Protective Instinct

1526 Words
Andeng's POV Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa gilid ng kalsada kung saan walang masyadong dumadaan na tao at sasakyan. Gusto kong iiyak ang lahat ng sakit dahil sa katotohanang sumampal sa akin kani-kanina lamang. Hindi ko mahanap kung saan ako nagkamali o kung saan ako nagkulang? Dahil kahit saang anggulo ko tignan, sobra sobra pa nga ang ibinigay ko. Pagmamahal, tiwala, suporta at maging pera ay labis labis pa ang inilabas ko para lamang sa pangarap ni Allan. Hindi ako nagsumbat ni minsan dahil alam kong ginagawa ko iyon para sa taong mahal ko, at para sa kinabukasan namin. Pero sa huli ginawa lang niya akong tanga. Baka nga tama ang sinasabi nila tungkol sa akin. Uto-uto ako, Madaling mapaniwala, inosente. Lahat ng pinagpaguran ko, lahat ng sinakripisyo ko ay sinayang lang niyang lahat.  Gusto ko lang ibuhos ang lahat ng luha ko pero ewan ko ba sa natatanging sasakyan na dumaan at sa harap ko pa talaga tumigil at kanina pa bimubusina. Really? Dito pa talaga?! Nagmomoment ako diba?! Isang busina pa at hindi ko na natiis. Nagtaas ako ng tingin at pinahid ang mga luhang kalat kalat pa sa mukha ko. Ngunit siyang hirap ko naman na maaninag kung sino ang nakaparada sa harap ko dahil mukhang namamaga na ang mata ko sa labis na pag-iyak. "Pwede bang huwag ka diyan sa kalsada umiyak? Para kang batang naliligaw at hindi makita ang nanay niya." Sa tono ng boses nito, at sa kung paanong galit na pamamaraan ng pagsasalita nito, alam ko na agad kung sino siya. "Si-Sir Jake?" Tanong ko kahit sigurado naman akong siya yun. "Hindi! Papa mo 'to. Kaya sumakay ka na sa kotse dali." Sarkastiko nitong saad ngunit halata ang inis sa pagkakabitaw nito ng mga salitang iyon. Huwag ngayon Sir Jake..huwag ngayon. Isip isip ko ngunit sinunod ko pa din ang utos nito at agad na sumakay sa passenger seat ng kotse nito. Jacob's POV Hindi ko alam kung maaawa ba ako o maiinis sa babaeng nakaupo ngayon sa passenger seat ng kotse ko. D*mn! Kulang na lang ay umatungal siya sa kakaiyak niya. Simpleng araw lang ko lang sana ito ngayon. Nasa biyahe ako papunta sa bahay ni Andrew dahil usapan namin ay mag-iinom kami sa pad niya. Mamayang gabi pa sana ako pupunta pero ang mokong na ito akala mo babae at buntis dahil biglang nagcrave sa paborito naming Crispy Mukha kaya ayun pinadayo muna ako sa dito sa Diliman para bumili nito at pati na rin ng dagdag pulutan pa. Pero habang binabagtas ko ang street malapit sa sikat na restaurant na yun  ay namataan ko naman ang pamilyar na babae mula sa kalayuan. Patawid ito patungo sa isang coffeeshop. Nakapunta na ako sa lugar ng boarding house niya kaya alam kong hindi naman dito ang area na yun.  Nagkamali yata akong nagpadala ako sa kuryusidad kaya inihinto ko ang kotse at sinundan ko siya. San kaya ito papunta? Makikipagkita kaya siya sa boyfriend niya? Mapakuyom ang kamao ko sa huling hinuha ko. Ewan ko ba kung bakit sinundan ko  pa siya dahil laking gulat ko na isang eksena palang hindi ko inaasahan ang madadatnan ko. P*ta kala mo nasa shooting ako ng isang pelikula. Sa mga ganun ko lang kasi ito napapanuod eh. At kadalasan ay pinapatay ko pa ang television kapag ganitong palabas dahil hindi ko ito hilig at action ang preferred ko. Meddling was never my habit. That stuff is for girls only. But I don't know what pushed me to stay in that place and watch that scene. Is it because of the girl involved? C'mon Jake Of course you're concerned.  It's natural. She's your staff remember?! I convinced myself. I knew it! Something's odd with that boyfriend of hers. Minsan din akong naging maloko sa babae nung kabataan ko kaya nakakaramdam naman ako kahit papano kung may mali sa kapwa ko lalaki. Hindi lang naman babae ang may instinct. Kami din namang mga lalaki ay nakakaramdam din. Gusto kong hilain na lang siya mula sa lugar na yun dahil kita ko kung gaano kamiserable ang itsura niya sa mga nalaman niya. Pero ayokong makialam. Pinigilan ko ang sarili ko. Bahagya akong nagtago sa likod ng mga taong nakikiusyoso nang humarap siya sa gawi ko at dali daling lumabas ng pinto. Sinundan siya ng g*gong lalaki na yun at siya din naman sunod ko. Gusto kong makasigurado na walang gagawing masama ito sa kanya. Ngunit sinigurado kong hindi niya ako makikita. "Nagawa ko lang yun dahil Mahal na Mahal kita at natakot akong madisappoint ka sa akin. " What a lame excuse! Kahit pala sa mga millenials e ginagamit pa din ang gasgas na palusot na yan! G*go ka yun lang ang dahilan dun wala ng iba. "Wala ng Tayo Allan, Break na Tayo," hindi ko alam kung bakit. Pero napahanga ako ni Andrea sa tapang na ipinakita niya ng sabihin ito. I always see her as this innocent, gullible, naive young lady. Yung tipong madaling bilugin ang ulo. And honestly, I dont like that in girls. Maybe that's why I fell in love with Mikee. She cried to me. Just once. When she pushed Oliver away. But that was the first and last time I saw her cry because of misery. I prefer independent girls. Yung hindi alagain. Yung kayang protektahan ang sarili nila. But Andrea, she seemed so fragile to me. But looking back, this is the third time that I saw how strong she can be. First is when that old hag client of mine almost took advantage of her, second is when she defended herself to me because I got mad believing that she disrepected that client, and now this. But still, I  find her very dependent. Hindi kayang magdesisyon para sa sarili. Laging nakadepende ang buhay sa ibang tao. Makes me want to....sh*t Jacob! don't even  get there. I snapped out of myself. Akmang hahabulin pa sana siya ng Allan na yun kaya lumabas na ako mula sa hamba ng pinagtataguan ko at pinigilan ang lalaki na sundan pa siya. "T*ng-*na sino ka ba?!" Sigaw niya sa akin ngunit agad din nagbago ang mukha ng makilala niya ako. Buti naman at natatandaan mo ang mukha ko bata. "Huwag mo ng sundan si Andrea kung ayaw mong masapak pa kita." Banta ko dito. Mukhang natakot naman siya kaya ng nakasigurado na akong nakalayo na si Andrea ay pinakawalan ko na ang kwelyo niyang nagusot na lang sa higpit ng pagkakahaltak ko. Agad kong pinaadar ang kotse upang hanapin kung saan nagtungo ang babaeng yun at swerte naman na natumbok ko ang isang kalsada na walang halos dumadaan na tao at sasakyan. Really? Hindi ba talaga siya nag-iisip? Dito siya nagpunta? Paano kung may mga nag-aabang na adik o manyak dito? O kaya holdaper? Nag-iinit na naman ang ulo ko sa pagiging impulsive at careless niya. Hindi ko naitago ang asar ko kaya kahit alam kong malungkot siya ay nagawa ko pang maging sarcastic sa kanya. "Si-Sir Jake?" Tanong niya sa akin. "Hindi! Papa mo 'to. Kaya sumakay ka na sa kotse dali." Inis na sabi ko. "Paano niyo po nalaman kung nasan ako?" Tanong niya sa akin. "Napadaan lang ako at may nakita akong babaeng umiiyak sa gilid ng kalsada. Akala ko pa nga may gumagawa ng music video at malungkot na kanta ang tema. Pero nakilala kita kaya lumapit na ako." Palusot ko. Dapat ko bang sabihin na nasaksihan ko lahat ng pangyayari? "B-break na po kami ni Allan Sir! Niloko niya ko!" Hays.. why do I always end up with girls crying because of their stupidity? Napakamot ako sa sentido ko. Sumasakit ang ulo ko sa kanya. "You know, I'm not really good at comforting someone," I said. Well I did once. For Mikee. "But It's better that you found out that he's a f*uckin moron and jerk. Than spending your whole life with him and finding out later when you have no option left." I added then tapped her shoulder a bit. She just looked at me. "Hindi nga po kayo marunong magcomfort Sir", ani Andrea. At tumawa ng malakas. Wow, I made her laught just because of that? It's..amusing. "Gusto mo bang magleave muna para makapagpahinga ka at makapag-isip ka?" Tanong ko sa kanya habang nakapark kaming muli sa kalsada malapit sa boarding house niya. "Hindi na po Sir", umiling iling pa siya. "Mas okay po kung magtatrabaho ako para meron pong distraction at hindi ko siya maisip." Dagdag pa niya. Hindi na siya umiiyak pero magang maga ang mga mata niya dahil sa pagpalahaw kanina. "Salamat po Sir ha. Buti na lang nagkataon na nandun po kayo." She smiled at me. "Well, I guess maganda din ang mga coincidence minsan." Muling palusot ko. Napakamot na lang ako sa ulo. "Baba na po ako sir. Salamat po ulit." Aniya ngunit pinigilan ko siyang buksan ang pinto ng kotse. "A-Andrea..." She just looked at me. "Uhm..You deserve someone better. Kaya..huwag mong sayangin ang luha mo dun sa t*r*nt*dong yun." I told her. She just gave me a wide smile ang opened the door. Hindi ko nilubayan ng tingin ang pigura niya hanggang sa makapasok na siya sa eskinita. Bakit ba ganoon na lang ang concern ko sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD