Allan

1527 Words
Nang sumunod na araw ay nagkita kami ni Allan upang icelebrate ang regularization ko. Parehas kaming naging abala. Ako sa trabaho at siya naman ay sa pag-aaral at sa trabaho niya sa isang coffee shop. Nasa ikatlong taon na si Allan ngayon medicine school. Kapag nakapagtapos siya dito ay sunod na ang residency niya. Ilang taon pa at kapag naging ganap na siyang doktor ay makakapagpakasal na kami. Yun ang plano namin. Pangako din nito na patitigilin na ako sa pagtatrabaho sa oras na maging stable na ang kanyang trabaho bilang doctor. Gusto niyang makapagfocus ako sa aming bubuoing pamilya. Parehas kami ni Allan na nanggaling sa simpleng pamilya lamang. Nakapagtapos ako ng kolehiyo sa tulong ng scholarship. Si Allan naman ay working student. Pangarap niya na maging isang doctor bata pa lang siya. Nagkakilala kami dahil sa isang common friend. Sa birthday ng kaibigan na yun kami unang nagkita at kinuha niya ang number ko. At matapos ang anim na buwan na panliligaw ay sinagot ko na siya. Siya ang una kong boyfriend.  "San mo gustong kumain?" Tanong niya habang magkahawak ang aming kamay at naglalakad sa mall. "Gusto kong mag samgyeopsal. Matagal na nating plano yun di ba? Masyado ka naman kasing busy babe." Sagot ko.  Simula ng magsimula siya sa medicine school ay naging madalang na ang pagkikita namin. Dati ay tatlong beses kami sa isang linggo kung magdate. Ngayon ay isang beses na lang at kung minsan ay every two weeks na lang kami magkita. Abala din kasi siya sa part time job niya bilang barista sa isang coffee shop. Yes, magkasama kami noon na nag enroll sa isang eskuwelahan na nag ooffer ng short courses tulad ng bartending. Kaya ngayon ay parehas kaming may part time job. "Ok babe. Tutal naman ay regular ka na kaya kailangan nating icelebrate yan." Anito sabay gawad ng halik sa ibabaw ng aking kamay. "May mga libro nga pala ako nakailangang bilihin." Sabi nito habang inaayos ang mga karneng niluluto sa grill ng korean restaurant na napili namin. "Hayaan mo dahil may allowance akong matatanggap nitong katapusan. Sakto at regular na ako kaya entitled na ako sa allowances at bonuses. " Sagot ko naman sa kanya. Dahil salat sa sapat na pera ang pamilya ni Allan ay self supporting na siya simula nung college siya. At dahil ginagawa niya ang lahat pagsisikap upang maging doktor para sa kinabukasan naming dalawa ay buong puso ko siyang sinusuportahan bilang girlfriend niya. Kasama na dun ang pagtulong sa kanya sa financial needs. Noong una ay ayaw niya pero sinigurado ko sa kanyang ayos lamang iyon sa akin. Para sa amin naman ang mga pagsusumikap niya kaya willing akong suportahan siya. "Salamat talaga babe!" Nakangiti nitong sabi sa akin at naglagay ng nalutong karne sa aking plato. Pagkatapos naming kumain ay inaya niya akong dumalaw sa kanina. Matagal tagal na din na hindi ko nakikita ang pamilya niya. Sa halos mag pipitong taon na relasyon namin ay naging malapit na din ako sa pamilya niya lalo na kay nanay. "Nasaan ang nanay at tatay? Pati si Aaron?" Tanong ko dito patukoy sa mga magulang at bunsong kapatid niya. "Wala sila lahat. Umuwi sila ng Pampanga lahat para sa piyestahan dun. Bukas pa ang uwi nila." Aniya sabay upo sa tabi ko sa sofa sa sala. Hinawakan nito ang aking kamay at tinaniman ito ng maliliit na halik. Nung una ay ayos lamang  sa akin. Ngunit ang halik na yun ay napunta sa aking labi. Marahan lamang hanggang sa naging mapusok na ito at naramdaman kong sinusubukan niyang itaas ang laylayan ng aking palda. "B-babe..", tawag ko sa kanya. "Hmmm?" Sagot lang niya na hindi tinitigil ang ginagawang paghalik naman sa aking leeg. ""Babe.." muli kong tawag ngunit hindi siya nagpatinag sa ginagawa niya. "Allan!", Sigaw ko nang itulak ko siya palayo sa akin. Kita ko ang gulat at pagka- inis sa ginawa ko. "Ano na naman?" Galit na singhal niya. "Alam mo naman ang stand ko tungkol sa bagay na iyan di ba?!" Sigaw ko din pabalik sakanya. "Pucha naman Andeng! Magse-seven years na tayo hanggang halik lang sa labi ang naabot natin! ",Naiiling siya sa inis sa akin.  Nangako ako sa sarili ko na ibibigay ko lamang ang aking virginity sa magiging asawa ko at sa araw ng kasal namin. Sigurado naman na ako kay Allan na siya na ang gusto kong mapang-asawa pero gayun pa man ay gusto ko pa din na manatiling buo ang aking p********e hanggang maikasal kami. "Uuwi na ko!" Tinaasan ko ang aking boses at dali daling lumabas ng kanilang bahay. Pumara ako kaagad ng taxi at ang magaling na lalaking yun ay hindi man lang ako hinabol para magsorry. Nagtext lamang siya na hindi na daw niya ako maihahatid at magkita na lamang ulit kami next week. Naiyak ako sa inis at lungkot. Ilang beses na naming pinagatalunan ang bagay na iyon. Pauwi na ako sa bahay nang makatanggap ako ng tawag mula sa bar na pinagtatrabahuhan at itinanong kung maari akong pumasok. Ngayon kasing araw ay nagpaalam akong may lakad ako dahil nga sa lakad namin ni Allan pero dahil sa kalookohang ginawa nito ay bakante ang oras ko ngayong gabi kaya pumayag na din akong magduty ngayon. May sakit daw kasi ang nakaduty dapat ngayon kaya kinailangan nila na maghanap ng biglaan ng papalit dito. Wala pang isang oras akong nandito sa bar station ng dumating ang isang pamilyar na customer. "Sir Jake! Kamusta po?" Bati ko sa kanya Pangalawang beses ko pa lang siyang nakita dito. At ang una nga ay nung nalasing siya ng husto. Tumango lamang ulit ito. "Maglalasing ka ulit sir?" Nakangiti kong tanong sa kanya. "Tutulungan mo ba akong umuwi ulit kung  magkaganon?" Natatawa naman niya baling saakin pagkatapos ay lagok sa bote ng beer na inorer niya. "O-oo naman po sir. Kahit po mahirap kayong bitbitin dahil ang bigat niyo po." Kung alam lang niya na sumakit ang balikat ko dahil sa pag-alalay sa kanya. Ang tangkad kaya niya compared sa akin. "Tss! Hindi na siguro at baka mamaya may masabi pa akong hindi mo dapat malaman sa sobrang kalasingan ko." Napatitig lang ako sakanya dahil bumalik sa alaala ko kung paano siyang lumuha ng gabing iyon. Mukhang nakahalata siya sa bigla kong pag-iisip kaya bigla din siyang nagtanong. "May sinabi or ginawa ba ako nun Andrea?" Saglit ulit akong tumingin sa kanya at nagsalita. "Ahm..wala naman po Sir..." Napahinga siya ng maluwag at sumandal sa back rest ng bar stool. Lagok ulit sa beer na iniinom. "Maliban sa "I love you..Mahal kita..Mikee.." ginaya ko kung paano niya ito sinabi. Namula ng husto ang mukha niya gayong hindi pa naman marami ang naiinom niya. Halos maibuga din niya ang beer na kakalagok lang. "Huli na yon.." malungkot na sabi niya. "Nakalimutan mo na ba siya Sir?" Curious na tanong ko. "You can't just forget a love like that." I sensed the sadness in him. "But I know that it's time to let this feelings go. All I wanted was for her to be happy. Even if that happiness is not me." He continued. I stared at him in awe. Wow! How can this intimidating man love a woman that much? "Makakahanap ka din ng para sa'yo Sir." Napatitig siya sa akin. Hindi ko maintindihan pero nakakatunaw ang titig na yun. Tumatagos hanggang kaluluwa. Marahil ay ganun katindi ang nararamdaman niya para sa babaeng minahal niya na kahit ako na nakikinig lang sa sinasabi niya ay naaapektuhan. "I will..I know I will." Huling sabi nito at itinuloy na ang iniinom. Nagstay si Sir Jake sa bar hanggang matapos din ang shift ko pero talaga ngang hindi siya nagpakalasing. Nakailang bote lang siya ng beer and the rest ay kwentuhan lang ang ginawa namin. Well I did most of the talking. Nagtatanong lang siya tungkol sa pamilya ko, sa trabaho, sa mga dati kong naging trabaho at kung anu-ano pa. "Sir salamat po ulit sa paghatid sa akin." Ani ko bago bumaba ng kotse niya. "It's okay Andrea. Good night." Sagot naman niya. "Hmm..may tanong lang po ako Sir." Baling ko sa kanya. Siya naman ay bahagyang ipinihit paharap ang katawan sa akin at naghintay sa tanong ko. "Bakit po Andrea lagi ang tawag niyo sa akin? Lahat sila ay Andeng ang tawag sa akin pero kayo po Andrea pa din." "Do you prefer  Andeng then?" Tanong niya. Napailing ako. "Hindi naman po. Pero lahat po kasi ng kaibigan ko pati pamilya ko Andeng ang tawag sa akin." "Andeng sounds kambeng. Tss!" Umiling iling pa ang kanyang ulo. Pinipigil ang matawa sa biro niya na yun pero kita ko kung paano niya isinara ang mga labi upang hindi lumabas ang malakas na tawa doon. "I prefer calling you Andrea. I like it better, Andrea." Aniya at muling bamaling ng tingin sa akin. Inang ko po! Bakit biglang bumilis ng t***k ng puso ko sa ngiti niyang iyon. Napakamot ako ng ulo at nagpaalam na sa kanya.  Bumaba na ako ng kotse at naglakad palayo sa sasakyan. Nakakatatlong hakbang pa lang ako nang magsalita ito mula sa likuran ko. "Goodnight Andrea!" Napahinto ako dahil kumalabog na naman ang dibdib ko. Muli akong bumaling sa kanya ng tingin. "Gu-goodnight po Sir!" Sabi ko at nagmadaling maglakad papasok sa eskinita. Hindi ko alam kung nakita niya pero naramdan ko kung paanong namula ang buong mukha ko dahil sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD