nasabi akong hindi maganda sa pandinig ni Sir Jake. May pagkasumpungin pa naman ang isang ito. "Hmmm..." Nag-isip pa ito sandali. "Wala naman," dagdag niya. Nakahinga ako ng maluwag. "Ah sige po Sir. Maliligo lang po ako at magpapalit. Bibilisan ko po," nakababa na ako ng sasakyan at aktong isasara ko na ang pinto nang magsalita siyang muli. "Maliban lang sa sinabi mong gwapo ako at mabango", nakangising sabi niya. Nanlaki ang mata ko at bahagyang napabuka ang bibig ko sa pagkabigla. Mahabaging langit! Naramdaman ko ang pagpula ng mukha ko. Agad kong isinara ang pinto at dinalian ang lakad palayo. Bago ako tuluyang pumasok sa eskinita ay lumingon ako saglit sakanya at kita ang mukhang niyang hindi mawala ang pagtawa. Inang ko po! Anong kagagahan ang ginawa mo Andeng?! Jacob's POV Hindi mawala ang ngiti ko sa tuwing maaalala ko ang reaction niya nang sabihin ko ang mga pinagsasabi niya kagabi. Sobrang pula ng mukha niya. Kung alam ko lang na magiging ganun siya ay hinanda ko na sana ang cellphone ko para maivideo ko ang inasal niya kagabi. Kung alam lang niya na hindi niya ako pinatulog dahil sa mga pinagsasabi niya. So, she finds me handsome and I smell good for her huh? .Napangiti ako lalo. Hindi ko na pinansin ang sinabi niyang masungit ako. "Ang bango, parang ang sarap hal--" I thought she was gonna kiss me, but few inches away, she passed out again. Thank goodness for saving me! Nang masigurado kong mahimbing na ang tulog niya ay kumuha na ako ng pamalit na damit ay sa banyo na sa labas ako naligo. Panay balikwas ko sa couch nahinihigaan ko not because I felt uncomfortable but because of all the things she said about me.  Why do I feel this sudden amusement because of that? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD