Excursion

1671 Words
Andeng's POV Lumipas ang mga araw at linggo na hindi ko na masyadong naiisip si Allan. Salamat sa mga kaibigan ko at sa mga kasamahan ko sa trabaho na lagi akong sinasamahan at pinapasaya sa tuwing sa tingin nila ay dinadalaw ako ng lungkot. Hindi naging madali nung una para sa akin na magmove on pero unti unti ay natanggap ko na din ang nangyari. Ilang beses akonh  sinubukan  kausapin ni Allan pero naiblock ko na ang number niya kaya kahit  papaano ay nagkaroon na din ako ng katahimikan. Sa kung anong dahilan ay hindi na rin siya nagtangkang magpunta sa boarding house at sa opisina di gaya ng mga unang araw ng maghiwalay kami na panay ang punta niya pero hindi ko siya hinaharap. Baka napagod na din siya, O baka bumalik na siya sa Dianne na yun?l. Kung ano man ang dahilan ay wala na akong pakialam. Naalala ko tuloy ang naging reaksyon ng mga kasamahan ko nang malaman nila ang nangyari. "Nako Andeng 'pag nakita ko yun dito mabubugbog ko talaga yung lalaking yun!" Isinuntok pa ni Sir Art ang isang kamao sa kanyang palad nang sabihin niya ito. Si Jackie naman na halos best friend ko na dito ay muntik ng mag war freak at balak pang sugurin si Allan sa coffeeshop. Buti na lang at pinakalma siya nila Mam Lina. "Hay nako Andeng huwag mo ng iyakan ang kumag na yun" ani Mam Jona na inis na inis din snangyari. "Sa ganda mong yan e marami pang ibang magkakagusto sa'yo noh! Di ba Sir Jake?" Dagdag pa niya at biglang baling sa boss namin na saktong dumaan sa harap namin paakyat sa second floor. Tila nabigla pa si Sir Jake sa tanong ni Mam Jona. "Ha? Ah..siguro." Tanging nasabi nito at dumiretso na sa hagdan paakyat. Saglit pa siyang sumulyap sa akin. Hindi ko binanggit sa mga kasamahan ko ang tungkol sa pagkikita namin ni Sir Jacob ng araw na nahuli ko si Allan. Maging siya ay hindi din ito sinabi. Siguro kung may balak siyang ipaalam ay siya na mismo ang magsasabi nito. Jacob's POV "Guys, block your schedule this coming weekend. Mag out of town tayo. All on me!." "Wow! Yes!" Tuwang tuwang hiyawan ng mga staff ko. This past days ay nakita ko na unti unti ng bumabalik ang sigla ni Andrea sa trabaho. Sa ilang araw na sinusundan  ko siya sa pagpasok at pag-uwi ay hindi ko na siya nakikitang umiiyak o nalulungkot. I don't know but I have this urge to make her feel okay and happy. Para makita niya na madami pa siyang pwedeng gawin ngayong wala na sila ng kumag na yon. Mabuti nga at hindi na ito muling pumunta sa branch para kausapin siya. Isang beses na nakita ko itong nagmamatiyag sa opisina ay agad ko itong hinablot. Mabuti at walang nakakita sa akin nang harapin ko ito. "Di ba sinabi ko sa iyong huwag ka na ulit magpapakita kay Andrea?" Pigil na pigil ang galit ko sa kanya dahil baka kung anong magawa ko. "Bakit po ba Sir? Gusto ko lang namn siyang kausapin? Ano po bang pakiaalam ninyo?" Pautal utal na tanong nito dahil mahigpit ang pagkakahatak ko sa kwelyo niya. "Ayokong ginugulo mo ang mga tao ko. Kahit sa boarding house niya huwag na huwag ka ng magpapakita kung ayaw mong magulpi kita." Itinulak ko siya papalayo at mabuti namang mukhang natakot na siya dahil hindi na siya muling nagpunta sa opisina o maging sa bahay ni Andrea. Subukan lang niya.  I decided to set up an out of town for the team. Matagal na din naman kaming hindi nakakalabas at excuse ko na din ito para malibang si Andrea. "Wow Sir! Pero anong meron boss at libre mo pa lahat?" Excited na tanong ni Jackie. Sh*t! I need an excuse. "Ah..birthday ko." Yun lang agad ang pumasok sa isip ko. "Sir..di ba po five months ago pa  po ang birthday niyo? At nagtreat  na po kayo dito sa branch nun" Jackie! Pwede bang wag ka ng mausisa. "Kaya nga isecelebrate natin ulit ngayon dahil hindi ako nakapaghanda ng maayos ng mismong birthday ko. I feel like I owe you guys " Palusot ko. "Oo nga sir kasi may sumpong ka daw nun eh sabi ni Sir Andr.." agad na tinakpan ni Jona ang madaldal na bibig ni Jackie. "Ah..ibig niyang sabihin Sir..go kami sa out of town. Di ba go kayong lahat?!" Ani Mam Jona. Alas singko pa lamang ng Sabado ay nagkita kita na kaming lahat sa labas ng opisina dahil dito ang meeting place namin. Katulad ng sinabi ni Sir Jake ay all expense paid niya ang excursion na ito. Malaking Van ang dala niyan kaya't komportableng komportable kami dito. Habang nasa biyahe ay ayaw paawat sa pagkukulitan ang apat kong kasamahan. Si Sir Art ay walang ibang ginawa kundi asarin si Jackie dahil sa suot nitong malaking beach hat. Akala mo daw ay isang donya ito at kulang na lang daw ay ang malaki ring pamaypay. Si Jackie naman ay hindi rin patalo na pinupuna naman ang may kalakihan nitong tiyan na kung tawagin ni Sir Art ay "Dad Bod" . Wala kaming ibang ginawa kung magtawanan. Si Sir Jacob naman ay na nakikisali na din sa kwentuhan. Nang makarating kami sa La Union ay agad kaming nagtungo sa hotel suite na pinareserve ni Sir. May dalawang kwarto dito. Para sa boys at para sa girls.  Nagpasya muna kaming kumain ng maagang pananghalian. Napuno ng tawanan at asaran ang umaga namin na yun dahil kay Sir Art at Jackie na panay nag panunudyo sa isa't isa. Kung hindi nga lang may asawa na si Sir Art ay masasabi kong bagay sila dalawa. Masarap ang simoy ng hangin sa La Union o ElYu kung tawagin ng iba. Sariwa,hindi tulad sa Maynila na lumabas ka lang saglit e puno na ng dumi ang loob ng ilong mo sa sobrang polusyon. Nang hindi na masakit sa balat ang araw ay nag-aya na ang mga kasama kong magswimming. Hindi ko alam na mahilig pala sa swimsuit ang tatlong babaeng kasama ko dahil mukhang pinaghandaan nila ito ng husto lalo na si Jackie na nakalimutan pang tanggalin ang pricetag  na nangangahulugang bagong bili pa ito. Hagalpak na naman sa tawa si Sir Art dahil hindi talaga siya nagpatinag sa big beach hat niya. "Seryoso Andeng? Balot na balot ka naman!" Puna ni Jackie sa suot kong rash guard at board short. Pinasadahan pa nila ng tingin ang suot ko mula ulo hanggang paa. "Ano ba naman yan Andeng! Paano ka makakakuha ng bagong "papa" niyan? Show some skin! Nako kung ako ang may katawan mo eh..." Pabirong bulalas ni Mam Jona. Sakto naman ang dating nila Sir Jacob at Sir Art mula sa kabilang kwarto. "Halika Andeng may dala kong extrang two piece. Bago yun kaya gamitin mo na!" Aya ni Jakie pero agad na tumikhim si Sir Jake. "Okay na yan, magmadali na tayo at masyado ng malaki ang waves mamaya." Aniya kaya hindi na nagpilit ang mga kasamahan ko na magpalit ako. Buti na lang. Nang makarating kame sa spot kung saan may mga nagtuturo ng surfing ay agad kaming nagkayayaan na magpaturo nito. Ilang beses na natumba si Sir Art kaya asar talo na naman siya kay Jackie.  Mukhang madalas ditong magbakasyon si Sir Jake dahil tila magkakilala na sila ng mga surfers and surfing instructors dito. Maya maya ay kumuha ng surfing board si sir at walang kagatol gatol na hinubad ang kanyang Billabong na sando at lumantad ang ma-muscle muscle niyang katawan. May anim na pandesal sa kanyang tiyan. Napaisip ako kung ano bang marasap na palaman dun? Keso, kondensada o peanut butter. Biglang nanuyo ang lalamuna ko. Erase! Erase! Huwag mong bahira ng kamunduhan ang isip mo Andeng! Ani ko sa aking sarili. Iniling iling ko ang aking ulo ngunit sumulyap ng isa pa muling tingin sa abs niya lalo na at tanging board shorts na lamang ang saplot nito sa katawan bago ito tuluyang lumusong sa dagat para magsurf. Mukhang hindi lag ko ag nag-iisang nagitla sa magandang view kanina dahil narinig ko ang tili ng mga babae sa kabilang dako na kulang na lang ay mangisay sa kilig nang makita si Sir Jake. Magdadapit hapon na ng araw na yun at tapos na din kaming magswimming. Naakit ako ng magandang sunset kaya naisip kong maupo sa buhanginan malapit tabing dagat para panuorin ito. Maya maya ay naramdaman ko ang presensya ng isang tao ss tabi ko. Lumingon ako at natagpuan ang bulto ni Sir Jake na nakinood din sa akin sa magandang tanawin na ito. "Bakit mag-isa ka dito?",  Malumanay na tanong niya. "Nanunuod lang Sir ng Sunset at ng mga waves ng dagat. Nakakarelax eh." Sagot ko at muling ibinaling ang tingin sa tanawin. "Okay ka na ba?", May kung anong humaplos sa puso ko sa simpleng tanong na iyon. Napangiti ako ng bahagya. "Opo Sir. Okay na okay na po ako. Kahit ako ay  hindi makapaniwala na madali akong makakapagmove on" sagot ko. "Salamat po sa mga taong nasa paligid ko na pinapasaya ako. Tulad po ninyo.."napatingin ako sa kanya. Ako lang ba ang nakaramdam ng awkwardness sa sinabi ko? "at ni Jackie, at ni Sir Art, at ni Mam Lina, at ni Mam Jona." biglang bawi ko. Napabuntong hininga siya. Saglit kaming binalot ng katahimikan nang muli siyang bumaling sa akin. Hinawi ng kanyang daliri ang mga takas na buhok ko patungo sa likod ng aking tenga. "Hindi bagay sayo ang masaktan Andrea", aniya habang muling hinawi ang mga buhok kong hinipan ng hangin. "Po?" Tanging nasambit ko. Bakit bigla na namang nagrigodon ang puso ko? "Dapat sayo ay pinoprotektahan," Malamlam ang mga matang nakatingin sa akin. Parang tumigil ang paghinga ko dahil sa presensya niya lalo na sa kaalamang hinahaplos niya ang buhok ko. Kalma puso, kalma. "Para ka kasing bata," natatawa niyang dugtong at biglang ginulo gulong muli nag buhok ko. "Let's go back to our room, nang makapaghapunan", nangisi niyang sabi at tumayo na. Hindi ako kaagad nakagalaw dahil sa kakaibigang pakiramdam na idinulot niya  sa akin. "Let's go Andrea," muli niyang tawag sa akin. "O-opo" nauutal kong sagot at dali dali ng tumayo para sumunod sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD