Doubts

1088 Words
Kinabukasan ang napuno ng pang-iintriga ang mga kasamahan ko. Inaasahan ko naman na ito dahil talagang usisero ang mga kasamahan ko. Pero nakakatuwa naman sila. "Andeng ang gwapo naman pala ng jowa mo eh! Bagay na bagay kayo!" Papuri ni Mam Jona. "Oo nga Andeng jackpot ka! Gwapo na magiging doktor pa!" Gatong naman ni Jackie. "Hindi naman po masyado..", nahihiya ko namang sagot sa kanila. "Nako Andeng baka naman may barkada yan o bestfriend na magdodoktor din ipakilala mo naman ako", dagdag pa ng makulit na to. "Nako tumigil ka nga Jackie at may boyfriend ka na!" Ani Sir Art. "Malay mo naman magbreak kami di ba? Iba na yung may reserba. Hahahha!" Lukaret na babae to! Haha! "Nako Jackie, wala kasi akong kakilalang kaibigan or classmate niya sa MedSchool eh", tila nakaramd ako ng panghihinayang sa sagot ko. "What?! Bakit hindi ka ba niya ipinapakilala or sinasama sa mga party?" Bulalas ni Mam Lina. Napailing lang ako bilang sagot. "Hindi ka pa din nakapunta sa school niya?" Tanong naman ni Mam Jona. "Hindi pa din po. Parehas kasi kaming busy at hindi rin naman ako mahilig magparty kaya hindi din ako nakakasama", Sagot ko. Pero ang totoo ay never pa din niya akong inimbita na sumama sa mga party o kahit lakwatsa nila ng mga kaklase niya sa MedSchool. Ang sabi niya ay tanging sa coffee shop lang naman sila tumatambay at bihira din kung mag-inom dahil sa pag-aaral pa lang ay nauubos na ang oras nila. Lalo pa't may part time job pa siya sa coffee shop. "Ang weird lang ah..kasi kung ako ang may girlfriend na katulad ni Andeng, maganda,mabait at professional pa eh lagi kitang isasama at ipagyayabang." Singit na naman ni Sir Art. "Nako.. kayo talagang mga lalaki gusto nyo lagi yun pang display na girlfriend!" Sagot naman ni Jackie na mukhang naiinis sa sinabi ni Sir Art. "Hindi sa ganun, pero kung katulad ni Andeng ang girlfriend e dapat ipangalandakan mong girlfriend mo siya para malaman ng mga nagbabalak dyan na hindi na sila pwedeng umepal kasi may jowa na!" Paliwanag ni Sir Art na inismiran naman ni Jackie. "Hay nako tigilan niyo na nga si Andeng. O siya na Andeng at lahat kayo balik na sa trabaho! Baka maabutan pa tayo ni Sir Jake na nagkukwentuhan lang dito eh mapagalitan pa tayo." Ani ulit ni Mam Jona. Napaisip ako sa sinasabi nila. Actually ay sumagi na ito sa isip ko dati na kahit kailan ay wala akong nakilalang mga kaklase niya sa MedSchool. Nakikita ko lang lagi siya na nag-aaral pero wala siyang nababanggit tungkol sa mga kaibigan doon at maging sa mga gimik ay hindi din siya palasama. Or wala din siyang nababanggit na mga lakad nila maliban sa naggroup study sila sa coffee shop malapit sa school o kaya naman ay nagtwo bottles lang sa boarding house ng kaklase niya na si Alex. Pero kahit kailan ay hindi ko ito nakilala. Kahit pictures ay wala sin dahil wala naman talaga siyang hilig sa selfies. "Babe...kelan kayo ulit lalabas nila Alex?" Tanong ko kay Allan nung weekend na magkasama kami. Tila nabigla siya sa tanong ko. Sa bagay ay ngayon lang ako nagpakita ng interes tungkol dito. "Ah..hindi ko pa alam eh. Bakit mo natanong?" "Wala naman..gusto ko kasing makilala yung mga classmate mo eh. " Sagot ko naman sa tanong niya at kumapit sa kanyang braso. "Anong nakain mo? Ngayon ka lang nagkainteres na makilala sila ah." Aniya "Alam mo yun para kilala ko din ang mga nakakasama mo", napatingin siya sa akin at nag-iwas din agad ng tingin. "Okay..next time babe." Tugon nito at nagsimulang magkwento na ng ibang bagay. "Huy Andeng ang lalim na naman ang iniisip mo diyan!" ,Puna sa akin ni Jackie. Bahagya pa akong napatalon sa pagkabigla nang tapikin niya ako. "W-wala naman.." sagot ko na hindi pa din naaalis sa gumugulo sa isip ko. "Ano ba yun? Baka makatulong ako. Napapansin ko kasi ilang araw ka ng may iniisip eh",tinitigan ko si Jackie. Sa ilang buwan na magkasama kami ay alam ko naman na mapagkakatiwalaan ito kahit may pagkamadaldal ito. "Alam mo kasi napaisip ako sa sinabi ninyo ni Sir Art tungkol kay Allan." Panimula ko. "Alin?" Nagtataka naman siya. Marahil nga ay ako lang ang dumibdib dun. "Kung bakit hindi man lang ako naipapakilala ni Allan sa mga kaklase at kaibigan niya sa MedSchool." "E di ba sabi mo kasi nga hindi naman din magimik ang mga yun dahil busy sa pag-aaral." Sagot niya. "Oo nga. Pero..ewan ko ba..", ani ko sa kanya. "E di isurprise mo sa school niya..dalawin mo. Alam mo naman ang schedule niya di ba? Baka maman ikaw lang ang hinihintay niyang dumalaw sa kanya.." suhestiyon niya. Kung sa bagay...Siguro naman ay matutuwa siya kapag sinorpresa ko siya. "Sige sa day off ay dadalawin ko siya" napangiti na lamang ako kay Jackie. Nang sumapit ang araw ng sabado ay tinuloy ko ang plano ko na dalawin si Allan sa pinapasukan na MedSchool dito sa Manila. Ang alam ko ay lunchbreak niya ngayon at dalawang oras ang bakante niyang oras kaya pwede kaming sabay na mananghalian. Ngunit hindi ko pa siya natatanaw at kanina pa ako nakaupo dito sa waiting shed. "Babe!", Sa wakas ay sinagot din niya ang tawag ko. "Bakit babe?" "Nandito ako sa labas ng school mo. San kana? Di ba lunch break mo na?" Tanong ko dito. "Hah? Bakit?! " Nakakapagtaka ang maagap na tanong niya. Parang hindi ko naman naramdaman na masaya siyang dinalaw ko siya. Di tulad dati na siya pa ang nagpipilit na magkita kame nung college pa kami. "Wala... isusurprise sana kita kaso ang tagal mo lumabas eh. Puntahan mo na ako dito sabay na tayong mag tanghalian." "Eh napaaga kasi ang break ko Babe at wala yung isang professor. . Nagpunta muna kami nila Alex sa coffeeshop eh para maggroup study.  Wala din pasok sa susunod na subjects kasi...may meeting ang buong faculty. Gusto mo magmeet na lang tayo sa mall." Paliwanag niya. Hindi ko alam pero nagkaroon ako ng biglang kaba sa dibdib ko. "Puntahan na lang kita dyan Babe para makakilala ko na din sila." Suhestiyon ko naman. "Hindi na Babe. Tapos na din naman kasi kami kaya pauwi na din sila. Sa mall na lang tayo magkita. Okay?" "O-okay Babe. Sige text text na lang." Sabi ko at mabilis niya ng ibinaba ang tawag. Mas lalong nagkaron ng mga tanong sa isip ko. Ngunit ayokong magduda kay Allan. Sa loob ng halos pitong taon na relasyon namin ay never itong nagloko. Hindi kami kahit kailan nagkaroon ng trust issues. Siya pa nga itong seloso. Kailangang papayapain ko ang isip ko. Okay  kami ni Allan. Wala kaming problema. Napapraning lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD