Pinilit kong ilagi ang paningin ko sa salamin sa gilid ko. Kunwari'y pinagmamasdan ko ang daan gayung wala namang makita na sa paligid dahil malalim na ang gabi. Hindi ko magawang tumingin ng diretso sa kanya. Sa hiya, sa pagkailang, o dahil sa epekto ng mga titig niya sa akin. Mas lamang ang huling dahilan. Panakanaka siyang nagtatapon ng sulyap sa akin pero nagpapanggap akong hindi ko iyon napapansin. Sino ba naman ang hindi maiilang kung ganito kagwapo ang lalaking magpapahayag ng damdamin niya sa iyo?
"Hey, kanina ka pa umiiwas ng tingin sa akin. May problema ba?", Puna niya sa akin na bahagyang nakangiti.
"Ha? Ah..eh..wala. pinapanuod ko lang yung daan", nauutal na palusot ko.
"Tss," napangisi ito. " Madilim na Andrea,wala na ngang maaninag sa kalsada oh. Tell me, nahihiya ka ba sa akin?", Tanong niya. Napansin mo naman pala eh.
"Hindi ah! Bakit naman po ako mahihiya Sir?", Sige Andeng..push mo pa yang pagpapakipot mo!
"Can you please drop that "Sir"? Kung tayo lang naman dalawa," aniya.
"Susubukan ko. Nakasanayan ko na kasi eh", sagot ko naman.
"Going back, hindi ba pwedeng magresign ka na sa bar?", Muli na naman niyang pakiusap. Kanina bago kami umuwi ay siya na mismo ang kumuha ng gamit ko na naiwan ko sa locker dahil ayaw na niyang tumuntong akong muli sa loob nun. Ngayon ay heto na naman at hinihiling niyang huminto na ako sa trabaho ko doon.
"Nag-aalala ako sa'yo eh. Paano kung maulit na naman ang nangyari kanina at nagkataon na wala ako?" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Parang may kung anong init ang humaplos sa puso ko sa nakita kong sincerity niya.
"Pag-iisipan ko," tanging nasagot ko ngunit nagbigay ng kasiyahan sa kanya.
"Bakit nga pala bigla hindi mo ako hinintay kanina na sunduin ka? Tapos pinatay mo pa ang cellphone mo? Halos paliparin ko na ang kotse ko kanina papunta sa bar," may himig ng pagtatampo sa kanyang boses.
"Alam ko kasi busy ka pa eh lalo na't kasama mo si Mam Mik..." Napahinto ako agad sa muntik ko ng masabi. Napalingon siya sa aking at pinigil ang ngiting pilit kumakawala sa labi niya. Itinuon muli ang paningin sa kalsada ngunit ramdam ko pa din ang pagpipigil sa tawa niya.
"May lakad ka kasi kanina, ayokong makaabala" muling sagot ko at itinuon ang paningin ko sa kalsada na wala namang maaninag na kahit ano dahil sa kadiliman.
"Tss! I knew it! Nakita mo kami ni Mikee kaninang umaga noh?!" Natatawa niyang sabi. Oo nakita ko kayong nagyayakapan at parang sayang saya ka pa! Tanging nasagot ko sa sarili ko. Nag-iwas na lang ako ng tingin.
"I can't believe you're jealous with a married woman, and to think she's even pregnant!" Natatawang bulalas pa niya. Napabalikwas ako ng tingin sa kayan.
"P-pregnant?" Nalilitong tanong ko sa kanya.
"Yes, she is pregnant.", Pagkumpirma niya.
"It's been a long time since we've talked to each other because of,you know, because of what happened in the past," of course I know! Sumama ang loob mo dahil binasted ka at may iba siyang mahal. Kaya nga ako ang pinagbuntunan mo ng kasungitan mo dahil dun eh.
"Dinalaw niya ako kaninang umaga para kausapin and to tell me the news. She's two months pregnant. Gusto niya na sa kanya 'yun manggaling kesa sa iba pa ang magsabi saakin. Whatever happened in the past, malalim ang pagiging magkaibigan namin. We're very good friends. Hindi namin mapuputol yun. Hindi na din dapat pang sumama ang loob ko sa nangyari at sa naging desisyon niya. Mali ako na magalit sa kanya. Kaya masaya ako na nagkaayos na kami.
" Pero namiss mo siya? Kaya niyakap mo siya?" Tila nanghahamon ko pang tanong na lalong nagpangisi sa kanya. Alright, trinaydor ako ng sarili kong reaksyon at pinatunayan lamang ang sinabi niyang nagseselos ako.
"Magkaibigan na lang kami," malumanay na sagot niya na tila binibigyan ako ng assurance. Hoy Andeng hindi mo pa siya boyfriend kaya huwag kang possessive diyan! Pagpapagalit ko sa sarili.
"Huwag ka ng magtampo..." Inabot ng kanyang kamay ang aking pisngi upang pisilin ito at panggigilan habang hindi inaalis ang kaliwang kamay sa manubela ng sasakyan.
"Aray!" Reklamo ko. Muli na naman niyang ginulo ang buhok ko na madalas niyang gawin noon.
"Sino ba naman kasi ang hindi sasama ang loob? Ang aga kong nagising kaninang umaga para maghanda ng almusal natin tapos ang ending may breakfast date ka pala sa iba," Am I acting like a jealous girlfriend already?
"You did? Nasaan na?", Halatang sumilay ang excitement sa kanyag boses.
"Nasa paper bag na dala ko. Ayun yung nasa likod" turo ko sa pagkain. Agad niyang inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada at inabot ang paper bag na yun sa likod.
"Kanina pang umaga yan, baka hindi na masarap yan dahil hindi na mainit", paalala ko sa kanya ngunit waring balewala sa kanya na nalipasan na ng init ang mga pagkain na yun dahil agad niyang binuksan ang mga tupper ware at isa-isang tinikman iyon gamit ang disposable spoon and fork na dala ko.
"Masarap pa din naman, sana kanina mo pa sinabi sa akin para hindi na ako sa labas nag-almusal," patuloy ang pagsubo niya sa mga pagkain na hindi alintana na kanina pa iyong umaga.
"Eh sorpresa nga sana kaso may kasama ka namang nag-agahan kanina," bumalik ang himig ng pagtatampo ko sa kanya. Napahinto siya saglit at isang malawak at nakakalokong ngiti ang pinakita sa akin.
"Kung alam ko lang ay hindi na ako umalis, but at least, i get to see how cute you are when you're jealous," lalo pang lumapad ang ngiti nito. Naramdaman ko ang pagpula ng mukha ko.
"Lilinawin ko lang ha, hindi ako nagseselos. Nagtatampo lang ako kasi maaga akong gumising para maghanda niyan pero hindi mo din naman pala makakain, pero hindi ibig sabihin nun ay nagseselos ako," pinagdiinan ko pa ang salitang TAMPO to emphasize na hindi iyon selos. Lokohin mo ang lelang mo Andeng.
"Whatever," nakakalokong sagot nito at nagpatuloy ng muli sa pagkain. Hindi ko naiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siyang kainin at ubusin ang pagkain na hinanda ko kahit pa malamig na ang mga ito.
"Busog na busog ako," aniya at hinihimas pa ang tiyan.
"Para sa dalawang tao kasi sana yan pero nilantakan mo mag-isa," pang-aasar ko sa kanya.
"I got carried away..I'm sorry.." pangisi ngisi pa siya habang patuloy na hinihimas ang tiyan na kahit may kaunting umbok dahil sa rami ng nakain ay hindi pa din nakabawas sa kanyang kakisigan.
"Lumabas tayo bukas,wala namang pasok. Susunduin kita ng maaga," pinal na sabi niya na hindi man lang inalam muna kung may lakad ba akong iba o kung gusto ko ba siyang makasama. Ngunit alam ko naman sa sarili ko na kung sakaling aanyayahan niya ako ay walang pag-aatubili naman akong papayag.
"Saan naman tayo pupunta?" Binalot ako ng kuryusidad kung saang lugar na naman niya ako dadalin. Last time na isinama niya ako ay sa putikan pala ang punta namin. Mabuting nang prepared ako.
"Basta," kita na ang excitement sa kanya. Pilit ko din naman itinatago ang excitement na nararamdaman ko. Pero sa loob ko, mukhang hindi ako patutulugin ng pag-iisip na bukas ay magkasama ulit kami.