"yow!yow!yow!", Lahat kami ay napatingin sa maingay na bungad sa amin ng dalawang lalaking kapapasok lang sa branch namin. Parehas matangkad ang mga ito at sa estima ko ay kaedaran ito ni Sir Jake.
"Kamusta Jona?" Buong ngiti ang pagbati niya sa assistant manager ko at maging sa mga iba ko pang kasamahan. Mukhang kakilala na nila ito dahil pati sila Kiya Samuel ay bumati rin dito.
"Hi Sir Andrew! Hi Sir Gab!" Bati agad ni Jackie sa mga ito na mukhang nagttwinkle ang mga mata. Hindi naman nakakapagtaka dahil parehas may magagandang mukha at pangangatawan ang mga ito.
"Nasaan na ang Boss ninyong masungit ha?" Tanong nito sa kanila. Sa salita pa lang na iyon ay batid kong si Sir Jake ang tinutukoy nila. Mukhang kaibigan niya ang mga ito.
"Nag CR lang saglit sa taas Sir Gab. May lakad ba kayo?" Tanong muli ni Mam Jona. Mukhang pati siya ay apektado sa karisma ng dalawnag bisita.
"Oo eh! Alam mo na.. TGIF", ani ng Sir Gab na tinutukoy ni Mam Jona.
"At saka mukhang nabawasan na ang sumpong niya kaya sumasama na ulit sa amin sa mga gimik", dugtong pa nito na bahagya pang inilapit ang bibig sa tenga ni Mam Jona kahit hindi naman bulong ang ginawa niya dahil lahat kami ay nakarinig nito. Hindi lang naman sila ang nakapansin sa pagbabago ng mood nito. Kahit kaming mga staff niya ay napuna na hindi na masyadong mainitin ang ulo niya at madalas na din ang pagngiti nito. Sumasali na din siya sa mga biruan at kwentuhan namin. Ang sabi pa nga ni Sir Art ay bumalik na ang dating ugali ng boss namin. Marahil ay totoo nga ang sinabi niya noon sa bar, na oras na para kalimutan niya ang nakaraan at ang dahilan ng pagbabago niya. Marahil nga ay unti-unti na siyang nakakamove on kay Mam Mikee. Natanggap na siguro niya na wala na talagang patutunguhan ang nararamdaman niya para sa babaeng matagal niyang minahal. Masaya ako para sa kanya. At masaya ako na kung tama nga sila Mam Jona, bumabalik na siya sa dating ugali niya. Ibig sabihin ay unti unti na din siyang nagiging masaya.
"Woah! Hindi nababanggit ni Jake sa amin na may maganda pa lang siyang staff dito..bukod sa inyong tatlo nila Jackie, Lina at sayo Jona of course." Sabi naman ni Sir Andrew na tumayo sa harap ng counter ko.
Agad ding lumapit si Sir Gab sa counter ko at tinabihan ang kaibigan. Buong ngiti ang ibinigay nilang dalawa sa akin.
Halatang kinilig ang tatlong kasama kong babae sa papuring ibinigay ng mga binata sa kanila. Maging si Alice ay di napigilang mapahagikgik at si Mam Jona naman ay nakangisi pang hinawi ang mga takas na buhok papunta sa bandang likod ng kanyang tenga. Si Mam Lina na dati'y hindi mahilig makisali sa usapang crush at kilig ay namula ang mukha at hindi rin naitago ang ngiting agad namutawi sa kanyang labi. At si Sir Art ay napahagikgik dahil sa naging reaksyon ng mga ito. Kahit kailan talaga ay siya ang mahilig mang-asar sa kanila. Palibhasa ay dalawa lamang silang lalaki ni Sir Jake dito sa branch maliban sa mga guard at helper namin.
"Yan si Andeng, Sir Andrew. Bago naming teller. Nagresign na kasi si Alice. " Pakilala naman sa akin ni Mam Jona.
"Hi Andeng! Ako nga pala si Andrew at eto naman si Gab. Mga bestfriends kami ng Boss Jacob mo." ani sir Andrew at naglahad ng kamay sa akin.
"Andeng po Sir. Nice meeting you po!" Akmang aabutin ko pa lang ang kamay nito nang may tumapik sa kamay ng mga ito dahilan para hindi matuloy ang pakikipag handshake ko.
"Spare my people, you perverts." Gamit ang malamig na boses ay inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ng mga ito at sa pakiwari ko ay diniinan ito dahil napaaray ang dalawang kaibigan.
"Ouch! Ang overprotective naman ng boss mo Andeng!", Ani Sir Gab na tatawa tawa pa pero hinihimas ang balikat at mukhang totoong nasaktan.
"May iche-check lang ako saglit sa email. Maupo muna kayo diyan",Sabi pa ni Sir Jake nang patungo siya sa kanyang table. Sumunod naman ang dalawang kaibigan.
"Grabe makabakod. Huwag mong sabihing type mo?" Narinig kong panunukso ng dalawa kay Sir Jake.
" For Pete's sake! She's my staff. Bawal ang relasyon sa isang branch." Reaction naman nito. Teka ako ba ang pinag-uusapan nila?
"E kunwari hindi bawal...type mo?" Muling tanong ni Sir Gab.
Mabuti na lamang at si Jackie at Mam Jona ay pumasok sa loob ng vault. Malayo naman ang table nila Mam Lina at Sir Art kaya imposibleng marinig nila ang pinag-uusapan ng boss namin at ng barkada nito. Pero gayun pa man ay tila namumula ako dahil ako ang pinag-uusapan nila. Balak ko sanang umalis sa pwesto ko ngunit may kung anong kuryusidad ang nagtutulak sa akin na gustong marinig ang isasagot ni Sir Jake.
Ilang saglit bago siya sumagot.
"She's too young for me. And I like independent women. She's too naive and innocent. A damsel in distress to be exact."
Aray naman! Parang may batong pumukpok sa ulo sa dahil sa sagot niya. Teka? E ano naman?! Ano bang ineexpect kong isasagot niya? Na may pag-asang magkagusto siya sa akin? "Hay Andeng! Kung anu-anong pumapasok sa isip mo!", Sabi ko sa sarili ko. Ano naman kung hindi katulad mo ang type niya? Hindi mo rin naman siya type diba?
Maya-maya ay nagpaalam na din ang mga ito na aalis na. Muling lumapit sa akin si Sir Gab at nais ulit makipag kamay ngunit naging maagap muli si Sir Jake at hinaltak kaagad ito.
"Halika na!" Aniya habang halos kaladkarin na ang kaibigan. Bago tuluyang makalabas ng pinto ng opisina ay muling sumulyap sa direksyon ko sir Sir Jake at nagbigay ng isang tango at tipid na ngiti sa akin tanda ng pagpapaalam na aalis na siya.
Hindi ko maintindihan kung bakit, ngunit ng masilayan ko na naman ang ngiting iyon ay biglang lumundag na naman ang puso ko. Pangatlong beses na ito sa pagkakatanda ko. May sakit yata ako.