Celebration

1548 Words
Jacob's POV Nagising ako sa maingay na tunog ng cellphone ko. Kinapa kapa ko pa ang paligid ng kama upang makuha ang phone ko. Hindi ko magawang imulat ang aking mga mata. "Hello?...Ma!" Napabalikwas ako nang marinig ko ang tinig ng tumawag sa akin mula sa kabilang linya. "Opo Ma. Lumabas lang ako kagabi Ma..eto naman! Promise po next week uuwi ako diyan sa atin." Hays eto na naman ang nanay ko. Dinadakdakan ako sa telepono. Isang buwan na kasi akong hindi umuuwi sa bahay namin sa Rizal. Sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko na alam kung gaano karami bang alak ang nainom ko kagabi. Hindi ko rin alam kung paano ako nakauwi dito sa condo ko. Nagpasya akong maligo muna at baka sakaling mabawas bawasan ang hangover ko. Nang matapos ako ay ibinalot ko muna ang ibabang parte ng katawan ko ng tuwalya at tinungo ang kusina para magtimpla ng kape. Ngunit laking pagtataka ko ng makita na may nakahain ng almusal sa mesa. Wala akong matandaang nagluto ako bago umalis kahapon. Agad ko iyong sinuri. May bacon, scrambled egg, sinangag at tocino. Ngunit ang lahat ng ito ay mukhang bagong luto lang. Then I saw a note left beside the kitchen counter. "Sir..pasensya na po. Dito na po ako nakatulog sa sala niyo kagabi. Wala na po kasi akong makuhang taxi or mabook na car dahil madaling araw na. Sorry din po nakialam ako sa kusina niyo para ipagluto kayo ng agahan. Umuwi na po ako. -Andeng" So si Andrea ang naghatid dito sa akin sa bahay? Sobrang lasing na siguro ako pero tanda ko na nagtatrabaho siya sa bar na pinuntahan ko kagabi as a bartender. Ikinagulat ko yun. Hindi ko akalain na ang isang mukhang inosente at di makabasag pinggan na kagaya niya ay may talent pala sa pagtitimpla ng alak. Ni hindi ko nga sigurado kung marunong ba siyang uminom eh. Ang tingin ko kasi sa kanya ay masyadong demure at mahinhin. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nagtipa ng message para sa kanya. "Thank you for helping me last night Andrea.. and also for the breakfast." Pwede namang iwanan ako nito. But she chose to help me. Naisip kong mabait talaga ang batang ito. Maya-maya pa ay nagreply ito. "Walang anuman po Sir. May hangover po ba kayo?" "Medyo. Pero sanay naman akong uminom." Sagot ko. "Okay po." Andeng's POV Pagputok pa lang ng araw ay bumangon na ako. Kagabi ay nagpasya akong dito na umidlip sa condo ni sir. Sa sofa ako dito sa sala nahiga. Wala na akong makukuhang taxi o mabobook na rent-a-car ng ganuong oras. Hindi naman siguro siya magagalit. Tuyal naman ay nagmagandang loob akong ihatid siya dito. Aalis na din sana agad ako pero napatingin ako sa kabuuan ng condo niya. Halos walang gamit doon. Mukhang hindi din siya madalas magstay dito dahil mga basic furnitures and appliances lang ang nandito. Ganito siguro talaga pag solo sa buhay ang lalaki. Ano kayang kinakain niya? Baka puro take out lang. Tinungo ko ang ref nito. Puro beer in can ang makikita, iba't ibang brand. May mga kahon ng pagkain na nabawasan lang. Buti na lamang at may frozen goods sa freezer at nakita ko din na may bigas ito sa isang lagayan sa pantry. Nang makahanap ako ng sapat na ingredients ay sinimulan kong maghanda at magluto ng almusal para sa kanya. Malamang paggising niya ay gutom siya. Mas maiging may nakahanda ng pagkain. Mula sa kung ano lang ang available sa kusina niya ay nakapagluto ako ng tocino,scrambled egg,at bacon. Isinangag ko din ang kanin na naisaing ko. Siguro naman ay sapat na ito para sa isang tao. Nang matapos ay nagsulat ako ng note para sa kanya. Umuwi na din ako kaagad. Tanghali na nun ng makatanggap ako ng text. "Thank you for helping me last night Andrea.. and also for the breakfast." Nakahinga ako ng maluwag. Nang nasa biyahe na kasi ako pauwi ay napaisip ako kung okay lang ba sa kanya na nakialam ako sa kusina niya. Baka kasi isipin niya pakialamera at feeling close na agad ako sa kanya. "Walang anuman po Sir. May hangover po ba kayo?" "Medyo. Pero sanay naman akong uminom." Sanay? Ganun ba ang sanay? Halos lumangoy na nga siya sa kalsada sa sobrang pagkalango sa alak eh. Tapos sasabihin niya sanay siya. Bumalik sa alaala ko ang ginawa niyanh pag-iyak kagabi. Kaunting patak lang ng luha yun dahil saglit lang ay kumawala na ito sa pagkakayakap sa akin at bumagsak sa kanyang kama. Pero ramdam ko ang sakit na dinadala niya dahil sa pagkabigo sa pag-ibig. I feel so sad and sorry for him. But I felt an inch of happiness because I saw how vulnerable this man can be. Nakita ko ang nakatago nitong pagkatao.  Kung titignan mo siya ang nakakaintimidate siya. Gwapo, maganda ang katawan, may ganda nag trabaho. Talagang nakakaintimidate.  Pero sa likod nito ay nagtatago ang isang mapagmahal na lalaki. Yung kayang magmahal ng buo at totoo. Sa likod ng tapang niya ay may pakiramdam ang lalaking ito, nagmamahal, nasasaktan. Nakakalungkot nga lang dahil hindi niya siya mahal ng taong mahal niya. Sana makahanap siya ng totoong pag-ibig. "Okay po."yun na lang ang tanging naireply ko. ---------------------------------------------------------------- Jacob's POV Nakakapagod ang maghapon meeting ko sa tatlong magkakasunod na kliyente. Pero worth it naman dahil lahat sila ay naconvince ko na magsimula na ang banking relationship sa amin. Sarado na ang bangko dahil tapos na ang banking  hours nang makarating ako sa branch. Nadatnan kong nag-uumpukan ang mga staff ko at nagkakasiyahan. "Aba mukhang nagkakasiyahan kayo dyan ah." Bati ko sa kanilang lahat ng makita kong nagsasalu-salo sila sa pantry. "Good afternoon Sir Jake!" Bati nilang lahat sa akin. "Anong meron at may pameryenda?" Masayang silang nagkukwentuhan habang kumakain ng Pizza, spaghetti, ice cream at sofdrinks." "Nako Sir libre lahat yan ni Andeng. Bumaba na kasi yung regularization papers niya!" Pagbibida ni Lina. "Ganap na siyang empleyado ng bangkong ito.Uy...maeenjoy na niya lahat ng benefits!" Panunukso naman ni Jackie na may halong pagkiliti pa sa tagikiran ko. Agad kong sinaway ni Angeng ang kamay nito. "Congratulations Andrea!" Napangiti siya sa pagbati ko sa kanya. "Ah, Sir Kain po kayo." Agad niya akong ipinagsandok ing spaghetti at nilagyan yun ng pizza. Inabot niya sa akin din ang isang pint ng ice cream at can ng softdrink. Bukas loob ko naman  itong tinanggap at nagpasalamat "Ako nga po ang dapat magpasalamat sa inyo eh. Alam ko naman po na kailangan ng recommendation niyo para maregular ako. Salamat po Sir!" Well, I must admit. Nung una ay naisip kong masyadong mahina ang loob niya para sa ganitong trabaho. Mukhang madali itong mataranta at malito. Iyon pa naman ang dapat na iwasan ng isang teller dahil pera ang hawak nito. Ngunit sa lumipas na ilang buwan ay nakita ko kung gaano siya kapursigido. Bukod dun ay magalang pa siya. Madalas ko siyang pagalitan at masigawan noon pero hindi ko siya nakitang nagsama ng tingin sa akin. Oo minsan niya akong nasagot dahil sa manyak na kliyente ko pero hindi counted yun dahil alam kong may mali din ako kaya tama lang na ngatwiran siya. Wala dind reklamo si Jona at mga kasamahan niya sa kanya at madalas pa ngang puriin ang pagiging masipag at pagsusumikap nito. "You deserve it Andrea. Just keep up the good work." I smiled at her. "Nako Andeng siguradong katutuwa niyan yung mga fans mo dito!" Singit ni Mam Jona. "Fans?" Tanong ko sa kanina. "Yug mga magkakacrush sa kanyang clients natin sir. Lagi kaya kaming may libreng tinapay pangmeryenda sa tuwing dadating yung tindero ni Mrs. Lim, yung may bakery, pano crush na crush nun si Andeng!" Pagbibida naman ni  Art na may laman pang spaghetti ang bibig pero ayaw paawat sa pagkwento. "Oo nga sir! Pati nga po si Mam Estrella e nirereto yan si Andeng sa apo nitong binata eh." Si Lina ay nakisali na din. Nakita ko ang pagpula ng pisngi ni Andrea dahil sa hiya. Hindi ko alam kung bakit but I find it cute. "Oo nga pala Andeng, hindi ka pa nagkukwento sa amin ah! Ikaw ba e may boyfriend na? Para naman alam namin kung tama bang ireto ka pa namin." Tanong ng madaldal na si Jackie. "Ah,meron na po. Sa katunayan ay mag pipitong na taon na kami ni Allan." Wow! Ang tagal na nila ng boyfriend niya. Hindi ko akalain na ang inosenteng batang ito ay may long term relationship na. "7 years? Ui..e di madami na kayong napuntahan at nagawa Andeng?" Napatingi  ako kay Art sa tanong nito. I know it's double meaning. " Hindi kami masyadong nakakapasyal eh. Ayaw naming masyadong gumastos dahil nga nag-aaral pa siya. Madalas ay sa mall lang kami. Pero nasubukan na naming mga Boracay. " Sagot nito. I bet she has no idea on what Art is aking her. "E kahit naman nasa kwarto lang kayo madami kayong mapupuntahan Andeng!" Pabiro ni Jackie. Hindi agad nakuha ni Andrea ang sinabi nito pero saglit lang ay namula ng husto ang mukha niya. Hinampas ng marahan si Jackie. " Hoy wala kaming ginagawang ganyan noh! Baka bumangon sa hukay ang lola ko at kurutin ako nun ng pinong pingi. " Tawa nito pero kita pa rin pamumula ng pisngi nito. Nagtawanan ang  mga ito sa reaksyon niya. Ako naman ay napangiti lang. I find her innocence and charm amusing. But dang! She has a boyfriend. I don't know why but it bothered me. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD