Ilang araw na ang lumipas simula ng sinorpresa kong dalawin si Allan sa eskwelahan nito pero gumugulo pa din ito sa isip ko. I tried to throw away all the doubts that I'm having right now. Siguro naman ay totoo ang sinasabi ni Allan na maaga lang silang pinauwi. Nang magkita kami sa mall ng araw na yun ay naka MedSchool uniform naman ito. Dala dala din niya ang ilang books na kabibili lang niya nung katapusan. Pagkatapos mananghalian at tumambay saglit ay inihatid na niya ako sa bahay dahil may pasok pa siya sa coffee shop ng gabi. Sa tinagal ng relasyon namin ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Baka masyado lang akong naapektuhan sa mga sinabi ng kasamahan ko sa trabaho pero hindi naman ibig sabihin nun na totoo na ang mga ito.
"Andrea? Hey Andrea!" Bahagya pa akong napabalikwas sa paghawak ni Sir Jake sa balikat ko isang araw na naglalunch ako sa second floor ng office.
"Sir? Ano po yun?" Tanong ko sa kanya.
"Anong ano po yun? Kanina ka pa nakatulala diyan. May problema ka ba?" Kita ang pag-aalala sa kanyang mukha. Umupo siya sa katabing silya ko habang inaayos ang pagkain niya para sa pananghalian. Hindi na ito bago sa akin dahil minsan ay naglalunch out ito. Kung minsan naman ay sa opisina kumakain. Ngunit ito ang unang beses na nagkasabay kami.
"W-wala po Sir. May iniisip lang po akom" sagot ko dito at sinimulang pagtuunan muli ng pansin ang pagkain ko.
Nakakailang subo pa lang ako sa aking pagkain nang mapahinto ako dahil napansin ko ang paninitig ni Sir sa akin. I felt conscious immediately.
"Bakit po?" Tanong ko dito nang harapin ko siya. Ngunit halos mapalundag ako ng ilapat nito ang kilurang bahagi ng kanyang kamay sa aking noo.
"May sakit ka ba?", Tanong nito." Wala ka namang lagnat", dagdag pa niya na may halong pag-iling pa.
Hindi ko alam kung napansin niya ang bahagyang pag-init at pagpula ng mukha ko dahil sa pagdampi ng balat niya sa balat ko. Ewan ko ba pero napapadalas na ang pagbilis ng t***k ng puso ko sa tuwing nakikita ko siyang ngumingiti sa akin at ngayon naman ay konting lapit lang ng katawan namin.
"W-wala po Sir." Sagot ko dito at inilayo ang noo ko sa kanyang kamay. Agad din naman niyang ibinalik ang kamay na ito sa kutsara at muling sinimulan ang pagkain.
"Kung may problema ka pwede ka naman magsabi..baka..may maitulong ako." Aniya. Nanatiling nakatuon siya sa pagkain ngunit napansin ko ang saglit na patingin niya sa akin sa gilid ng kanyang mata. Gusto ko sanang matulala pa at pagmasdan niya ngunit agad akong sinaway ng isip ko. Bakit mo naman gagawin yun aber?
"Okay lang ako Sir..pero salamat po", nagpakita ako ng malawak na ngiti sa kanya upang mapawi na ang pag-aalala niya sa akin. Pag-aalala? Sure ka bang nag-aalala siya sayo? Pwede naman dahil sabi niya nga diba? I'm one of his people.
May sakit na nga yata ako dahil sinasagot ko ang sariling mga tanong sa isip ko. Nagkibit balikat na lamang siya at hindi na muling nagsalita pa.
"Babe san ka?" Nagtipa ako ng mensahe para kay Allan. Etong mga nakaraang araw ay may kung anong nagtutulak sa akin na alamin ang whereabouts niya.
"School babe. May group study kami. Why?" Reply nito agad sa akin.
Nagbakasakali akong nasa coffeeshop na pinagtatrabahuhan si Allan ngayon dahil saktong may binili ako sa mall malapit dito. Alam ko naman na wala siyang schedule ngayon pero pagkaminsan kasi ay pinapapasok siya kapag may hindi makakapasok na crew. Wala din naman siya dapat pasok sa eskwelahan ngayon ngunit may group study daw sila.
Sayang naman at wala siya dito ngayon. Pero tila magcrave ako sa paborito kong frappe drink kaya pumasok ako sa naturang coffee shop upang bumili na lang din.
Pero sadyang traydor talaga minsan ang tadhana. Nanlaki ang mga mata ko nang dumako ang mga ito ko sa isang table kung saan may nakaupong isang lalaki at babae na tila sweet na sweet pa. Nakaakbay ang lalaki sa babae at halos magkapalit na sila ng mukha sa sobrang lapit nila sa isa't isa.
Nanginginig na nilapitan ko sila upang makasigurado ako sa aking nakikita. Ngunit bahagya pa lang ang layo ko dito ay kabisado ko na ang boses ng lalaki at agad ko iyong nakilala nang magsalita siya.
"A-Allan?" Hindi makapaniwalang tawag ko sa pangalan niya.
Parehas silang napalingon sa akin at agad na patayo si Allan sa kinuupuan dahilan upang bahagya niyang maitulak palayo ang babaeng kasama.
"Andeng.." aniya sa pangalan ko.
"Anong ibig sabihin nito?" Pinilit kong pigilan ang mga luhang nagbabadya ng bumagsak mula sa mga mata ko. "You're cheating on me." I added. Given the scene I just witnessed and based on his reaction, it's not a question but a statement. An obvious statement.
"Let me explain Babe.." papalapit pa sana siya sa akin pero itinaas ko ang kamay ko upang pahintuin siya sa paglapit.
"Akala ko ba nasa group study ka?" Bakit nga ba naitanong ko pa ito gayung obvious naman na lame excuse lang ito para makapambabae siya.
"Mag-usap muna tayo", pagpapakalma niya sa akin ngunit ang babaeng kasama niya ay agad na nanghimasok sa pag-uusap namin.
"Allan!" , Tawag nito sa kanya.
"Dianne, stay out of this." Baling niya sa babae.
"Babe..let me explain first please." Balik niya sa akin.
"So ano?! Pipiliin mo pa din yang tatanga tangang babaeng yan?" Galit na singhal ng babae sa kanya.
"Ako tatanga tanga? Hindi ba ikaw tong tanga gayung alam mong may girlfriend na e pumatol ka pa?!" Hindi ko napigilang sumagot sa kanya. Kahit papaano ay nagawa kong ipagtanggol ang sarili ko kahit tila nanlalambot na ang mga tuhod ko.
"Oo ikaw ang tatanga tanga. Kasi halos anim na buwan ka ng tinu-two time hindi ka pa nakahalata. Kung sa bagay ano nga ba naman ang aasahan mo sa isang tuod na hindi kayang magpaligaya ng lalaki." Nabigla ako sa karumihan ng bibig ng babaeng ito.
"Shut the f*ck up Dianne!" Mas lumakas ang sigaw ni Allan. Unti unti na din kaming nakakatawag ng atensyon ng ibang customer.
"Yun ba ang dahilan Allan? Dahil hindi ko maibigay ang hinihingi mo?" Konting pigil pa Andeng.. huwag mong hayaang pumatak ang luha mo. Maging matapang ka. Kumbinsi ko sa aking sarili.
"Akala ko pa naman ay maayos tayo. Pinagsusumikapan nating matapos ka sa Medschool para kapag naging doktor ka na ay makapagpakasal na tayo at makakapagsimula ng sarili nating pamilya. All these time niloloko mo lang pala ako." Ngunit traydor talaga ang emosyon ng tao. Kahit anong pigil kong maiyak ay kusa ng bumagsak ito sa mga pisngi ko.
"Tss! Talaga palang tanga ka eh. Hindi ka pa nakahalata! Ang dali mong mauto. Para sabihin ko sa'yo, hindi naman talagang pumapasok sa Medschool iyang si Allan. Hindi totoong nagdodoktor siya!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Anong kalokohan ito?
"Dianne sabi kong tumigil ka na!" Muling saway sa kanya ni Allan pero ayaw papigil ng babaeng ito at akmang susugurin pa ako pero mabilis siyang nahatak ni Allan papalayo sa akin.
"Para sabihin ko sa'yo lahat ng pera ibinibigay mo kay Allan para sa pag-aaral niya ay ginagastos lang namin sa Casino at Motel" parang sinampal sampal ako ng paulit ulit sa narinig ko. Agad nabaling ang tingin ko kay Allan. Waring nagtatanong kung totoo ba ang lahat ng sinabi ng babaeng ito. Ngunit hindi ko na kailangan pa ng tugon niya para makumpirmang tama ang lahat ng narinig ko dahil sa reaksyon ng mukha ni Allan pa lang ay bakas na ang katotohanan sa lahat ng sinabi ng babaeng kasama niya.
Agad akong tumalikod at lumabas ng coffee shop na yun. Hindi ko inalintana ang bulto ng mga taong kanina pa pala nanunuod sa eksenang ginawa naming tatlo kanina.
Ngunit ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay agad akong hinigit ni Allan para pigilang lumayo.
"Babe please pakinggan mo ako..makinig ka muna sa paliwanag ko. Si Dianne wala lang yun. Outlet ko lang siya ng lahat ng frustrations ko pero ikaw ang mahal ko Andeng,ikaw lang!",
"Kung mahal mo bakit mo ako nagawang lokohin?! Tapos yung MedSchool?! Ano yun?" Sigaw ko sa kanya.
"Nagawa ko lang yun dahil ayokong madisappoint ka.." Saad niya. Bakas ang pagsusumamo na pakinggan ko ang paliwanag niya. "Ikaw naman kasi eh! Sa tuwing magkasama tayo wala ka ng ibang bukambibig kundi ang pagdodoktor ko at mga pangarap natin. Andeng, alam mong kahit college pa lang ay ginapang ko na makatapos lang ako ng Nursing. Walang kakayanan ang magulang ko na suportahan ang pag-aaral ko." Bakit parang naging kasalanan ko pa ngayon ang dahilan ng pagsisinungaling niya?
"Kaya nga tinulungan kita di ba? Nag part time pa ako para lang matustusan natin ng magkasama ang pagdodoktor mo. Pero eto labg pala ang gagawin mo?" Pilit lumalapit si Allan sa akin pero bawat hakbang niya ay siyang layo ko din sa kanya.
"Andeng ang totoo niyan isang taon lang bakatapos ko sa MedSchool. Sa tingin mo ba sasapat ang kakarampot kong sahod dito sa coffeeshop para tustusan ang lahat ng kailangan ko sa pag-aaral at pagtulong sa pamilya ko? Andeng alam mong mahirap lang kami!", Pangangatwiran pa niya.
"Nagawa ko lang yun dahil Mahal na Mahal kita at natakot akong madisappoint ka sa akin. Lahat ng suporta binigay mo sa akin kaya mas lalong nanliit ang tingin ko sa sarili ko. Kaya natuto akong magcasino, at si Dianne, bumili ako ng uniporme sa school at pati libro para lang maipakita sayong nag-aaral ako. Lahat sila outlet ko lang ng frustration ko kasi hindi ko maamin sayo na ganito na lang ako. Hindi ko na kayang matupad ang pangarap kong maging doktor. Pero ikaw ang mahal ko Andeng..Mahal na mahal kita kaya please patawarin mo ako please..." Nadudurog ang puso ko sa lahat ng narinig ko. Gusto kong maniwala sa kaniya. Pero mas nananaig ang galit ko sa kanya, at ang awa ko sa sarili ko dahil nagpakatanga ako.
"Wala ng tayo Allan, break na tayo. Wag ka ng magpapakita pa sa akin o magtangkang lumapit man lang." Hindi sumagi sa isip ko ni minsan na ang halos pitong taon na relasyon namin ay mauuwi sa wala. At ang taong kasama kong bumuo ng pangarap ay siya palang wawasak din ng mga pangarap na yun. Tumalikod na ako at sinimulang maglakad muling papalayo. Narinig ko pang tinatawag niya ako ngunit sa kung anong dahilan ay nawala na ang pagtawag niya sa akin. Marahil ay natauhan na siya na wala na kami. O marahil ay muli siyang pinuntahan ng babaeng yun ay pinigilang sundan ako. Kung ano man ang dahilan ay wala na akong pakialam. Ang gusto ko lamang ay makalayo sa lugar na yun, at makalayo kay Allan.