Ganito pala kasakit ang feeling ng maheartbroken. First love ko si Allan at first boyfriend din. Sa loob ng ilang taon naming relasyon ay hindi kami nagkaroon ng mabigat na problema. Lagi din siyang sweet at mapag-alaga. Hindi din niya ako binigyan ng dahilan para magselos o magduda sa kanya. Well not until recently when I found out that he's cheating on me and not just that, made me believe that he's attending his MedSchool and spent all my hard-earned money on his other girl. Ang bagay na parehas namingpinagsumikapan.
Masakit pala ang lokohin ka ng taong pinagkatiwalaan mo. Pero tama nga si Sir Jacob, mas mabuti ng ngayon pa lang ay nalaman ko na kesa naman mas tumagal pa. Speaking of Sir Jake, hanggang ngayon ay na--amaze pa din ako sa coincidence kahapon. He was at the right time, at the right place. Kung saan ko napiling umiyak ay saktong napadaan siya dun. Nagpapasalamat pa din ako dahil nagkataon na nandun siya. Kahit naman may pagkasarcastic siya e ramdam ko naman ang concern niya para sa akin. Nakakapagtaka nga lang na sa lahat ng oras at lugar ay dun niya pa ako nakita. Hindi ko tuloy napigilang umiyak sa harapan niya. Gayunman ay nakita ko ang pag-aalala niya sa akin kahit alam kong ipinapakita niyang naiinis siya pero alam kong sincere talaga ang concern niya sa akin.
Kahit anong sama ng pakiramdam ko ay mas pinili ko pa ding pumasok sa trabaho. Ganun talaga eh. Kailangang ituloy ang buhay. Mas maaga akong bumangon sa higaan upang makapag-asikaso papasok sa trabaho.
Mula sa jeepney stop ay 10 minutes walk ang layo ng opisina. Mayroon namang mga available na tricycle at jeeps din. But that morning, I wanted to take a few moments alone para makapag-isip isip at makahuhot ng lakas para sa panibagong araw. Maaga pa naman at kahit maglakad ako ay maaga pa din akong makakarating sa opisina.
Dahil napaaga ang gising ko ay hindi ko na nahintay ang almusal na niluluto ng aking land lady. Naisip kong kumain na lang muna sa fast food chain na malapit sa opisina.
Matapos kong mag order ng breakfast meal ay prente akong naupo sa bakanteng table at sinimulang kumagat sa hamburger na inorder ko.
"Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko..
Magbago man ang hugis ng puso mo.."
Ay wow! On cue naman ang background song! Naalala kong bigla ang commercial ng fastfood chain na ito tungkol sa nagbreak na couple. Sumagi din na isip ko na ito ang paborito naming kainan ni Allan nung mga college pa kami. Para akong maiiyak, pero pinigilan ko ang sarili ko at tinuloy ang pagkain. Hindi ko na dapat siya isipin.
Habang naglalakad ay napadaan ako sa simbahan. Naisip kong manalangin saglit at humingi ng lakas sa Diyos upang madali akong makapag move on sa nangyaring kabiguan. Hindi ko napigilang mamuo ang luha sa aking mata. Ngunit nangako ako sa aking sarili na kagabi na ang huling beses na iiyak ako para kay Allan. Agad kong pinahid ang mga luhang yon.
Ilang minuto pa ay nakarating din ako sa opisina at buong giliw na binati ang mga kasamahan ko. Maya maya ay dumating na din si Sir Jacob.
"Sir Jake wala kang dalang sasakyan?" Agad na tanong ni Mam Jona sa kanya pagkatapos nitong batiin.
"Ha? Ah..meron. Iniwan ko saglit dun sa restaurant dyan sa malapit. Nagbreakfast kasi ako dun eh. Naisio kong maglakad para matunawan." Sagot ni Sir Jake na tila napatingin pa sa akin nang sabihin ito.
"San po kayo pupunta Sir?" Tanong muli nito. Tuwing umaga kasi ay sa table niya ito dumidiretso at hinaharao agad ang.computer nito. Pero nakakapagtaka na sa ibang parte ito ng opisina unang tutungo.
"Sa pantry, iinom ng tubig. Uhaw na uhaw ako." Aniya at tinungo na ang panrty.
"Hiningal siguro si Sir sa paglalakad. Bakit naman kasi inwan pa yung kotse sa kinainan niya." Puna ni Sir Art.
Jacob's POV
Mula sa di kalayuan ko naisip iparada ang kotse ko. May sapat na distansiya na abot ng tanaw ko, ngunit may sapat ding layo na hindi niya ako makikita.
I wanted to wait for her.. to make sure that she's okay. Pero hindi ko alam kung bakit pinipigilan ko ang sarili ko. Ilang beses akong nakipagbuno sa isip ko kung lalapitan ko ba siya. Sabihin ko kayang napadaan ako? What a lame excuse. Out of way ang bahay ko sa boarding house niya! Sabihin ko kayang may kaibigan akong taga dito? Pero alam niyang hindi ako pamilyar sa lugar nung unang beses na maihatid ko siya! Sh*t! Napamura ako nang matanaw ko siyang lumabas mula sa eskinita at nagsimulang maglakad patungo sa sakayan ng jeep. Napatakip pa ako ng mukha ko nang mabaling ang tingin niya sa direksyon kung saan ako nakapark. Buti na lamang at mukhang hindi niya ako nakita.
Sinimulan kong patakbuhin ang kotse ko ng mabagal upang matanaw siya habang naglalakad. At nang nasigurado kong nakasakay na siya ay sinundan ko ang jeep. D*mn! Alam ko naman kung saan siya pupunta pero para akong stalker na sinusundan siya. Ewan ko ba! Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Kahit anong pilit ko ay bumabalik sa alaala ko ang mukha niya kahapon. Kung paano siya umiyak dahil sa sira ulong lalaki na yun. Okay lang kaya siya? Umiiyak na naman kaya siya? Paulit ulit na tanong ko sa sarili ko. Naisip kong puntahan siya boarding house niya at abangan siya upang maisabay sa pagpasok. Pero nagtalo ang magkabilang parte ng isip ko kung tama ba? Bakit ko nga ba gagawin yun? Bakit ba ganun na lang ang pag-aalala ko sa kanya? Kaya eto ang ending ko..nakamatiyag mula sa malayo.
Nakita ko pa siyang bumaba sa jeepney stop. I waited for her to ride a tricycle going to the office but to my surprise, she went to that famous fastfood chain. Buti naman ay naisip niya pang magbreakfast. Nagpark ako sa tagong parte ng fastfood chain na yun at nag-ingat na hindi niya ako makita. Mula sa di kalayuang table ay sinisipat ko siya habang umiinom ng inorder kong kape. Natuwa ako dahil madami ang pagkain na binili niya. At least hindi siya katulad ng ibang heartbroken na walang ganang kumain.
Nakakaisa kagat pa lang siya sa burger nang mapahinto siya at parang naiiyak.
"Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko..
Magbago man ang hugis ng puso mo.."
D*amn! Seriously? Apektado talaga siya sa kanta?!
Saglit pa siyang napatulala at tulad ng eksena sa sikat na commercial na yun, pinigil niya ang luha at sinimulan muli ang pagkagat sa hamburger niya.
"That's it Andrea. Kaya mo yan!" Sabi ko sa sarili.
Matapos niyang kumain ay lumabas na siya ng establisyimento na yun at naglakad muli. Baka mahalata niya ako kung susunod ako sa kanya gamit ang kotse kaya naisipan kong maglakad na lang din. Hindi naman ganun kalayo ang opisina mula dito.
Maya maya ay huminto si Andrea sa paglalakad at pumasok sa simbahan. Sumunod ako ngunit sa malayo lang ako nakatanaw upang hindi niya ako makita.
Taimtim siyang nagdasal. Marahil ay humihingi siya ng guidance kay Lord. Eto na naman siya at parang naiiyak. Pero tulad kanina, agad niyang pinahid ang mga luha na yun para hindi tuluyang bumagsak. "Tama yan Andrea, be strong."
Naglakad pa siyang muli at sa wakas ay nakarating na ito sa branch. Nakakapagod din pala yun ha. Kahit malayo lang pero dahil mainit na ang sikat ng araw ay hindi komportable na maglakad kahit pa sabihing malapit lang. Babalik na sana ako kung saan ko iniwan ang kotse ko pero naramdaman ko naman ang sobrang uhaw kaya pumasok muna ako sa branch para makainom ng tubig. Hindi naman siguro nila ako mahahalata.